Hindi ako handang makinig at wala akong planong makinig. Iniwan ko silang magkapatid at dumiretso na dito sa condo. Dito ako ngayon matutulog sa kabilang kwarto, bahala si Klark. Ni hindi man lang niya ako inihanda sa kung sino mang kakaharapin ko.
Sa paglipas ng taon nandito pa rin pala ang galit sa puso ko. Alam kong ayos na ako, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na kung paano kaya kung hindi nangyari lahat ng iyon? Masakit kasi na kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ay siya pa ang gagawa ng masama sa'yo. Naging matalik kong kaibigan si Drew at kahit ano namang gawin niyang paliwanag ay hindi na mababago lahat ng nangyari.
"Boss." Mahinang tawag ni Klark.
"Uuna na 'ko, may gagawin pa ako sa opisina." Nagmamadali akong umalis.
Ilang buwan na rin kaming ganito ni Klark. Madalas ay sinusubukan niyang makipag-usap pero ako na mismo ang umiiwas. Mas madalas na akong maglagi sa opisina dahil nga iniiwasan ko siya. Umuuwi na lang ako kapag sigurado kong nakatulog na siya. Kaya hindi ko inaasahan na aantayin niya ako ngayon.
"Meg. Let's talk." Ang daming nagkalat na bote sa paligid.
"Pagod ako."
Didiretso na sana ako sa kwarto nang bigla niya akong pigilan. "Mag-uusap tayo ngayon!"
Nagulat ako dahil sa pagsigaw niya. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang hininga. "Kalmahin mo muna ang sarili mo. Lasing ka." Tanging sambit ko dahil sa ilang taon kong pagkakakilala kay Klark ay never niya akong nasigawan.
Binitawan niya ako at padabog siyang umupo sa sofa. "Sorry. Pero pwede bang makinig ka muna? Kahit ngayon lang. Ilang buwan na tayong ganito, kasama kita sa bahay pero parang ang layo layo mo." Nakita ko ang pagtaas at baba ng dibdib niya. "Lagi kang ganyan, ang tigas tigas lagi ng puso mo. Gusto mo ikaw lagi ang sinusuyo." Panunumbat niya.
"Wala naman akong sinabi na suyuin mo 'ko..." Agad niya akong pinutol.
"Oo... wala... pero kung hahayaan lang kita ay walang mangyayari sa'tin Meg. Kasi hindi ka naman marunong makinig. Alam mo lang lagi ay galit ka at wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo kasi nga galit ka."
Naikuyom ko ang mga palad ko. "May sasabihin ka pa ba?"
"Try mong makinig minsan. Tanggalin mo 'yang galit sa puso mo. Hindi ka magiging masaya kung patuloy mo 'yang dadalhin. Hahayaan muna kita dito tutal ay wala ka rin namang pakialam kahit nandito ako."
Tatlong buwan na rin mula nung huli kaming magkita. Gusto ko sana siyang puntahan at humingi ng tawad pero ginagapang ako ng hiya at ng kaba. Siguro mas mabuti itong naisip ko ngayon, ito muna ang gagawin ko bago sumubok na kausapin si Klark.
"Kumusta?" Panimula ko pero sa totoo lang ay kabang kaba talaga ako.
Nag-aalangan siyang tumingin. "Ayos naman, magaling na." Tumawa siya pero pansin ko na naka-abang siya sa reaksiyon ko.
"Uhm mabuti naman kung gano'n." Ininom ko ang tubig mula sa baso na nasa harap ko.
Huminga siya ng malalim. "Alam kong mahirap para sa'yo ito. Pero salamat Meg. Salamat at nakipagkita ka sa'kin ngayon. Alam kong habang buhay kong dadalhin ang naging kasalanan ko sa'yo pero gusto ko lang talagang humingi ng tawad."
Yumuko ako at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "Pero bakit Drew? Gusto kong malaman kung bakit mo nagawa lahat ng iyon?"
"Kinain ako ng selos at inggit Meg. Nawala ako sa katinuan at inisip ko na dapat ay sa akin ka lang. Dahil ako naman ang una mong minahal pero bakit... bakit ang kapatid ko pa. Hindi ko matanggap. At nang mabalitaan ko na aalis kayo ng pamilya mo, bigla akong nakaisip ng masama. Natakot ako na mawala ka na naman sa'kin. Sobra akong natakot Meg. Sorry. Please forgive me." Tumunghay ako at laking gulat ko nang makita kong umiiyak na pala si Drew sa harap ko.
"Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo... hindi ko rin sigurado kung mapapatawad mo pa ba ako. Pero sana ay magkaayos na kayo ni Klark. Hindi ko naman ginusto na madamay pang muli ang relasyon niyo dahil lang sa pagdating ko." Inabutan ko siya ng panyo.
"Nagbago 'yong buhay ko dahil sa ginawa mo noon Drew... nasaktan ako dahil nagtiwala ako sa'yo, tinuring kitang matalik na kaibigan kaya nahirapan akong tanggapin na pinaikot mo ako... kami... sa mga kasinungalingan mo." Tumingin ako sa mga mata niya. "Hindi ko inakala na ikaw pa ang gagawa ng gano'n sa'kin. Naghiwalay kami ng kapatid mo, nangulila ako sa pamilya ko, kinailangan kong buhayin at paaralin ang sarili ko. Sobrang hirap ng naging buhay ko, may mga bagay na nawala sa'kin... Pero ngayon... nandito ako sa harap mo. Gustong gusto kitang patawarin at kalimutan na lang lahat. Pero kada pikit ko ng mga mata ko, naiisip ko. Ano kayang buhay ko ngayon kung hindi iyon nangyari." Napabuntong hininga ako. "Pero hindi ko kayang mawala muli sa'kin si Klark dahil lang sa ganitong issue. Kaya mahirap man ay papatawarin na kita pero sorry din kasi hindi ko na kaya pang muling magtiwala sa'yo at maging kaibigan mo. Mahirap kalimutan ang lahat Drew. Pasensiya na."
Napansin ko ang biglang pagningning ng mga mata niya. "Ayos lang Meg. Ayos na sa'kin na malaman na mapatawad mo lang ako. Uuwi na ako bukas at nasa condo si Klark, doon siya tumutuloy. Kung gusto mo siyang kausapin ay ihahatid kita doon."
"A, e, hindi na, dala ko naman ang kotse ko. Ako na ang bahala." Tanggi ko sa alok niya.
"Sige. Maraming salamat ha." Aniya bago umalis.
Nag'take-out ako ng mga pagkaing gusto ni Klark bago siya puntahan. Ilang beses ko ng nire-rehearse sa utak ko ang sasabihin ko sakaniya. Bababa na sana ako ng kotse nang biglang ay kumatok sa bintana nito.
"Ang tagal mo namang dumating." Tila naiinip niyang sambit at tumingin pa sa kaniyang relo. "Sasakay ako, pabukas." Utos niya nang mapansing natulala ako.
"Amoy na amoy ang pang-bribe mo." Sinilip niya ang mga pagkain sa likod matapos niyang sumakay ng kotse ko.
Hindi ko makuhang magsalita. "Sa bahay na tayo mag-usap. Humanda ka sa'kin." Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-ngisi niya.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...