Chapter 31

29 1 0
                                    

"Ready ka na?" Tanong sa akin ni Trixie bago kami magpunta kung saan gaganapin ang pageant.

Tipid lang akong ngumiti at saka tumango. "Don't be so kabado ha... Smile ka lang always. You are ready for this okay?" Aniya habang chinecheck ang mga gamit na isinakay namin sa kotse.

Kinapitan ko ito sa balikat. "Kalma. Mas kabado ka pa kaysa sa akin." Biro ko.

Nag-pout lang ito na parang bata. "Excited lang ako to see you winning that pageant." Sumakay na siya sa shotgun seat nang makitang kumpleto ang mga kailangan naming gamit.

Napailing lang ako sa sinabi niya bago sinimulan ang pagmamaneho.

Muntik na akong hindi tumuloy sa pagsali sa pageant. Sino bang tao ang gugustuhin na pumasok sa dahilan kung bakit siya nawalan. Pero dahil sa graduating na ako sa susunod na taon at mas magiging abala na dahil sa mga kailangan sa eskwela ay wala akong choice kundi ipagpatuloy ito. Tumigil na ako sa pagtatrabaho nung nakaraang buwan. Second sem na sa susunod na linggo at hindi ganoong kalaki ang naipon kong pera. Nahihiya naman ako kay Trixie dahil ang dami na niyang naitulong sa akin. May kalakihan ang magiging premyo sa pageant at magiging sapat na iyon para sa mga kailangan ko para sa susunod na taon.

Isang taon at kalahati na lamang ay ga-graduate na ako. Makakapagtrabaho na at makakaipon ng mas malaki. Nandito pa rin ang pagba-baka sakali na makapunta ako sa ibang bansa kung nasaan ang pamilya ko. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay nangungulila pa rin ako. Hindi ko makuhang magalit kina dad. Iniisip ko na lang na isa itong aral ng buhay. Natuto akong tumayo mag-isa at asahan ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon ay hindi naging madali ang buhay ko. Pero natuto akong bumangon at lumaban ulit; at magpatuloy sa agos ng buhay.

"Meg... hey nakikinig ka ba ha?" Untag sa akin ni Trixie habang inaayusan niya ako dito sa tent na naka-assign para sa akin. Tumango ako dito at ngumiti. "Mga bilin ko ha." Paalala pa niya.

Hinampas niya ako sa pwet. "Goodluck Meg. Bring home the bacon." Sigaw niya habang naglalakad ako papunta sa stage dahil magsisimula na ang pageant.

Miss TCU ang pinaglalabanan na titulo. Marami ang kalahok, mga sampu ata kami ngayon na nandito sa entablado. Magkakaroon ng Personal Introduction kasabay ng Casual Wear, Talent Portion, Swimwear, Dalawang Q&A na napagigitnaan ng Formal Wear. Kagaya ng mga pageant na napapanuod sa telebisyon na maraming category kaya may kalakihan ang magiging premyo. Ngayon ko naintindihan kung bakit isang taon ang ginagawang paghahanda para dito ng mga kalahok.

Mabilis natapos ang Introduction at Casual Wear. Nandito na ulit ako sa tent at nagbibihis para sa talent portion. "Ganda ng rampa mo at ng ngiti." Puri sa akin ni Trixie habang binabago ng kaunti ang ayos ng buhok ko.

"Mag-impromptu ako sa sayaw ha." Sabi ko sakaniya.

"Ha? Why?" Gulantang niyang tanong.

Tumawa ako ng mahina. "Biro lang. Masiyado kang tensed. Parang ikaw 'yong kasali e."  Tumawa ako muli.

"Siyempre ako ang manager mo. Kapag nanalo ka dito sisikat tayo pareho." Ngumiti siya ng malapad.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko naman gustong sumikat. Maganda ang premyo at tiyak na makakagtulong sa'tin pareho." Tumango-tango siya sa sinabi ko.

"Sabagay... pero you can consider ang naiisip ko." Tumaas ang magkabilang kilay niya at ngumiti ulit ng malapad.

Mashed up ang sayaw na ginawa ko. Let Me Love You, Sorry at Stay ang mga kanta nito. Nakangiti ako habang sumasayaw pero gustong gusto na lumuha ng mga mata ko lalo na ng makita ko si Klark sa audience at nasa tabi niya si Trina habang nakasabit sa kaniyang braso. Ang sakit... pero ako naman ang may gawa nito 'di ba? Siguro napagod na siya at sumuko kaya may kasama na siyang iba ngayon. Nakahanap siguro siya ng karamay sa ibang tao habang ako ganito pa rin, lugmok na lugmok sa nangyari.

"Nakita ko siya sa audience." Salubong ko kay Trixie matapos kong sumayaw.

Kunot noo siyang naguguluhan. "Huh? Sino?"

"Klark katabi niya si Trina." Matabang kong sagot.

"Kaya pala para kang iiyak kanina while dancing... pero nakadagdag sa emosiyon ng sayaw kaya I thought sadya." Aniya habang tinutulungan akong muling magbihis para sa Swimwear. "Bakit ba kasi ayaw mo pa siyang kausapin?"

Nagkibit balikat ako at bumuntong hininga. "Tapos ngayon... tignan mo 'di mo naman pala siya kayang makita na may kasamang iba. 'Wag ka na kasi masiyadong pahabol. Ikaw din..." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Talk to him after this. Ikaw naman ang makipag-usap." Tumango lang ako kahit hindi ako sigurado.

Nakita kong nakasimangot si Klark nang tumingin ako sa gawi niya. Magkasalubong ang kaniyang kilay at nakakunot ang noo. Halata sa mukha niya na hindi siya sa natutuwa sa mga nangyayari at nakikita niya. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagngisi ni Trina sa tabi nito. At ang matalim na tingin ni Klark sa akin mula ulo hanggang paa. Binalewala ko na lamang, ang importante ay manalo ako ngayon. Kaunti na lang naman at malapit na itong matapos.

"Galingan mo sa Q&A ha." Aniya matapos i'zipper ang suot kong kulay asul na long gown. "Nararamdaman ko na ang pagkapanalo mo." Dagdag pa niya habang tumatawa ng mahina.

Tama nga si Trixie, nanalo ako at itinanghal na Miss TCU. Masayang masaya siya na pumapalakpak sa gilid ng stage. "I knew it. Sabi ko sa'yo mananalo ka eh." Salubong niya pagkababa ko ng stage.

"Meg..." Tawag sa akin ng mga kaklase ko. Nilingon ko sila at ngumiti. "Pa'picture kami."

Marami pa ang nagpa'picture bago kami nakabalik sa tent ni Trixie. "Grabe... Ginawa ba naman akong photographer." Reklamo ni Trixie habang tinutulungan ako sa pagbibihis. "Pero in fairness ha... nilampaso mo ang mga kalaban mo." Tawa niya.

"OA naman." Nahihiya kong sinabi matapos kong magbihis. "Swerte lang saka magaling 'yong manager ko." Natawa siya dahil sa sinabi ko.

"Nambola pa eh ikaw naman ang lumaban doon. O'siya ayos na lahat... umuwi na muna tayo at mag-celebrate." Masigla kami parehong tumungo sa parking kung saan nakaparada ang kotse ko.

Napatigil kami pareho ni Trixie sa paglalakad. "O! Hi Klark." Nakakalokong tumingin sa akin si Trixie at tila nang-aasar. "Una na 'ko sa kotse Meg." Aniya bago kami iwan doon.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Meg..."

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon