Hindi na ko nag-abala pang punasan ang mga luhang patuloy na tumutulo sa aking mga mata. Naglakad lang ako ng naglakad sa kabila ng nanlalabo kong paningin dahil sa mga luha. Closure? Fuck it. Parang mas lalong bumigat ang aking pakiramdam imbes na gumaan. Shit lang talaga. Nagmamadali akong lisanin ang lugar na iyon. Maaga pa naman kaya may oras pa ko para puntahan ang isa pang Lucero. Tatapusin ko lahat ito ngayong araw para kapag umalis na ako ay alam kong wala na talaga akong kailangang balikan rito sa Pinas para masabi ko sa sarili ko na kailangan ko talagang umalis.
It took two hours bago ko makarating sa isang matayog na building kung nasaan ang condo unit ni Andrew. Naipit ako sa traffic kaya natagalan ang aking biyahe pero maayos na rin iyon dahil humupa ang aking mabigat na nararamdaman. Nawala na ang pamumula ng aking ilong at mata. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng aking sasakyan.
Buti na lamang ay kilala ako ni manong guard dahil hindi na ako hinarang kaya patuloy ang paglalakad ko hanggang sa elevator. Nangangatal na naman ako at bigla akong nilamig dahil sa kaba. Nang makasakay na ako sa elevator ay sobrang lumulutang ang aking utak. Kaya hindi ko namalayan na narito na pala ako sa tamang palapag. Inhale. Exhale. Patuloy kong pinapakalma ang aking sarili hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan ng kaniyang condo unit. Naka ilang katok ako bago niya buksan ang kaniyang pintuan at ang mukha niya ay gulat na gulat at punong puno ng pagtataka.
"Come in." Mabilis niyang anyaya.
Umupo kami sa may sofa, sa may living room rito sa kaniyang condo. Mas malaki ito kumpara sa condo unit namin ni Klark. Kulay puti ang dingding at simpleng simple lang. Maayos ang mga gamit at wala kang makikita na kahit anong bagay na magulo. Magkaparehong magkapareho talaga ang magkapatid na ito dahil pareho silang maayos sa kanilang mga gamit.
"What brought you here?" Takang tanong niya.
"I just want to say goodbye Drew. And sorry also." Agaran kong sagot.
"Goodbye? Why?" Naguguluhan niyang tanong.
"My family and I we're leaving for good." Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko mabasa ang ekpresiyon ng kaniyang mga mata. "Sorry Drew kasi nadamay ka pa sa gulo namin ng kapatid mo. Alam kong you're such a great friend. I'm sorry. Iyon lang. Aalis na ko Drew. Baka dumating pa rito si Chantal. Ayoko na ng gulo." Sambit ko at akmang tatayo na nang kapitan niya ako sa aking braso at biglang hatakin papalapit sa kaniya upang yakapin.
"Please don't leave Meg. Not this time. Please. I need you Meg." Pagmamakaawa niya.
Naguguluhan akong bumitaw sa kaniya. "What do you mean?"
"I am sick Meg. Please... Stay with me. Ayoko pang mamatay." At dahil sa sinabi niyang iyon ay nagulantang ang buo kong pagkatao.
"How come? You're so fit Drew." Naiiling kong sinabi.
"Nalaman ko ito last year. Please. Help me heal." Pagsusumamo niya.
Gulantang ako at gulong gulo nang umalis ako ng condo unit niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi alam ng pamilya niya ang sakit niya. Worst is galit sa kaniya ang parents niya sa hindi malamang kadahilanan. I was torn. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lutang ako nang makauwi ako sa bahay. Laking pasalamat na hindi ako nabangga at nakauwi pa ng maayos sa kabila ng pagiging lutang ko. Dumiretso ako sa kwarto at naligo. Nagpadala na lamang ako ng pagkain sa kwarto at magdamag nag-isip. Andrew needs me. Hindi ko alam kung paano siya matutulungan. Gulong-gulo talaga ako.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa aking pintuan. Isang nakakabinging sampal ang bumungad sa akin. Nawala lahat ng antok ko sa katawan dahil sa sampal na iyon.
"Dad." Iyak kong sambit.
"Fix yourself young lady! What's the meaning of this!" Galit na galit niyang sigaw kasabay ng paghagis ng mga hubad kong litrato.
Hubad kong litrato? Isa-isa ko itong pinulot at tinignan isa-isa. Alam kong hindi ako iyon pero mukha ko ang nasa mga larawan. Fuck. Who did this? And worst is may mga pictures din na kuha ng cctv mula sa condo ni Andrew. So how can I explain this?
"Pinayagan ka naming umalis kahapon at ito ang aabutan ko sa opisina ko? Hindi ka na ba nahiya sa sarili mo? Mabuti nalang at ako ang nakakita niyan at hindi ang iyong Mommy. Hindi ka namin pinalaking ganyan! At sa lahat ng lalaki ay si Andrew pa! Akala ko ba ay si Klark ang mahal mo! Ngayon mo ipaliwanag ang sarili mo kung ayaw mong itakwil kita at iwan rito sa Pilipinas. Wala akong anak na sinungaling at pinapaikot lahat ng tao sa paligid niya!" Lubusan ang galit ni Dad dahil halata sa mga ugat niya ang panggagalaiti niya.
"That's not me." Hikbi kong usal.
"That's not you?! Kitang kita sa mga litrato na ito ang pagmumuka mo. Pati na rin sa kuha ng cctv sa building kung nasaan ang condo unit ni Andrew! Huwag mo nga akong pinagloloko!"
"That's not me." Ulit ko pa.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...