Chapter 34

29 1 0
                                    

"Klark wait..." Kumalas ako sa pagkaka-akbay niya.

Nagtatakang napahinto si Klark sa paglalakad. "Bakit?" Takang tanong niya.

"Para kasing nakita ko si dad kanina." Luminga-linga ako sa paligid.

"You sure? Baka naman kamukha lang ni tito." Kunot-noo niyang sinabi at gaya ko ay luminga-linga rin siya sa paligid. "Wala naman. Tara na gutom lang 'yan." Hatak-hatak niya ako hanggang sa mabalik kami sa canteen.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil kabisadong kabisado ko ang itsura ni dad. Pero baka guni-guni ko lang din dahil sa pangungulila ko sa kanila.

Pagkauwi ay nagkausap kami ni Trixie at sinabi lang niya na nilayuan na daw niya si Julius matagal na.

"Sobrang tanga ko para pumayag sa ganoong set-up. Ghad. Hindi ko pinangarap maging kabit. Buti na lang talaga at bumalik ako sa katinuan para iwan ang siraulong 'yon." Naiiyak siya habang sinasabi niya ang mga iyan. Medyo marami na rin kasi ang nainom namin. "Oo mahal ko. Pero kung mahal niya talaga ko ay wala akong kahati dapat."

Tinapik tapik ko ang balikat niya. "Magiging maayos din lahat. Trixie Sandoval pinapaiyak? Tumahan ka na."

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Ghad. Nababaliw na ko." Muli siyang uminom ng alak. "My greatest revenge... well... uhm. I'll show that asshat that I can be happy without him. Humabol siya ng humabol."

---

Sandoval, Patricia Ann Espejo, Magna Cum Laude

Masayang masaya kong isinabit ang medal ni Trixie sa kaniya. Para isang proud na ate kumbaga. Sino bang mag-aakala na ang dalawang gaya namin ay ma'susurvive ang buong College life na kaming dalawa lang. Parehong galing sa may kayang pamilya at walang alam halos sa buhay pero natutong tumayo sa mga sariling paa. Namuhay ng simple at maraming natutunan sa buhay.

"Next week... ikaw naman sasabitan ko ng medal. Galing galing naman natin." Palakpak ni Trixie matapos ang kanilang graduation.

"O! Picture muna." Sigaw ni Klark sa amin.

Ngumiti lang kami pareho at halata ang saya sa aming mga mukha.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay ako naman ang magtatapos, kami ni Klark. Umuwi si tita Kaye para sakaniya kaya panigurado na ang mama niya ang magsasabit sa kaniya ng medalya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nandito ako ngayon at nakatayo; nakasuot ng toga at magtatapos na. Nagiging emosiyonal ako dahil tila naiiyak ako sa mga nangyayari, pero sigurado ako na hindi ito dahil sa sakit, kundi dahil sa kasiyahan na nararamdaman ngayon ng puso ko. Kaunti na lang at magsisimula na naman ang bagong yugto ng buhay ko. Kaunti na lang at makakaipon na ako para mapuntahan ang pamilya ko. Kaunting kaunti na lang.

Castillo, Megan Antoinette Cruz, Magna Cum Laude

Nakangiti akong umakyat ng stage. At halos maiyak ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Hindi si Trixie ang sumunod sa akin dito sa taas kundi isang batang lalaki na sa tantsa ako ay nasa tatlo o apat na taong gulang kasama ang isang magandang babae. May maiksi na buhok ngunit gaya ko ay natural na brown ang kulay nito, may maninipis na labi na ngayon ay nakangiti, at may malalim na mga mata na tila naluluha habang nakatingin sa gawi ko.

"Mom." Hindi ko napigilan ang mapaiyak at salubungin ng yakap si Mom.

Niyakap niya ako pabalik. "Congrats anak."

Nag-uumapaw ang galak sa puso ko. Panay ang lingon ko sa likod matapos kong makabalik dito sa kinauupuan ko, baka kasi biglang mawala sina mom. Parang ang bagal ng oras, excited na akong matapos ito para makapunta na ako sa kaniya at mayakap siya ulit.

"Boss... Teka... 'Wag kang manakbo." Saway ni Klark nang makitang dali dali akong nanakbo matapos ang buong graduation program.

Nagmamadali talaga ako para mapuntahan sila mom. Ilang taon ko silang hindi nakita at nakasama, at kung hindi ako nagkakamali ay kapatid ko ang kasama niya. Napaka-cute na batang lalaki, ang taba-taba ng pisngi at ang sarap kurutin. Malapit na ako sa pwesto nila nang mapahinto ako bigla.

"Dad." Bulong ko sa sarili ko.

Lumakad si dad papalapit sa kinaroonan ko at biglang ngumiti. "Anak." Yakap niya.

Yumakap ako pabalik at lahat ng takot at pangamba ay nawala sa akin. "Dad." Bigla akong napaiyak.

Nasa ganoon kaming tagpo nang bigla magsalita ang kapatid ko. "Who is she po?" Takang tanong niya.

Binuhat siya ni Mom para maging magkapantay kami. "She is your ate, Maven. Say hi to her." Humiwalay ako ng yakap kay dad at nakangiting tinignan si Maven.

Tumingin siya pabalik sa akin at kinalabit ang dulo ng ilong ko. "Hi po. I saw your picture many times. Dad said na we look the same. But you're a girl and I am a boy." Lumabi siya.

Kinuha ko siya kay Mom at ako na mismo ang bumuhat sa kapatid ko. "But you are pretty po. And I am handsome so it's okay that you are my sister. I like you na po." Ngumiti siya at tila nawawala ang mata habang humahagikgik.

"Hi po tita and hi po tito." Hindi ko namalayan na nasa likod lang pala si Klark. Sobra kasi akong nasabik sa pamilya ko.

"We would like to thank you Klark." Seryosong sinabi ni dad.

Alangan na tumingin si Klark sa akin bago sumagot. "Ah... Wala po 'yon tito. Alam niyo naman po kung gaano ko kamahal ang anak niyo."

Magsasalita muli sana si Dad nang bigla magsalita ang kapatid ko. "Kuyaaaa." Nagulat ako nang bigla siyang magpababa mula sa pagkakabuhat ko.

"I miss you na po. I miss playing with you." Muli akong nagulat sa sinabi ni Maven.

Masungit akong tumingin kay Klark. "How?"

Ibinigay muna ni Klark si Maven kay Mom bago ako lapitan. "Ano kasi Boss. Surprise." Alangan siyang ngumiti.

Hinampas ko siya sa kaniyang braso. "Nakakainis ka." Bigla ko siyang niyakap. "Pero salamat ha. Sobrang saya ng puso ko."

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon