Chapter 5

52 1 0
                                    

October 2008

St. Martha's School Fair

"Please babe. 'Wag mo naman akong iwan. After lahat nang nangyari satin. 'Wag naman ganito oh." Boses ng isang nagmamakaawang babae.

Narito ako sa likod ng school kung saan malayo sa lahat. Paano ba naman kasi kainis iyong si Faye hindi pumasok. Wala tuloy akong kasama ngayon, ang boring pa naman ng school fair namin. Tch.

I was a freshman here in St. Martha. Kaka-highschool ko pa lang. Ilang years nalang pwede na kong magkacrush. Sabi kasi ni Daddy bawal daw muna akong magkaroon ng crush hanggat hindi pa ako nakakatuntong ng College. Strict kasi si Dad, study first 'yon lagi palibhasa isa siyang lawyer.

"Babe. Please gagawin ko lahat 'wag mo lang akong iwan." Muli kong narinig ang pagmamakaawa ng babae at base sa boses niya ay mukang umiiyak na siya. Bahala sila diyan kaya tama talaga si Daddy na bawal muna magkacrush kasi parati daw iiyak at papangit.

"I'm not for long term relationships Anna. If you won't stop bugging me, alam mo naman siguro kung anong mangyayari sa'yo." The guy said bago ako makarinig ng footsteps, papaalis na siguro siya. Kaawa naman iyong babae, parang basta nalang itinapon buti pa dito sa binabasa kong wattpad story. Gwapo na 'yong lalaki, thoughtful at caring pa. Ideal kumbaga.

"Boo!"

"Ay palakang nakakakulugo!" Gulat kong sambit at muntik ko pang mabitawan ang kapit kong cellphone. Nasa magandang part na ng story. Kainis naman!

"Sino ka ha!" Tanong niya pero abala pa din ako sa pagbabasa.

"Sabi ng Daddy ko don't talk to strangers' daw. At hindi mo ba alam na masamang manggulat? Paano nalang kung may sakit ako sa puso? Edi napatay mo pa ako ng wala sa oras. Isa pa muntik nang malaglag 'yong phone ko, papalitan mo pa ito kung nagkataon." Litanya ko ngunit nakatungo pa rin ako at patuloy na nagbabasa.

"Tch. Date me." Aniya na siyang nakapagpatigil sa akin.

"Hey Mister. Kung sino ka man. Lumayas layas ka nga dito. Alam mo ba ang invasion of privacy? Nagte-trespass ka sa privacy ko. Alis. Shoo!" Pagtaboy ko sa kaniya habang tinutulak siya gamit ang isa kong kamay at habang ang isa naman ay hawak ang aking cellphone dahil patuloy pa rin ako sa ginagawang pagbabasa.

"This is my place. Ikaw ang trespassing sating dalawa." Aniya kaya bigla akong napatingin sa kaniya.

Slow motion. Nice brows. Nice eyes. Long lashes. Narrow nose. Pinkish lips. Handsome. No handsome is an understatement. He's like a Greek god from Mt. Olympus.

"Done checking on me?" He smirked.

"Me? Checking on you? Hmm. Yes. Is that bad? Who are you by the way?" I honestly uttered.

"You're a freshman here? You didn't know me?" Hindi makapaniwala niyang tanong habang umiiling-iling.

"Yes. Bakit anak ka ba ng presidente o kaya artista para makilala ko?" Pagtataray ko.

"Blunt. I'm Kiel Andrew Lucero. You can call me Andrew." Sambit niya habang inilalahad ang kaniyang kanang kamay.

"I'm Meg and I'm not interested." Pagsusungit ko habang nagsisimula nang maglakad.

"See you soon Meg." Sigaw niya na nakapagpasimangot sa akin, pero wala na akong planong lingunin pa siya.

He's definitely a hot playboy. Scratch that. Ugh. I hate his guts. Masiyadong mayabang ang dating niya. Tch. I wish that I'll never see him again, he's like a troublemaker.

Our school fair was about to end and it bores the hell out of me. Faye didn't go to school, sinamantala niya ang fair para makapagbakasiyon sa ibang bansa. I planned not to go to this boring school but my strict father wouldn't allow it. How I wish that I could have many friends. Thanks to my phone and to wattpad, I'm still surviving.

I'm here at my favorite place here in school, reading a wattpad story and enjoying the silence. Mas okay dito kesa makinig at manood sa mga boring na program.

"Here you are!"

"What the!" Sigaw ko.

"Are you a loner?" Aniya habang umuupo sa tabi ko.

"The hell you care!" Muli kong bulyaw sa kaniya.

"I can be your friend." Malumanay niyang sinabi habang nag-aakmang ipatong ang kaniyang ulo sa lap ko.

"Hey! Stop! What are you doing?" Alma ko.

"I'll sleep. Do your thing and just let me sleep." He said while yawning.

Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya, mukha naman siyang harmless besides he won't disturb me so it's really fine with me. Malalim na ang kaniyang tulog nang matapos ko ang aking binabasang story sa wattpad. I'm not that rude para gisingin siya. It gave me time para pagmasdan ang kabuuan ng kaniyang mukha. Kahit tulog siya ay halata na grumpy siya dahil sa makakapal niyang kilay na nakakunot at magkasalubong. Ang sungit sungit niyang tignan, I wonder if he has friends kasi he looks like a typical bad boy. Siya 'yong tipo ng tao na ayaw mong makabangga kung titignan at siya 'yong tipo ng tao na hindi mo makakayanang titigan, para kasing nakakatunaw siya kung tumitig. He has long lashes na nagpalambot sa features ng kaniyang mata. Matatangos na ilong, perfect jaw line, pinkish lips, he's really a goddess like creature. And above all, siya 'yong tipo ng lalaki na nakakatakot mahalin kasi alam mong sa huli masasaktan at masasaktan ka lang.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon