Lagi akong binibiro ni Trixie na mas sumikat daw ako ngayon at mas nakilala sa campus kaysa noon. Lagi ko lang siyang tinatawanan dahil hindi talaga ako naniniwala. Kagaya ng sinabi ko sa kaniya ay hindi ko namang gustong sumikat, masaya na ako na nanalo at nakakuha ng premyo. Bonus na lang kasi naging okay na kami ni Klark.
"Hindi na talaga ako natutuwa." Nakasimangot na saad ng katabi ko habang naglalakad kami papuntang canteen.
Lumingon ako sandali sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay. "Ano na naman bang problema mo at nakasimangot ka diyan?" Hindi siya umimik at patuloy lang kaming naglakad na magkahawak ang kamay.
"Ang dami daming tumitingin sa'yo at panay ang ngiti. Ikaw naman ngiti ka ng ngiti pabalik." Pagmamaktol niya habang papaupo kami sa pwestong napili namin.
Idinikit ko ang ilong ko sa pisngi niya nang makaupo na kami. "Wala naman akong pakialam sa kanila. Kahit sino pang ngitian ko diyan nasa'yo lang ang puso ko. 'Wag ka ng sumimangot." Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Isa pa nga?" Seryoso ang mukha niya pero halatang nagpipigil ng ngiti.
"O 'yan." Muli kong halik sa pisngi niya. "Tumayo ka na nga at bumili." Nangingiti siyang tumayo.
Maliit lang ang canteen namin pero maraming pagpipilian at masasarap ang pagkain. Nakita kong nakapila si Klark at may kahabaan ang pila. Medyo maraming estudyante ngayon dahil papatapos na ang sem. Finally, dalawang sem na lang at malapit na akong gumraduate. Tatawagin ko sana si Trixie nang makita ko siya sa di kalayuang table, mag-isang kumakain at tila malalim ang iniisip.
"Boss... Miss mo ko agad?" Natatawang sagot ni Klark sa kabilang linya habang nakatingin sa gawi ko.
Umirap ako at tumawa ng mahina. "Oo eh." Nakita kong natawa din siya sa sinabi ko. "Puntahan ko lang si Trixie ha? Baka kasi hanapin mo ako." Turo ko sa gawi kung nasaan nakaupo si Trixie.
Tumingin siya sa tinuro kong direksiyon. "Sige. Doon na lang kita puntahan."
Malapit na ako sa pwesto ni Trixie nang maunahan ako ng isang babae, may mahabang buhok at maputlang kulay. Hindi pamilyar at hindi ko kilala.
"Layuan mo ang boyfriend ko!" Sigaw ng babaeng may mahabang buhok kay Trixie nang makarating siya sa harapan ng kaibigan ko kaya napatigil ako sa pwestong kinatatayuan ko.
Tamad na tumunghay si Trixie. "I don't know what you're talking about." Walang emosiyon niyang sagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawang pagkain.
Ilang hakbang lang ang layo ko sakanila kaya kitang kita ko at rinig na rinig ko ang ginagawa nilang sagutan.
"You bitch! Mang-aagaw!" Muling sigaw ng babae matapos hampasin ang mesa at ngayon ay nakatingin na dito halos lahat ng estudyanteng nasa canteen.
Ibinaba bigla ni Trixie ang kutsara niya at halata na ang inis sa mukha niya. "I lost my appetite. Ghad..." Matalim niyang tinignan ang babae. "Who are you by the way?" Tanong niya habang tumatayo.
"Claire Samonte, girlfriend ako ng lalaking nilalandi mo." Matapang na sagot ng babae. So, this is Claire.
Napangisi si Trixie. "And who's your boyfriend?" Walang ganang tanong ni Trixie.
Halata ang pang-gigigil sa mukha ni Claire dahil sa paggalaw ng kaniyang panga at pagkuyom ng kaniyang kamao. "Si Julius Arevallo. Layuan mo siya!"
Lumapit si Trixie kay Claire ng kaunti at humakbang naman ng paatras si Claire dahil sa pagkabigla. "Next time... 'Wag mo akong susugurin bigla kung ayaw mong ipahiya kita." Nagulat din ako nang biglang hawakan ng mahigpit ni Trixie ang mukha nito. "Samonte ka pa naman." Makahulugan niyang sinabi at matalim na tumingin kay Claire. "The next time that you'll do this to me ay mawawala lahat sa'yo." Tinapik tapik niya ang mukha ni Claire at saka biglang sumigaw. "Tapos na ang palabas."
Dali daling umalis ng canteen si Trixie, bigla siyang tumakbo at ngayon ay hinahabol ko siya. "Trixie, wait." Sigaw ko kaya napalingon siya sa gawi ko.
"Meg." Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit?"
"I saw what happened earlier... are you okay?" Nag-aalala kong tanong.
"Yeah. Oo naman." Halata na pilit ang ngiti niya. "Sorry kasi nagmamadali ako. Kita na lang tayo sa bahay." Aniya bago ako iwan mag-isa.
Napaupo na lang ako sa isang bench dahil sa hingal. Halos lakad takbo ang ginawa ko kanina. Siguro ay kakausapin ko na lang siya sa bahay. Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone sa bulsa ko.
"Boss nasaan ka? I saw what happened earlier. Okay ka lang ba?" Halata ang pag-aalala sa kaniyang boses.
Luminga-linga ako sa paligid. "Nandito ko sa may harap ng College of Law. At oo okay lang ako. Si Trixie 'yong mukhang hindi okay eh. Kaso nagmamadali siyang umalis." Matamlay kong sagot kay Klark.
"Papunta na 'ko diyan." Aniya bago ibaba ang tawag.
Inilagay ko lang ulit ang phone ko sa bulsa ko at inantay si Klark. Nandito pala ako sa College of Law, ito 'yong kurso na gustong gusto ko noon pa dahil kay dad. Sobrang busy ng mga tao at halata ang pagod sa kanilang mga mukha. Pero may mga estudyante ring masayang nagtatawanan. Kung nag pre-law ako ay malamang sa ibang bansa ako ngayon nag-aaral. Masaya kasama ang pamilya ko at namumuhay kasama nila, pero siguro ay wala naman si Klark ngayon sa buhay ko.
Ang labo minsan ng buhay, parang hindi pwede lahat nasa'yo. Laging may kailangang mawala, ang hirap makuha lahat. Ang hirap ding maging masaya ng lubusan. Madalas hindi mo maintindihan pero wala kang choice kundi ang magpatuloy.
Napangiti ako nang makita kong papalapit na si Klark, kaya tumayo na ako at pinagpagan ang likuran ng pantalon ko. "Hindi na tayo nakakain." Ani Klark nang makarating siya sa harapan ko.
"Ay o'nga. Nasaan na 'yong inorder mo?" Usisa ko sa kaniya at sinimulan na namin ang paglalakad.
"Natapon." Tumawa siya nang mapansing sumimangot ako. "Joke lang. Iniwan ko saglit kina manang. Tara." Akbay niya sa balikat ko.
Muli akong lumingon sa College of Law nang may mahagip ang mga mata ko.
"Dad."
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...