"O, 'yan na 'yong request mo." Kunwari ay padabog kong inilagay sa harapan niya ang plato na may lasagna na niluto ko. Tumingin lang siya saglit sa gawi ko at pinagpatuloy lang niya ang pagbabasa. Kinuha ko ang lasagna at dumiretso sa kusina. Kakainin ko na sana ito nang bigla niyang pigilan ang kanang kamay ko na may kapit na kutsara.
"That's for me, right? Bakit ikaw ang kakain ha?" Kinuha niya ang kutsara at ang plato at bumalik sa may sofa kung saan siya nakaupo kanina.
Sinundan ko siya ng nakasimangot at umupo sa kaniyang tabi. "Ayaw mo namang kainin. Tignan mo nilagay mo lang diyan sa harap mo. Ano 'yan display?" Pagsusungit ko.
Bumaling siya sa akin na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Mainit pa po kasi. Pinapalamig ko lang po ng konti." Sarkastiko niyang sagot.
"Pinagmamadali mo 'kong magluto tapos hindi mo naman pala kakainin agad." Himutok ko.
"Lika nga dito. Nagtatampo naman pala." Sinarado niya ang kapit niyang libro matapos ay hinatak niya ako para mayakap ng patagilid. "Gusto mo ba ng lambing... nagpapalambing ata ang baby ko." Inaamoy amoy niya ang buhok ko.
"Sinong baby ha?" Hampas ko bigla sa kaniyang braso.
"Ikaw." Yakap niya ng mahigpit. "Wala naman akong iba kundi ikaw lang. Kahit naman dati pa ikaw lang."
"Hindi naman kaya. Nagkaroon ka kaya ng Chantal." Irap ko kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ko dahil nakasiksik ako sa leeg niya.
"Sorry na nga kahit ikaw naman talaga ang may kasalanan." Muli ko siyang hinampas sa braso dahil sa kaniyang sinabi. "Joke lang. Alam mo mapanakit ka. Sakit mong mang hampas, 'di mo na ba 'ko love?" Tila bata niyang sinabi.
"Hindi bagay sa'yo, huwag kang mag-inarte." Tawa ko.
"Bakit hindi ka makasagot? Hindi mo na ba 'ko love?" Bigla niya akong iniharap sakaniya.
"Para kang ewan. Love siyempre kahit napaka'arte mo at kahit napakaseloso mo." Ako naman ang yumakap sakaniya.
Isinandal niya ako sa dibdib niya at umayos ng upo para makakain. "Saan galing 'yong napakaseloso ha?" Aniya matapos sumubo ng lasagna.
Tumingin ako saglit sakaniya at sumimangot. "Last week po nung pirmahan ng clearance." Tinaggal ko ang pagkakayakap sa kaniya at nag-indian sit, tumigil ako saglit dahil bigla niya akong sinubuan ng pagkaing kinakain niya. "Inaway mo kaya ako nung nilapitan ako nila Bryan, iniwan mo pa 'ko bigla."
Nag-indian sit din siya kaya magkaharap na kami ngayon. Uminom muna siya ng tubig bago siya nagsalita. "Kasi po may gusto sa'yo ang ungas na 'yon. Alam naman niyang may boyfriend kang ubod ng gwapo ay lapit pa ng lapit sa'yo." Umirap siya sa kawalan.
Naubo ako kunwari. "Ubod ng gwapo? Feel na feel mo? Lalo na 'pag si Trina ang lumalapit sa'yo ha?" Tinaasan ko ito ng kilay.
"Inaaway mo na naman ako. 'Di mo na talaga ko love no?" Lumabi siya na tila isang batang inagawan ng candy.
"Kumain ka diyan. Nakakainis ka. Kapag sa'yo may lumalapit ay okay lang pero 'pag sa'kin ay bigla bigla mo nalang akong iniiwan." Humalukipkip ako sa pwesto ko.
"Bumalik naman ako." Protesta niya.
"Pero kahit na. Iniwan mo pa din ako. Sa susunod na iiwan mo ko bahala ka na. Wala ka nang babalikan pa." Seryoso kong sinabi kaya bigla niya akong hinatak papalapit sakaniya at bigla siyang yumakap.
"Sorry na. Hindi na mauulit. Hindi naman kita iiwan, kaya ikaw 'wag na 'wag mo din akong iiwan ha?" Iniharap niya ako sa kaniya at saka biglang ninakawan ng halik. "O, ayaw mo? Sige ibalik mo." Pilyo niyang sambit.
"Yan o. Balik mo din kung gusto mo." Tawa ko sakaniya matapos ko siyang bigyan ng smack.
Naging masaya lang kami ni Klark ng mga sumunod na araw. Natapos ang sem at pareho kaming nasa dean's list. Sem break ngayon kaya mas madalas kaming magkasama kumpara noong mga nakaraang buwan. Tawanan, kulitan, asaran ang madalas naming gawin. Nanunuod din kami ng movies pampalipas ng oras pero kadalasan ay hindi namin natatapos kaagad dahil sa landian. Mas naglalaan kami ng oras ngayon sa isa't isa parang kagaya noon. Siyempre ay namiss ko siya at ang mga ginagawa namin noon. May takot pa rin sa'kin pero pinapatunayan naman niyang ako lang at mahal niya ako ng sobra kaya minsan nawawala na lang sa isip ko 'yong mga hindi magandang nangyari dati.
Kakatapos lang naming mamili ng mga stocks na pagkain para dito sa unit niya at nagpapahinga nang may biglang nag doorbell. Bigla akong tumingin sakaniya at nagkibit-balikat lang siya dahil wala naman kaming inaasahan na bisita. "Check mo kung sino." Sambit ko.
"Samahan mo ko para sweet." Hatak niya patayo sa'kin kaya sabay tuloy kaming nagpunta sa may pintuan nitong unit niya.
Pareho kaming nagulat matapos niyang buksan ang pintuan. "Son." Sinalubong siya ng yakap. "Oww... hi Meg." Napansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng kaharap namin ngayon.
"Hindi niyo ba ako papapasukin?" Aniya nang mapansing pareho kaming hindi gumagalaw sa pwesto namin.
Kinapitan ni Klark ang kamay ko bago nagsalita. "Yeah. Come inside." Matabang na sambit niya habang naglalakad kami papunta sa sala.
"Seems that you're okay here living alone." Tumaas ang isa niyang kilay matapos umupo sa katapat naming upuan. "At totoo pala na nagkabalikan na kayo. Akala ko ay nagbibiro ka lang sa ibinalita mo sa'min last time." Tumawa siya ng pagak.
"What do you need here mom?" Medyo iritableng tanong ni Klark.
"Nothing much." Bumaling ito bigla sa pwesto ko kaya bigla akong napayuko. "I just want to check you... and I just want to talk to Meg... na kung pwede lang ay 'wag ka na ulit niyang saktan at iwan."
"Mom..." May pagbabanta sa boses ni Klark.
"Look. Wala akong intensiyong masama. You know that I only want what's best for my children." Paliwanag niya. "So, kung naglalaro lang kayong dalawa ay tigilan niyo na 'yan... pero kung seryoso naman kayo ay susuportahan lang namin kayo. Pero sana ay 'wag ng maulit ang nangyari noon." Napatunghay ako at nakita kong lumambot ang kaniyang ekspresiyon. "So, please... 'wag niyo nang hahayaan na magkasakitan pa ulit kayo."
I guess mukhang okay naman ang naging pagkikita ulit namin ni tita Kaye kasi nung ihahatid na namin siya sa tinutuluyan niyang hotel ay kumain muna kami sa labas. Nagkwentuhan at nagtawanan. Bigla ko tuloy namiss si mom. Kumusta na kaya sila?
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...