Malungkot akong bumalik sa kwarto ni Drew. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman. Pero isa lang pinaka-natandaan ko sa lahat ng sinabi ng doctor, Drew is sick and I need to convince him para bumalik sa Amerika at doon magpagaling.
"Meg. You came." Ngiti niya matapos kong umupo sa tabi ng kama niya.
"Drew." May pag-aalinlangan sa boses ko.
Malungkot siyang tumingin sa akin. "The doctor told you about it already?" Hindi ako sumagot. Mula pagkakahiga ay bigla siyang umupo at sumandal. "Please don't look at me with pity."
"Kailan pa?" Makahulugan kong tanong.
"About a year already." Tumawa siya at umiling. "I don't know how I got this. Maybe because I abused myself at a very young age, I party and drink a lot so many times to forget everything that happened to me." Biglang napakunot ang noo ko kaya ngumisi siya at muling nagsalita. "I was devastated when I found out that you have a relationship with my brother."
"O c'mon. Stop fooling me. We both know that you just treated me as your bestfriend. I still have the copy of our conversation when you brushed to my face what I am to you." Bakas ang hinanakit sa boses ko kaya umiwas ako ng tingin.
Pilit niyang kinuha ang kamay ko. "Yeah, I know I was a douche back then. It frustrates me that you're so far to me. I don't know what to do and I know that I can't do anything about it." I see sadness in his eyes. "And now, I am sick. Maybe this is my karma for all those bad things that I've done."
"Stop saying that." Suway ko sakaniya. "Pwede kang gumaling, kaya ka pang gamutin. You just need to..." Hindi ko maituloy ang aking sasabihin.
"No. I won't." Tila nahulaan niya ang sasabihin ko. "I won't leave again Meg." Binitawan niya ang kamay ko at saka matalim na tumingin sa akin. "If I need to spend all my money here just to be cured, I'll do it. Just don't tell me to leave."
"We both know na mas advanced sa ibang bansa. Mas mapapabilis ang paggaling mo doon kesa dito." Paliwanag ko ngunit sinabayan niya lang ito ng isang matigas na pag-iling. "I'll facetime you everytime habang nandoon ka. Hindi kasi ako makakasama sa'yo doon." Pangungumbinsi ko.
"Nope." Pagmamatigas niya. "Besides you're alone here. I don't want to leave you." Biglang lumambing ang kaniyang boses.
"Who told you that?" Gulat kong tanong.
"Because like you... my family also left me here. Kahit bumalik man ako sa Amerika, walang mag-aalaga sa akin doon." Malungkot niyang pahayag.
Umuwi ako na hindi ko alam ang aking gagawin. Dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko makumbinsi si Drew na magpagamot sa ibang bansa. Ang huling sabi niya lang ay lilipat na lang daw siya ng ibang ospital para doon magpagamot. Kaya nagpaalam na lang ako na uuwi muna upang magpahinga dahil gabi na rin naman.
Napansin ni Trixie ang malungkot kong mood kaya bigla niya akong tinabihan matapos kong maupo sa harap ng hapag. "You okay?"
"Uhm... oo." Matipid kong sagot.
"Seems like you're not. Care to share?" Ngiti niya sa akin.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsimulang magsalita. "May kaibigan ako sa ospital na may sakit, kinukumbinsi ko siya na sa ibang bansa magpagamot pero sabi niya wala daw mag-aalaga sa kaniya doon kaya mas okay na daw na dito na lang saka inaalala niya na mag-isa lang ako dito sa bansa. Kahit anong pilit ko ay matigas ang kaniyang ulo kaya umuwi na lang muna ako." Mahaba kong paliwanag.
"So, the problem is ayaw niyang umalis para magpagamot, am I right?" Tipid akong tumango. "Maybe he just wanted to be with you, baka mas gagaling siya if here siya magpagamot kasi you're here, you'll help him for sure. Knowing you, you're too kind sa mga taong nakapalibot sa'yo." She tapped my shoulder. "Don't make kulit na sa kaniya. Just help him para hindi ka na malungkot diyan." Aniya bago ako iwan mag-isa.
Sa totoo lang ay hindi ko alam. Paano ko naman tutulungan si Drew? Wala naman akong alam tungkol sa pag-aalaga ng may sakit. Sa paanong paraan ako makakatulong sa kaniya? Gustuhin ko man na balewalain na lang ito ay hindi ko magawa. He's still my bestfriend and I know the feeling of being alone. Mas masakit sa part niya kasi may sakit siya, ngayon niya mas kailangan ng makakasama.
Hindi man sigurado ay nakapag-desisiyon na ako. Bahala na, hindi ko talaga alam pero siguro naman ay tama lang ang aking gagawin. Kaya tinawagan ko si Drew matapos kong makapag isip-isip.
"Hello." Halatang nagising ko siya sa kaniyang pagkakatulog.
"Sorry to wake you up." Agap kong paumanhin.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. "That's fine. I hope it's urgent kasi hindi ka naman tatawag kung hindi. So, why did you call?" Tuloy tuloy niyang sinabi.
"Uhm..." Nahihiya kong simula. "Sasamahan kita habang nagpapagamot ka, basta sabihin mo lang sa akin kung kalian at kung saan. Hindi ako pwede kung may pasok sa trabaho at sa eskwela pero pupuntahan kita basta may oras ako. Basta lang ipangako mo sa akin na magpapagamot ka." Nagmamadali kong paliwanag.
"Okay." Tanging tugon niya.
"Huh? Okay?" Naguguluhan kong tanong.
"Yeah. Okay as in okay. Thank you, Meg. Matulog ka na, I'll just call you tomorrow. Good night." Aniya saka ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...