Chapter 27

30 1 0
                                    

I was about to answer his question nang biglang magsalita ang emcee sa stage. "So, I guess, we have a candidate now." Masigla niyang sambit kaya ang mga tao sa dance floor ay biglang bumalik sa mga pwesto nila pero ako ay nandito ngayon kasama ni Klark, nang bigla niyang kapitan ang kamay ko ay hindi na ako umangal pa.

"A second year from Business Ad." Pangbibitin ng emcee. "I can see her from here." Sabi niya matapos luminga linga sa paligid. "Mukhang first time niyang umattend dito kasi kung last year ay umattend siya malamang nanalo na ito noon pa." Tumawa ito na tila kausap ang lahat.

Curious ang lahat at inaantay ang mga susunod pang sasabihin ng lalaking emcee. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa mga officer ng aming College. Pamilyar kasi ang mukha niya at madalas ko siyang makita sa building namin. Medyo humigpit ang kapit ni Klark sa kamay ko kaya bigla akong napatingin sakaniya. "I'll wait for you here." Naguguluhan ako sa sinabi niya. "Punta ka na sa harap. Antayin kita dito." Muli niyang sambit.

Magsasalita sana ako nang bigla akong sunduin ng emcee. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa paligid. Nakita ko ang mga kaibigan ko na panay ang palakpak at sinisigaw ang pangalan ko. Nang muli kong tignan si Klark ay diretso lang itong nakatingin sa akin na tila ako lang ang nakikita niya. "Mukhang hindi niya ata narinig na tinawag ko siya." Biro ng emcee nang makarating kami sa unahan.

Ang daming tao ang nakatingin dito sa harap. Ang buong Business Course kasama ang mga estudyante at mga guro. "So, Miss Castillo... Obviously mukhang hindi mo ito inexpect. So... Congratulations." Naninimbang na sambit ng emcee dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. "You'll represent now the whole College of Business for the pageant next year. Again, congratulations."

Dali-dali akong pinuntahan ng mga kaibigan ko matapos umalis ng emcee sa harap. Binati nila ako ng congrats at galingan ko daw. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kaya imbes na mag-party pa ay nagdecide na akong umuwi. Nagpaalam lang ako sakanila at sinimulan nang maglakad patungong parking.

"Sabi ko aantayin kita." Naabutan ko si Klark na nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at nakasandal sa tabi ng kotse ko.

"Ay. Sorry. Nawala sa isip ko." Tila nahihiya kong tugon.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang buksan ang pintuan ng kotse ko. "Pasabay." Aniya matapos niyang maupo sa shotgun seat. Napa'iling nalang ako dahil wala na naman akong magagawa dahil nakaupo na siya.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ko nang maiayos ang sarili ko sa aking pwesto. "Condo." Tipid niyang sagot.

Tahimik kami hanggang sa makarating kami sa condo niya or should I say condo namin. Nagdadalawang isip pa nga ako kanina kasi sobrang daming alaala sa lugar na ito. Parehong maganda at hindi na mga alaala. "Tara... Akyat ka muna." Kinakabahan ako sa sinabi niya. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Bahala na, 'yan ang sabi ko sa sarili ko kaya sumunod lang ako sakaniya paglalakad hanggang sa makarating na kami sa loob.

Nostalgic. Dati nandito ako lagi pero kailan nga ba ang huling punta ko dito? Nanginginig ako habang umuupo sa may sofa. Pareho pa rin ang amoy at ganoon pa rin ang pakiramdam ko sa lugar na ito. It always feels like home. Sa loob ng mahigit isang taon ay tila ngayon lang ako muli nakaramdam ng matinding lungkot pero payapa.

"Here. Magpalit ka muna." Nakita ko ang mg luma kong damit na naiwan dito. Wala akong ideya sa gustong mangyari ni Klark pero dahil nakakaramdam ako ng lamig sa buong katawan ko ay kinuha ko na lang ang mga damit at nagbihis sa banyo sa may kusina. May banyo sa loob ng kaniyang kwarto pero may mga alaala akong pilit na kinakalimutan kaya hindi ako doon nagpunta.

Napansin ko ang mga bote ng beer at ilang pagkain sa mesa sa sala matapos kong magbihis. Kumpleto pa rin ang mga gamit ko dito, maging ang tsinelas na sinusuot ko noon ay nandito pa. Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa kung saan nakaupo si Klark. Dahil alam ko sa sarili ko na kaunting kaunti na lang, baka mawala lahat ng katinuan na inipon ko.

"Bakit?" Bakas ang hinanakit sa kaniyang boses. "Bakit parang lagi kang nandidiri sa'kin?"

Nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata niya nang sabihin niya iyon. "Dahil pa rin ba sa nangyari dati?" Kinuha niya ang isang bote ng beer sa mesa at saka sinimulang uminom. "Bakit si kuya... isang tawag lang nagpunta ka agad..." May pagtatampo sa kaniyang boses. "Kung ako rin ba 'yong may sakit pupuntahan mo ko agad?"

Hindi ako makasagot na parang nakain ko ang sarili kong dila. At sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Tila nauubusan ako ng hangin na ewan, hindi ko maipaliwanag, halo halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon. "Siguro si kuya talaga ang mahal mo." Paratang niya habang umuusog palapit sa pwesto ko.

"Hindi 'yan totoo." Sambit ko sa maliit na boses. "Alam mong mahal kita noon Klark. Alam mong totoo ang nararamdaman ko sa'yo noon. Kung wala sanang nangyari... ay baka tayo pa din hanggang ngayon, masaya at kasal na siguro." Nakatungo ako habang nagsasalita.

"Ngayon ba ay mahal mo pa rin ako?" Diretsahan niyang tanong nang makalapit na siya sa pwesto ko.

"Hindi ko alam." Mabilisan kong sagot.

Bigla kong naramdaman ang kamay niya sa mukha ko. He's now cupping my face and looking intently in my eyes. "Sabihin mo sa'kin na hindi mo na ko mahal." Pumikit ako at hindi nagsalita.

Naramdaman ko na lamang ang mga labi niya sa labi ko. Sinasabi ng utak ko na pigilan siya pero tila may sariling buhay ang katawan ko para hindi ito sundin. Tinugon ko ang bawat halik niya. Mula sa mga magaan na halik ay bigla itong naging mapusok at uhaw. Palalim ng palalim hanggang sa ako mismo ay nalulunod sa init na pareho naming nararamdaman ngayon.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon