Chapter 26

29 1 0
                                    

Minsan, kung sino pa ang iniiwasan mo ay siya pa ang nananadyang lapit ng lapit sa'yo. Kagaya na lang ng katabi ko ngayon, sa lahat ng tao dito sa room ay ako pa talaga ang napili niyang makatabi, tila nang-iinis na kung ano. Buti na lamang at sanay ako na tahimik lang sa klase at nakikinig talaga sa prof. kaya hindi masiyadong naging mahirap ang pagbalewala sa presensiya niya. Kahit minsan ay naririnig ko ang kaniyang mga bulong ay dedma lamang ako.

"Nette." Tawag sa'kin ng kaklase kong si Bryan matapos ang isa naming klase, siya lang naman ang madalas tumawag sa'kin ng ganyan eh.

"Oh, Bry bakit?" Nakangiti kong tugon habang umuupo siya sa bakanteng upuan sa kaliwa ko.

Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay at tila napakamot sa kaniyang batok na para bang nahihiya. "Ano... Kasi..." Huminga siya ng malalim. "College party ng course natin sa susunod na buwan, kung a'attend ka, pwede bang ako nalang partner mo?" Nahihiya siyang ngumiti.

"Uhm, o'sige." Tipid kong tugon.

"Talaga?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Oo. Ayaw mo ba." Tawa ko.

Tila nakahinga siya ng maluwag at ngumiti ng malapad. "Siyempre gusto. Salamat. Balik na muna ako sa upuan ko."

Si Bryan ay isa sa mga naging kaibigan ko dito. Naging kapartner ko siya dati sa isang project kaya naging magkaibigan kami, kahit noong una ay sinusungitan ako. Busy kasi ako lagi sa trabaho kaya nainis siya dati sa'kin dahil halos gabi lang kami kung gumawa ng project noon. Pero kalaunan ay naintindihan naman niya at doon nagsimula ang pagiging magkaibigan namin. Anak siya ng vice mayor ng bayang ito, may kaya sa buhay pero dito napiling mag-aral. Moreno, matangkad, mukhang masungit pero nakakaloko 'pag ngumiti lalo na at may dimples ito sa magkabilang pisngi. Medyo sikat siya sa mga babae dahil sa bukod na kilala siya bilang anak ng vice mayor ay may itsura ito at magaling lumaro ng basketball.

"Suitor?" Usisa ng lalaking nasa tabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na muling pinansin.

Ganoon lang ang nangyari sa loob ng isang buwan. Aral-trabaho, paulit ulit lang. Sobrang bilis ng araw, laging halos hindi ko namamalayan dahil sa dami ng ginagawa. Pero nandiyan pa rin ang katabi ko na may mga pagkakataon na laging nang-iinis tapos 'pag pinansin ko naman ay bigla akong gagantihan ng irap o kaya biglang mananahimik.

"Will you attend tomorrow?" Walang emosiyon niyang tanong.

Bigla akong napatingin sakaniya at kumunot ang noo. "Why?"

"Just asking." He just shrugged. "Plus, you'll have you work after class. Better kung hindi ka na lang umattend."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nakita ko na lamang ang sarili ko dito sa loob ng gymnasium, dito kasi gaganapin ang College party. Simpleng dress lang ang sinuot ko, isang crystal beaded peach tulle two-piece cocktail dress, above the knee ang haba ng skirt at medyo kita ang tiyan sa pang-itaas. Si Trixie ang nagpahiram sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ito na lang ang suotin. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok at kinulot ang dulo. Natural na brown ang kulay ng buhok ko kaya tuwang tuwa kanina si Trixie habang kinukulot niya ang dulo. Siya rin kasi ang nag-ayos sa'kin kanina. Nasa bahay siya ngayon kasi magkaiba naman kami ng kurso.

"Meg. Ganda a." Bati sa akin ni Nicole na ngayon ay kasama in Angela. Mag-bestfriend ang dalawang 'yan at halos lahat ay kaibigan sila. Sasagot sana ako nang... "Dumating ka." Hinihingal na sambit ni Bryan.

Nahihiya akong ngumiti at nagpatinaod nalang sakaniya. "Buti naman at umattend ka." Biro ni Sandy nang makarating kami sa mesa kung saan sila nakapwesto.

"Kung hindi ka umattend, walang partner 'yang si Bryan." Segunda naman ni Ron habang nakaakbay kay Sandy. Magkarelasiyon silang dalawa at matalik na kaibigan ni Bryan kaya medyo kaclose ko rin sila.

"Bagal bagal ni papa Bry e. Sige ka maunahan ka ng iba diyan." Biro ng bakla sa grupo na si Juan matapos naming umupo.

"Baka maniwala 'tong si Nette. Baka biglang magkagusto 'to sa'kin." Tawa ni Bryan sa tabi ko. Napailing na lang ako at nakitawa sa kanila.

Masaya rin naman pala dito sa party; maingay, makulay at maraming nangyayari. May program kanina at may kainan din. May sayawan para sa grupo at may mga slow dance din na tugtog, tila prom pero pang College version. Hindi ako umattend last year kaya ito ang unang beses kong maranasan na ganito pala dito. First dance ko kanina si Bryan tapos si Juan ang sumunod, may mga ilang nag-aaya din mula sa ibang batch kaso 'pag hindi ko kakilala ay tumatanggi na lamang ako. Sabi kanina ni Sandy ay tuwing ganito daw nalalaman kung sino ang ipanglalaban sa pageant para next year. Next year pa pero maaga daw talagang sinasabi para makapaghanda, kala mo naman ay Miss U ang sasalihan.

Natatawa ako at umiiling nang bigla akong kalabitin ni Juan. "Beb, kanina ka pa kinakausap ng nasa harap mo."

Tumunghay ako at nakita ko ang tila nakasimangot na si Klark sa harap ko. Tila out of place nga siya dahil sa suot niyang gray na t-shirt at maong na pants. Tipong nakalimutan na may party tas dali dali lang nagpunta dito. Parang ganoon ang itsura niya, pati ang buhok ay tila sinuklay lang gamit ang mga kamay. Pero lutang na lutang pa rin ang kaniyang itsura kahit ganoon.

"Done checking on me?" Tumikhim ito. "Pwede na ba kitang isayaw?" Masungit niyang tanong.

Tahimik lang akong sumunod sakaniya paglalakad. "Bakit ang ganda ganda mo?" Seryoso niyang sinabi matapos kapitan ang bewang ko bago kami magsimulang sumayaw.

Nahihiya ako at hindi makatingin sakaniya dahilsa sinabi niya. "Ang daming gustong isayaw ka... buti pa sila malayang nakakausapka." Lumungkot ang kaniyang boses. "Bakit ako Meg hindi?" Kinapitan niya ako sababa upang maging magkalebel ang mga mata namin. "Look at me. Do you still hate me?" Hindi ko makayanan ang emosiyon ng kaniyang mga mata. I can see pain, longing and loneliness.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon