Chapter 17

30 1 0
                                    

Sa kabila ng puyat ko kagabi ay maaga akong nagising ngayong araw. Sa makalawa na ang alis namin. Nakakagulat man ay minadali talaga lahat ni Dad upang makaalis kami agad ng bansa. Naligo ako agad at nagbihis ng maayos bago bumaba upang kumain. Isa pa ito sa bumabagabag sa utak ko kagabi at isa rin sa mga dahilan kaya maaga akong nagising ngayon. Naabutan ko si Dad at Mom sa mesa pagkarating ko sa kusina na tahimik at masayang kumakain. Humalik ako sa pisngi nila at bumati ng good morning bago umupo.

"Dad. Magpapaalam po sana ako." Banggit ko habang kumakain kami.

"Ano iyon hija?" Halata ang pagtataka sa mukha ng aking mga magulang.

"Gusto ko po sanang makausap ang magkapatid na Lucero bago tayo umalis. Hindi po kasi ako mapapakali na aalis tayo na parang may unfinished business kami. Kailangan ko po ng closure."

Dahil sa sinabi kong iyon ay magaan akong pinayagan nila Dad. I brought my car with me na siyang regalo nila sa akin matapos kong gumraduate. Isang Mini Copper na kulay asul. Nakakainis lang kasi na kahit sa sasakyan ay may alaala ni Klark. Siya kasi ang nagturo sa akin upang matuto akong magmaneho.

Inabot ako ng halos isang oras nang makarating ako sa bahay nila, nang dumating kasi si Andrew ay agad lumiipat ng bahay ang mga Lucero. Ang pagkakaalam ko ay ibinenta na nila ang bahay na binili dati kina Mrs. Robles. Itinabi ko lang ang aking sasakyan sa harap ng bahay nila or should I say mansion. Dahil kahit nasa labas pa lamang ako ay hindi na nakatakas sa aking mga mata ang matayog nilang gate na halatang tinatakpan ang kabuuan ng kanilang mansion.

Laking pasalamat ko dahil hindi ako naligaw sa pagpunta rito, si Klark kasi ang nagdadrive parati kapag pupunta kami dito sa kanila. At kung sakaling maligaw man ako ay hindi mahirap hanapin dahil isa ito sa mga kilalang subdivision sa bansa.

Mga ilang minuto pa bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinisimulan na kasi akong kainin ng kaba. "Kaya mo ito Meg." Bulong ko sa aking sarili bago pindutin ang doorbell. Nakadalawang pindot ako nang buksan ng bantay na guwardiya ang kanilang gate. Kilala naman niya ako pero hindi ako agad nakapasok. May tinawagan pa siya sa telepono at saka pa lamang ako tuluyang nakapasok ng mansion.

Binabaybay ko ang kahabaan ng kanilang hardin at hindi ko maiwasang hindi magbalik-tanaw sa mga alaala namin rito. Kahit saan yata ako tumingin ay punong-puno ng alaala namin ni Klark. Bawat sulok ng lahat ng aking napuntahan ay kasama siya. Ang buhay ko sa loob ng mahigit tatlong taon ay masasabi kong buhay naming dalawa. Tila isa kaming puzzle na hindi maaaring mabuo kung wala ang isa. Sa kaniya umikot ang mundo ko na lahat ng bahay ay parating kasama siya. Bukod sa aking pamilya ay si Klark talaga ang masasabi kong nakakakilala sa akin ng lubusan at pinagkakatiwalaan ko ng tunay.

Ang sakit pa rin hanggang ngayon na sa isang iglap ay nawala lahat. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi lang magandang alaala ang nakakabit sa aming relasiyon, may isang bagay pa rin na tila isang maliit na dumi ngunit nakakalason. Ganyan ang nangyari sa amin. One-time big time kumbaga.

Naupo ako sa pool side at ibinabad ko ang aking paa sa pool. Kahit papano ay naiibsan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sa pag-uusap namin na mangyayari ngayon. Isang tikhim ang bumasag sa aking pagmumuni-muni.

"Klark." Usal ko.

"What are you doing here Meg?" Halata ang gulat sa kaniyang mukha at ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Oh! how I miss him. If I could only turn back time. Sisiguraduhin kong hindi iyon mangyayari. How I wish.

"I just wanted to talk to you." Mahina kong sambit. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at ibinabad din ang paa sa pool.

"About what?" Tanong niya.

"About what happened. I need closure Klark. We're leaving for good." Diresto kong sinabi na hindi man lang tumitingin sa kaniya kahit nasa gilid ko lamang siya.

"I wanted to know why... Why Klark? Kasi alam mo ba kahit anong isip ko hindi ko alam kung bakit. Why did you do that to me?" May bahid ng galit at hinanakit ang aking boses.

"I'm sorry Boss. I mean I'm sorry Meg. Nagsimula ang lahat nang malaman kong uuwi siya." Nang banggitin niya ang salitang siya ay agad akong napatingin sa kaniya.

"Kinain ako ng takot ko. Kinain ako ng selos. Ang sabi sa akin noon ni Chantal ay uuwi si Kuya dahil sa pangako niya sayo. At hindi ko makalimutan ang sinabi niya sa akin noon na kapag umuwi siya ay kukunin ka niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin Meg. I lose control because of anger and jealousy. I lose my senses." Bigla nalang tumulo ang luha niya at halatang gulong gulo siya. Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya. It's like I'm waiting for more reasons. Para kasing kulang.

"It fucking hurts Meg. I've seen your pictures together at ang saya saya mo habang kasama mo siya. Iyong saya na hindi ko nakita habang tayo, habang magkasama tayo."

"That's the reason why you did that?" Biglang tanong ko sakaniya.

"You're such a douce Klark." Diretso kong tingin sa kaniya para mas maramdaman niya ang bawat salitang ibabato ko. "Hindi mo man lang ba naisip na pumayag ako na ma-engage agad tayo. Hindi mo man lang ba naisip na kahit dumating pa siya ay ikaw ang mahal ko. O wala kang tiwala sa akin kaya nagkaroon ka ng letse letseng desisiyon." Suminghap ako dahil nahihirapan akong magsalita dahil sa mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

"Wala kang karapatang masaktan Klark kasi kung nagtiwala ka lang sana sa pagmamahal ko sa iyo ay hindi sana ito mangyayari. Ang tanga mo Klark. Sobrang hina pala ng pundasiyon ng relasiyon natin para matibag lang sa isang iglap. At alam mo kung ano iyong nakakagago? Hinayaan mong lasunin ng Chantal na iyon ang utak mo. Ginagamit ang puso Klark kapag nagdedesisiyon hindi lang panay utak. Sa dalawang taon Klark hindi mo ba naramdaman na masaya ko sayo? Hindi mo ba naramdaman ang ibang epekto mo sa akin? O masiyado kang bulag sa insecurities mo kay Andrew? At alam mo kung ano ang pinakamasakit? Iyong binigay ko ang tiwala ko sa taong kahit minsan pala ay hindi ako pinagkatiwalaan." Tumayo na ako at ipinagpag ang aking suot na bistida.

"Bye Klark." Sambit ko saka siya tuluyang iniwan.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon