Chapter 32

27 1 0
                                    

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Meg..." Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Nakayakap si Klark nang biglang sumigaw si Trixie. "Hey guys... ang lamok dito. Meg susi." Kaya dali dali kong itinulak ng bahagya si Klark at tumakbo sa pwesto ni Trixie.

"Klark." Muling sigaw ni Trixie, kumunot lang ang noo ni Klark. "Tara sama ka sa'min."

Lumapit siya sa pwesto namin at kinapitan ako sa kamay. "Sa'kin siya sasakay." Nagulat ako sa sinabi niya.

Ngumisi lang si Trixie at tumango. "Meg susi." Inilahad niya ang kamay niya.

Nag-aalinlangan kong inabot ang susi ng kotse ko. "Sumunod kayo ha." May pagbabanta sa boses ni Trixie. Tumango si Klark bago ako hinatak papunta sa sasakyan niya.

"Seatbelt." Masungit niyang sambit nang makasakay na kami sa kaniyang sasakyan.

Napailing na lang ako at saka isinuot ang seatbelt. "Nasaan si Trina?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"I am driving. Mag-usap tayo pagkadating natin sainyo." Masungit niyang tugon kaya humalukipkip na lang ako sa kinauupuan ko.

Buong byahe ay tahimik lang kami pareho. Mabuti nalang at mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Tinulungan namin si Trixie na ibaba lahat ng ginamit namin kanina sa contest matapos naming bumaba ng kotse, medyo nauna kasi ito ng kaunti sa'min makarating dito.

"Ligo lang muna ako Meg." Paalam ni Trixie matapos naming mai'ayos lahat ng ginamit namin sa pageant. Kaya naiwan kaming dalawa dito ni Klark, tahimik at tila tinatantsa ang isa't isa.

"Ahh... Maghanda lang muna ako ng pagkain." Aalis sana ako sa tabi niya pero maagap niya akong nahawakan sa braso.

"Tulungan na kita." Aniya at sabay kaming nagpunta sa kusina.

"Bakit mo hinahanap sa'kin kanina si Trina?" Nagulat ako sa tanong niya pero agad ding nakabawi. Mabuti na lang at nakatalikod ako ngayon dahil kumukuha ako ng wine at alak sa fridge.

"Uhm. Wala lang. Madalas kong makita na magkasama kayo." Kibit balikat kong sagot sakaniya bago ilagay sa mesa ang mga alak na nakuha ko.

"Gaano kadalas naman 'yang sinasabi mo?" Hindi ko makita ang reaksiyon niya dahil ginagawa kong abala ang sarili ko sa pag-asikaso ng mga kung anu-ano.

"Madalas as in like araw-araw gano'n." Umirap ako sa kawalan.

Nagulat na lang ako nang bigla kong maramdaman na tila kinulong niya ako dito sa may lamesa gamit ang dalawa niyang kamay. "Nakita mo mismo? Ikaw ang nakakita sa'min?" Bulong niya sa tainga ko.

Napapikit ako sa ginawa niya pero mabuti na lang talaga at nakaharap ako ngayon sa mesa at nakatalikod sa kaniya. "Oo." Inayos ko ang boses ko. "Sa room, sa corridor, sa canteen at kanina."

"Really huh?" Walang hirap niya akong iniharap sa kaniya. "Look at me." Utos niya kaya agad akong tumingin ng diretso sa mga mata niya.

Nakakatakot, tila isang nagliliyab na apoy ang nakikita ko sa mga mata ni Klark. Pinaghalong galit at pagnanasa. Pagnanasa? Nasa gitna ako ng pag-iisip nang muli siyang magsalita. "Katabi mo ako sa room, lagi akong umuupo sa katapat na upuan ng inuupuan mo tuwing nasa canteen ka at lagi akong nasa likod mo tuwing naglalakad ka sa corridor... Anong sinasabi mong lagi kong kasama ang babae na 'yon ha?"

"Ano... Kanina... Nung sa pageant... Magkasama naman talaga kayo." Nauutal kong sagot at biglang napatungo, hindi ko kinakaya ang intensidad ng mga mata ni Klark. Para akong nauupos na kandila sa paraan ng pagtitig niya.

"Because I need to be there at the front. Gusto kong ako ang unang makakita sa'yo. Kahit para akong aso na habol ng habol sa'yo at sa huli ay hindi mo pa rin ako papansinin... ayos lang Meg. Ayos lang." Puno ng hinanakit ang boses niya.

"Kung alam ko lang na maapektuhan ka kung may kasama akong ibang babae, sana pala ay dati ko pa ginawa. Ganoon na ako kadesperado na mapansin mo. Please... Meg, tigilan na natin ang habulan. Gusto ko na ulit maging masaya kasama mo. Napapagod na 'ko. Ayokong dumating ang araw na bigla na lang akong sumuko. Ayokong habang buhay maging malungkot Meg. Please..." Nagsusumamo niyang sambit.

Bigla ko siyang niyakap at naramdaman ko ang pagkabigla niya. "Sorry Klark. I am sorry." Naiiyak kong sinabi.

Niyakap niya rin ako at hinaplos haplos ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay. "Hush. Just promise me one thing." Iniharap niya ako sa kaniya. "Kung may maging problema man ay sabay nating haharapin. Okay?" Tumango ako at naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa labi ko.

Nasa ganoon kaming sitwasiyon nang biglang... "Okay na kayo? Hindi na tayo iinom?" Bulalas ni Trixie.

Tumigil ako sa paghalik at itutulak ko sana si Klark pero dahil sa hiya ay itinago ko na lamang ang mukha ko sa leeg niya. "Thanks Trixie." Naramdaman ko ang mahinang pagtawa ni Klark.

"No worries... Alam mo naman si Meg minsan pabebe din. Anyway, tutulog na 'ko. Matulog na din kayo... soundproof naman ang mga rooms dito." Sasagot sana ako pero nakita kong wala na si Trixie nang humiwalay ako kay Klark.

"Tulog na daw tayo..." Maloko siyang tumingin sa akin.

"O, edi uwi ka na." Irap ko at pilit na itinatago ang kabang nagsisimulang pumasok sa katawan ko.

Sumimangot siya. "Dis oras na ng gabi Meg. Maawa ka naman sa'kin. Isa pa sobra kitang namiss. Ikaw ba hindi mo ba ako namiss?" Lumungkot ang mukha niya.

Umiwas ako ng tingin at tumalikod. "Akyat na baka magbago pa ang isip ko."

"Yes!" Lantara niyang sigaw at ang loko ay nauna pa mismong umakyat sa kwarto ko. Iiling-iling tuloy ako habang naglalakad pataas.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon