Chapter 23

31 1 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para pigilan siya sa gagawin niya kanina. "Uhm... Mag-ayos ka na... Para ano... Para makaalis na tayo." Hindi ko man lang makuhang tumingin sakaniya.

Naramdaman ko ang pagtayo niya at saka lamang ako nakahinga, tila kanina ko pa pinipigilan maging ang sarili kong paghinga. Napakapit ako sa aking sariling dibdib dahil sa nangyari. Bakit niya ako gustong halikan? Buti nalang at nasa katinuan pa ako para pigilan siya sa kaniyang gusto. Hindi pa man ako tapos sa pakikipag-usap sa sarili ay nakita kong naglalakad na papalapit sa akin si Drew kaya sinuklay ko ang aking buhok gamit ang sariling kamay bago tumayo.

Tahimik kami hanggang sa makapasok kami ng kaniyang sasakyan. Mga ilang minuto siguro kaming nasa ganoong lagay bago siya tumikhim at magsalita. "Seatbelt." Akala ko naman ay kung ano ang kaniyang sasabihin medyo kinabahan pa ako ng kaunti. Hay. Ang labo naman.

Mabilis kaming nakarating ng ospital. Napansin kong hindi ito ang ospital kung saan ko siya pinuntahan kahapon. "This is owned by my aunt, she's a doctor here." Tila nabasa niya ang nasa isip ko.

Katherine Bautista, MD, Neurologist, 'yan ang nakapaskil sa itaas ng pinto ng pinuntahan naming silid dito. Parang mas kinakabahan pa ko dito kaysa kay Drew na relax na relax habang nakaupo kami pareho at nag-aantay sa doctor na titingin sa kaniya. Hindi talaga kasi ako sanay sa ospital, parang naaalala ko lahat ang nangyari sa'kin noon. Ilang beses din akong labas masok ng ospital dahil sa trauma ko.

"What brings you here my handsome nephew?" Bungad nang isang maputi at magandang babae habang papasok ng kaniyang silid. Mukhang bata pa itong doctor, sa kaniyang itsura ay tila nasa early thirties pa lamang ito. Ngumiti lamang si Drew ng tipid at inilagay ang isang envelope sa kaharap naming mesa. Bakas ang gulat sa mukha ng doctor nang makita niya ang laman ng envelope.

"Last year pa ito. Bakit ngayon ka lang nagpunta dito?" Tila pagalit na sinabi ng tita ni Drew.

"Second opinion." Tipid na sagot ni Drew. Tumaas ang kilay ng kaniyang auntie dahil sa kaniyang sinabi.

"What are your plans?" Kaswal niyang tanong. Ngumisi si Drew at umiling bago sumagot.

"I don't know. That's why I am here. Ikaw ang pinakamagaling na neurosurgeon sa buong bansa. So... ano bang dapat kong gawin?"

Sumeryoso ang mukha ng kaniyang auntie. "Operation. Alam mo naman 'yan noong una pa lang."

"Other options?" Seryosong tingin ni Drew. Umiling lang ang doctor at nagkibit balikat.

"Go home at doon ka magpa-opera." Diretsong sagot ng kaniyang tita.

"No way." Matigas na sambit ni Drew.

"Doctor ang mama mo bakit hindi ka sakaniya magpagamot? Kahit sabihin mo pa na ako ang pinakamagaling dito sa Pilipinas... Alam mong si ate ang pinakamagaling sa field na ito. Hindi kita ooperahan dito Andrew. Alam mo ang sagot sa tanong mo una pa lang. Kaya kahit sinong doctor ang tanungin mo dito at kahit kanino ka pa magpa-konsulta ay iisa lang ang sagot sa'yo." Malungkot niyang sinabi habang nailing. "Kung gusto mo pang mabuhay nang mas matagal... alam mo kung ano ang gagawin."

Lutang na naman ako nang umuwi ng araw na iyon. Bakit ko nga ba nakalimutan na neurosurgeon si tita Kaye? Gustuhin ko man siyang tawagan ay paano? Alam kong magagalit sa akin si Drew pero anong gagawin ko? Hindi niya pwedeng pairalin ang tigas ng ulo niya ngayon kaso alam kong galit pa sa'kin si tita Kaye dahil sa nangyari noong nakaraang buwan. Ugh. What to do now?

Mabilis lumipas ang mga araw. So far, mukhang okay naman si Drew. Sinasamahan ko siya sa condo niya paminsan-minsan para hindi niya makalimutang uminom ng gamot. Alam kong painkillers lang ang mga iyon. Until now, hindi ko pa rin siya makumbinsi na magpa-opera. Hindi ko alam kung ano ba ang kinakatakot niya. Marami akong nabasa na may chance daw na hindi magising, magka-amnesia o kaya ma-comatose after ng operation. Pero hindi naman masamang sumugal. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan 'di ba?

May pasok na ako bukas kaya sinabihan ko si Drew na baka hindi na ako gaanong makadalaw sakaniya. Masiyado akong maraming bilin sa kaniya. Nag-aalala talaga ako pero wala naman akong magawa. Sobrang tigas ng ulo ni Drew, ayaw patinag sa desisiyon niya. Nang minsan na sabihan ko siya tungkol doon ay nagalit lang siya sa'kin tapos ay hindi uminom ng gamot. Sobrang nakakaawa ang itsura niya kaya hindi ko na lang ulit inopen 'yung topic. Hindi ko kasi alam ang gagawin 'pag inaatake siya ng sakit niya, natataranta ako na ewan. Sa totoo lang ay mas inaalala ko pa siya ngayon kaysa sa sarili ko. Kahit anong gawin ko dito ay hindi siya gagaling kung siya mismo ay ayaw man lang atang gumaling. Tch.

Kinabukasan ay mabilis natapos ang klase ko, tinext ko muna si Trixie bago tumuloy sa aking part-time job. Ito na ang magiging buhay ko araw-araw, bahay-eskwela-trabaho. Cashier ako ngayon dito, kaya ilang oras akong dapat laging nakangiti para kumuha ng order ng mga customer.

"Good afternoon po. What's your order po?" Nawala lahat ng ngiti ko sa katawan nang makita ko si Klark na nasa harapan ko ngayon.

Nakangisi ito habang sinasabi ang kaniyang order. Kung kailan malapit na matapos ang shift ko ay saka pa ako makakakita ng tao na hindi ko gustong makita.  Pero bakit siya nandito? Huling sabi sa'kin ni Drew ay iniwan din daw siya ng pamilya niya dito, dami dami ko nang iniisip dumadagdag pa ito.

Nakakapagod ang araw. Papunta ako sa parking lot ngayon dito sa campus, dito ko pinaparada ang kotse ko at iniiwan habang nasa trabaho ako. Malapit lang naman ito kung saan ako nagtatrabaho, kaya ang karaniwang customer namin doon ay mga estudyante din dito. Malapit na ako sa sasakyan ko nang may makita akong nakasandal dito. Hindi naman ako pwedeng magkamali kasi kilalang-kilala ko ang sasakyan ko kahit sa malayo, saka alam ko ang eksaktong pwesto kung saan ito nakaparada. Kunot-noo tuloy ako habang papalapit sa sasakyan ko.

"Meg." Sambit niya nang magkaharap na kami. "I've missed you." Bigla niya akong niyakap.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon