Chapter 12

32 2 0
                                    

Mas masakit pala. Dati kasi narinig ko lang, hindi ko kinonfirm kasi ayoko, nakakatakot. Natatakot ako sa kung ano mang mangyayari kaya tumakbo ako at nag-enjoy ng halos isang buwan para makalimutan lahat. Kaso ngayon kahit anong gusto kong manakbo ay tila napako at tinubuan ng ugat ang aking mga paa kung saan man ito nakasayad. Nanghihina ako hanggang sa kusa nang sumuko ang tuhod ko at napaluhod kasabay ng kusang pagtakas ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Sobrang sakit, nakakadiri, nakakagalit. Fuck. Ito lang? Kaya ako niloko dahil lang sa ganitong bagay? Fuck you Klark and all of your orgasms!!! Fuck. Ayoko na. Hindi ko na kaya. I was about to leave nang maramdaman nila ang presensiya ko. Nakita ko ang gulat at pagkabalisa sa kaniyang mukha, did I just saw hatred in his eyes? Ang kapal ha. At siya pa ang may ganang magalit. Wow ha. I panicked when I saw how he panicked. Agad akong tumalikod at tumakbo palabas ng unit niya.

Nasa parking na ako nang maabutan na niya ako and thank God may damit na siya. Ghad.

"Meg. Wait." Aniya saka hinablot ang braso ko para mapigilan.

"Don't. Fucking. Touch. Me." I hissed.

"Look. Let me explain please. It's not what you think." Nagmamakaawa niyang sinabi.

"What?! It's not what I think?! Can you hear yourself Klark?! I saw you banging that girl and now you're telling me that it's not what I think? Ghad." Galit kong sambit at panay ang layo ko sa kaniya dahil diring diri ako sa kaniya. Ayokong madikit sa kaniya dahil kaparehong balat iyon na nadikitan ng babae niya.

"It's your fault Meg." Aniya na tila galit.

Wow naman ang bilis magbago nang nararamdaman niya.

"Ako pa ngayon? Anong nangyayari sa Klark na kilala ko ha!" Sigaw ko sa kaniya.

"Andrew happened." He simply uttered but I can feel every wrath in his words.

"Wow. You're blaming your brother sa mga stupid actions mo? Wow. Just wow. Kahit anong sabihin mo Klark, nothing would change a thing. You. Cheated. On. Me! Whatever reasons that you have, keep it and die with your conscience. Kasi kahit saang anggulo ko tignan, it's your fucking choice to do it. It's your fucking choice to break me." I said before I left him.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko namalayan kung nasaan na ako. I just want to be alone. Sobrang sakit. Iyong tipong gusto mo na lang mamatay kaysa maramdaman lahat. The moment that I just want to disappear than to feel this pang in my chest. It breaks me a lot. It fucking hurts big time.

Hindi ko namalayan ang oras sa kakaiyak. Hindi ko nga alam kung nasaan ako. Wala man lang nagtangkang maghanap sa akin. But it's better this way, being alone helped me released every tear without explaning to anyone why I am feeling like this. Sa pagiging smooth sailing ng relationship namin ni Klark ay kahit kaunting ideya ay hindi niya ako binigyan para pagdudahan ang meron kami, lalong lalo na siya. Sa sobrang ayos ng relasiyon namin ganoon din kasaklap ang nararamdaman ko. I don't have any idea kung bakit niya ito nagawa. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na may kakayahan siyang lokohin ako. Totoo nga na mas nakakatakot ang mga itinatago ng mga magagandang imahe, na sobrang ganda hindi mo na makikita ang mga itinatagong kapangitan nito. Na sa sobrang ganda hindi mo namamalayan na binubulag ka na ng isang pekeng ganda.

Kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko mahinuha kung saan ako nagkulang at nagkamali para gawin niya ito sa akin. At ang pinakamasakit pa ay ang makita mismo ng dalawa kong mga mata ang pagtataksil na ginawa niya. Two days na lang ay engagement party na namin. Ayaw ba niyang makasal sa sakin? Ayaw ba niyang matali sa akin? Kasinungalingan lamang ba ang lahat? Bakit pa siya nag-abala para asikasuhin ang lintik na engagement na iyan kung siya din naman pala mismo ang sisira nito! Bakit?! Sa dami ng tanong ko wala pa rin akong makuhang sagot. Ang alam ko lang sobrang sakit. Bulag na bulag ako sa pagmamahal na ipinakita niya. Na sa sobrang pagkabulag kahit anong gawin ko mahal ko pa din siya. This heart of mine must know how to unlove him. Dahil kahit anong galit ko ay mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya.

It's so surreal that it made it superficial.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon