Chapter 4

54 2 0
                                    

Room 327

Ilang buwan na rin mula nung huli kong punta dito. Ayoko mang magpunta rito pero kailangan. Isang lugar na ayaw na ayaw kong puntahan after ng lahat. Our condo unit. Yes, it's our condo unit. Dito namin mas pinatibay ang relasiyon namin noon. Masiyadong maraming memories kaya ayokong puntahan at balikan. Maybe, I need to end this misery.

I swiped the card, pinindot ang code at pumasok na sa loob. It's still the same. Malinis pa rin at halatang may gumagamit. Hindi nga niya inabandona ang lugar na ito. Nilibot ko ang sala at unti-unting binabalikan ang lahat.

"Boss luto na ba?" Sigaw niya mula sa sala.

"Tadaaaa! Ito na." Sagot ko habang ipinapakita ang niluto kong lasagna.

"Ano?! Masarap ba?" Kinakabahan kong tanong.

"What?!" Muli kong tanong nang hindi siya sumagot.

"The best! Pwede na talaga tayong ikasal. Hindi ako magugutom." Aniya sabay yakap sa akin.

I've learned everything here. Sa sobrang dami kong natutunan pati mga hindi dapat matutunan naaral ko din.

"Hello Dad?"

"Where are you?" Galit na tanong ni Daddy mula sa kabilang linya.

"May group project po kami Dad. Uwi rin po ako mamaya." I lied.

Sometimes, the best things in life can make you the worst kind. Those things na masiyadong maganda ay nakakalunod. Sa sobrang lakas ng agos ay nakakatakot.

"What the!" Bulyaw ni Klark nang mahiga ako sa tabi niya at yakapin siya mula sa likod.

And there. I cried. Habang tumatagal ay mas lumalakas ang paghikbi ko at hindi na mapigilan ang mga luhang lumalandas mula sa aking mga mata.

"Sshhh. Stop crying." Aniya nang makaharap sa akin at pilit akong pinapatahan. Tatayo sana siya pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap ko sa kaniya at halos itago ko na ang aking mukha sa dibdib niya.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak pero gusto kong hawakan ang kaniyang mukha, and there nagising ako. Isang panaginip na naman ang lahat. Tila totoong totoo lalo na nang maramdaman ko ang luha sa aking mga pisngi.

I always needed time on my own

I never thought I'd need you there when I cry

And the days feel like years when I'm alone

And the bed where you lie

Is made up on your side

When you walk away I count the steps that you take

Do you see how much I need you right now?

When you're gone

The pieces of my heart are missing you

When you're gone

The face I came to know is missing too

When you're gone

The words I need to hear to always get me through the day

And make it OK

I miss you

I miss you. I missed him so bad pero wala akong magawa. Nagtatalo ang pananabik at pagkatakot ko na bumalik sa kaniya. Okay naman ako. Pero sa tuwing naiisip at nakikita ko siya naaalala ko na hindi pala ako okay. Laging nagkakaroon ng pero 'pag dating sa kaniya. Laging bumabalik ang masasamang alaala. Mas gugustuhin mo bang mawala siya ng tuluyan upang makalimutan mo lahat o kakalimutan mo ang lahat habang nandiyan siya? Ang tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. Na hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot. I wanted to move on with my life but he always remind me that I shouldn't.

4:22 pm

Walking in the hall like a zombie when someone bumped me. Tinignan ko kung sino ang nabangga ko upang humingi ng pasensiya. At laking gulat ko nang magsalita siya.

"Meg." Aniya sa isang malumanay na tono at tila binabasa ang ekpresiyon ng aking mukha.

"I'm sorry." Sabi ko sabay tungo at akmang lalakad na upang makatakbo palayo sa harap ng taong ito.

"Not so fast." Tugon niya habang hawak ang aking kaliwang braso.

"May gagawin pa ako." Sagot ko habang nakatungo pa din. I cannot look at him. Nanghihina nga ako sa hawak niya.

"Tapos na ang klase. Wala ka ring pasok sa part-time job mo. So..." Halata ang pag-aakusa sa kaniyang boses.

"I said may gagawin pa ako." Muli kong sinabi habang kumakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso ngunit ngumisi lamang siya habang umiiling.

"Stop bugging me. Can you just rot in hell together with your brother!" Bulyaw ko sa kaniya ngunit hindi siya natinag sa aking sinabi.

"I've been thru hell when you chose that bastard over me." Aniya at ramdam na ramdam ko ang poot sa bawat salitang kaniyang binitawan dahilan upang matahimik ako at hindi makapagsalita.

"And when I've read that fvcking journal of yours. So it's him since from the start? Oo nga pala. Noon pa man siya na. Siya nga pala ang nauna. The great boy. The favorite son. Bakit siya na lang lagi ang pinipili? Why did you choose him over me kahit alam mong ako ang mahal mo at sakin ka masaya?" Dagdag pa niya.

"One reason Klark. He never chose to leave me despite of everything." I said before leaving him.

But before I finally left ay bigla siyang nagsalita kaya bigla akong natigilan sa paglalakad.

"Never chose to leave you? Nakalimutan mo na ata Meg na siya ang unang nang-iwan sayo simula pa lang." Aniya saka ako biglang nilagpasan.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon