Chapter 25

32 1 0
                                    

Sa isang taon ng buhay ko bilang estudyante sa umaga at cashier sa hapon ay naging masaya naman ako. Araw-araw ay mas nagiging close kami ni Trixie at araw-araw kong mas nakikilala ang sarili ko. May mga bago na rin akong kaibigan lalo na sa trabaho. Bihira ang kaibigan ko sa campus dahil madalas naman akong umaalis kaagad dahil sa trabaho. Pero iba ang araw na ito, tila masisira na ang payapa at tahimik kong buhay dahil sa lalaking nasa harapan ko.

"Castillo." Ngisi niya. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko para pigilan. "Running? Again?" Tila nang-iinsulto niyang sambit.

"What do you need?" Mahinahon kong sinabi na tila hindi naapektuhan sa kaniya.

"You." Bulong niya sa tainga ko kaya bigla akong kinilabutan at napapikit. "Still affected huh?" Muli itong ngumisi dahilan para bigla akong mapamulat.

"Kung wala kang magandang rason para harangin ako at kung wala kang magandang sasabihin... pwede mo na ba akong bitawan?" Matalim ko siyang tinignan dahilan upang bigla niya akong bitawan.

"See you again Boss." Diin niya sa huling salita.

Matapos ko siyang makita makalipas ang isang taon ay wala na akong naging balita sakaniya, huling alam ko lang ay bumalik na din siya sa Amerika kasama ang kuya niya. Pero anong ginagawa niya dito? At bakit nakasuot din siya ng uniporme kagaya ko? Ibig sabihin ba ay dito na rin siya mag-aaral? Pero bakit siya dito mag-aaral, mayaman sila kaya imposible itong mga iniisip ko. Marami mang tanong ay ipina-walang bahala ko na lamang ang mga ito, may pasok pa kasi ako sa trabaho at hindi na dapat ako naapektuhan pa sakaniya... matagal na kaming tapos.

"Tangkad... Muntik ng ma-late a." Nakangiting pagbati ng kasamahan kong si Charlene. Kapwa kahera ko dito sa part-time job, isang estudyante rin siya kagaya ko. Pareho kami ng kurso pero mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, graduating student na siya at bread winner ng kanilang pamilya. May tatlong kapatid na nag-aaral pa, siya kasi ang panganay. Isa siya sa mga bagong kaibigan ko dito. Maiksi ang buhok, singkit at payat na babae, mas maliit siya kumpara sa akin kagaya ng ibang mga nagtatrabaho rito kaya "tangkad" ang naging bansag nila sa'kin.

"Nag-extend si prof." Nakangiti kong tugon.

"Si De Leon ba? Mukang extend 'yon, palibahasa walang jowa na naghihintay sakaniya kaya bitter sa mge estudyante niya na may sundo lagi." Tawa niya bago kami magsimulang magtrabaho.

Lunes ngayon kaya medyo madami ang tao. Karaniwan Lunes at Biyernes. Lunes dahil sa mga estudyanteng marami pang baon at Biyernes dahil sa mga natirang baon sa loob ng isang linggo. Kay Cha ko lang nalaman ang rason na 'yan, noong una ay hindi ako naniniwala pero sa isang taon kong pagtatrabaho rito ay napansing kong sa mga araw na iyon marami ang tao at karamihan ay estudyante.

"Ang gwapo nung nandiyan sa pila mo." Tila kinikilig niyang bulong sa tainga ko. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na nagtrabaho.

"Megan." Madiin niyang sambit sa pangalan ko.

"Good afternoon Sir, may I take your order please?" Ngiti ko sa kabila ng pagkabigla.

Matalim ang titig niya habang binibigay sa'kin ang kaniyang order. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig niya habang kumakain siya sa pwesto na tanaw na tanaw ko mula dito. Malapit na naman matapos ang shift ko kaya panigurado ay hindi ko na ito makikita muli saka nakita kong lumabas na siya matapos kumain kaya parang nakahinga na ako ng maluwag.

Papunta na ako sa parking lot ng school habang nililista sa phone ko ang mga dapat kong gawin sa buong linggo. Dapat ay kagabi ko ito gagawin kaso ay nagkasiyahan kami ni Trixie dahil sa pareho kaming Dean lister nung nakaraang school year. Medyo late na ang celebration dahil inantay pa namin ang sweldo, kagaya ko ay may part-time job din si Trixie, sa isang clinic siya para daw related sa course niya, nahihirapan siyang sa ospital mag-apply kasi lagi siyang hindi natatanggap.

Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ay may lumaglag na maliit na sobre mula dito. Luminga-linga ako sa paligid kasi alam kong uso ang prank ngayon kaya baka may nagbibiro lang. Agad akong pumasok ng sasakyan ko at doon binuksan ang sobre.

Please let's talk.

-K

Napailing na lang ako sa nabasa ko. Isang tao lang ang naiisip ko pero sa totoo lang ay wala akong panahon sa kaniya. Sana naman alam niyang maayos na ang buhay ko ngayon matapos lahat ng nangyari. Ayoko na muling buksan ang sugat na matagal nang naghilom. Pagod na 'ko sa sakit na dinudulot nila sa'kin. Ayoko na.

"You look problematic." Bungad sa'kin ni Trixie. Mukang kakarating lang din niya dahil nakasuot pa siya ng kulay puti niyang uniporme.

Tipid akong ngumiti. "Bihis lang ako tas kain tayo." Sagot ko at sakas dumiretso sa kwarto upang magbihis.

"So, what's new? May bago ka bang manliligaw?" Biro niya matapos naming umupo sa harap ng lamesa.

"He's back." Tipid kong sagot.

Napatigil siya sa pagkuha ng ulam dahil sa narinig. "He? Your ex or the brother?"

"Klark is back." Diretso kong sambit.

"Ay why daw? Did he say to you the reason ba? Or you just saw him gano'n?" Usisa niya kaya nai-kwento ko sakaniya ang nangyari kanina.

"Maybe he wanted a come back. Like magkabalikan kayo." Natatawa niyang sambit pero nanatili akong tahimik at patuloy lang na kumakain. "Or he just wanted na mag-usap kayo. Pero what for naman 'di ba? Saka bakit ba affected ka diyan?"

"Ayoko lang na magulo ang tahimik kong buhay." Nagkibit-balikat siya at tila hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Siguro... you still love him. Kaya ka afraid diyan... kasi at the back of your head wala naman kayong closure dati, alam mo lang that time galit ka. Pero ngayon na you're okay na... na napatawad mo na lahat from your past baka you'll fall again." Seryoso niyang sinabi. "Pero you know what... 'wag kang pahalata na affected ka pa rin kung may nararamdaman ka pa sakaniya. Paligaw ka ulit if he wants a come back... don't be marupok ha. Ihahampas ko sa'yo 'yong wine bottle sa fridge if mabalitaan kong bukas makalawa kayo na... ulit."

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon