Chapter 24

27 1 0
                                    

"I've missed you." Bigla niya akong niyakap.

"Drew? What are you doing here?" Gulat kong sambit. Pero bago pa man siya makasagot ay naramdaman ko na ang bigat ng kaniyang katawan. Sa sobrang taranta ay agad ko siyang isinakay ng aking kotse at saka dinala sa ospital.

"Meg, right?" Ngiti ng tita ni Drew. Tipid lang akong tumango. "Isang atake pa, hindi ko alam kung kakayanin pa niya." Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Can you please convince him? Gawin mo lahat para magpagamot siya. Those painkillers? Saglit lang ang epekto. Hindi ko alam kung gaano siya kadalas atakihin ng ganito but he needs an immediate treatment, an operation."

Nagpalipas lang ako ng ilang oras bago napagpasiyahan na umuwi. Tulog pa si Drew nang umalis ako at sabi ng tita niya ay baka bukas pa ito magising. Kahit pagod ay hindi agad ako nakatulog ng gabing iyon. May naisip akong gawin pero hindi ko alam kung tama ba ito at hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Simpleng tingin lang nahihirapan na ako paano pa kaya kung kakausapin ko pa ito.

Wala akong klase kinabukasan kaya dumiretso ako ng ospital kahit na antok na antok pa 'ko. Iilang oras lang ata ang tulog ko kaso mas kailangan naman ako ngayon ng kaibigan ko, pwede naman akong bumawi ng tulog sa ibang araw. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ni Drew nang makarinig ako ng mga boses, nagtatalo ang mga ito.

"Umuwi ka na at ako na ang bahala sa babae mo." Sabi ng isang pamilyar na boses, boses ng isang lalaki.

"Hindi ko siya babae, she's my friend. At kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lang." Boses ito ni Drew.

"A friend? Really? Bakit hindi mo maiwan kahit nag-aagaw buhay ka na ha kuya?" May diin ito sa huling salita. "Pwede ka namang umuwi, ikaw lang mismo ang nagpaiwan dito. Wala ka namang kasalanan kung bakit siya itinakwil ng pamilya niya. Ay teka... wala nga ba?" Narinig kong humalakhak ito. "Siguro kinakain ka ng guilt mo, sobrang bait sa'yo nung tao pero nakuha mong lokohin. Tapos kaming lahat pinaikot mo pa. You even used Chantal." May hinanakit sa boses niya.

"Leave. I said leave. Umalis ka na Klark!" Sigaw ni Drew.

"I won't." Matigas na sagot niya. "Gusto kong sabihin mo lahat kay Meg, lahat ng totoo kuya. Kung paanong may nangyari sa'min ng ex-girlfriend mo dahil sa plano mo, kung paanong itinakwil siya ng pamilya niya dahil sa pinadala mong pictures sa parents niya. Kung paano mo sinira ang mga buhay namin. Wala akong paki kung may sakit ka o mamamatay ka na bukas... gusto kong malaman niya lahat ng totoo. Dahil... kung talagang mahal mo siya ay maging totoo ka sakaniya." Galit niyang sumbat.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig ako dahil sa mga narinig ko. Nagagalit ako at naiiyak. Hindi ko makuhang makapag-isip ng tama kaya dali dali kong binuksan ang pinto kung saan kanina pa ako nakatayo.

"Meg." Sabay nilang tingin at bakas ang gulat sakanila nang makita ako.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang bumagsak. Nagbabara na din ang aking lalamunan dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ngayon. "Totoo ba?" Puno ng hinanakit ang boses ko. Nag-iwas ng tingin si Drew kaya inulit ko ang tanong. "Totoo ba? Sumagot ka!" Ngayon ay mas may diin ang boses ko.

"Sorry Meg... Sorry... Sorry kasi..." Agad ko siyang pinutol.

"Bakit? Drew bakit?" Hindi ko na inabalang punasan ang mga luha kong tumutulo. "You are my friend, handa akong tulungan ka sa lahat kasi kaibigan kita pero bakit? Bakit mo nagawa sa'kin ng lahat ng 'yon?" Nanginginig ang katawan ko kaya wala akong nagawa nang bigla akong mapaupo dahil sa sobrang panghihina. "Kinalimutan ko lahat Drew, nang masaktan mo ako noon ay kinalimutan ko. Naging masaya na lang ako para sa'yo. Nag-move on ako at nagmahal ulit. Nagtiwala ako sa'yo pero bakit ganito ang ginawa mo?" Puno ng hinanakit at panunumbat ang boses ko. "Nang malaman kong may sakit ka... hindi ako nagdalawang-isip. Nandito ako oh... Nagpunta ako dito kahit wala akong halos tulog kasi alam kong kailangan mo ng kasama. Pero bakit ganito Drew... bakit?"

Wala akong nakuhang sagot sakaniya kaya sinikap kong tumayo at pinunasan ko ang mga luha ko. "You are one selfish bastard Drew. Napaka-selfish mo. I don't want to see you again. I hate you Drew. You're no longer my friend." Nagmamadali akong dumiretso sa kotse ko at umalis ng ospital.

Ilang buwan na rin simula noong huli kong balita kay Drew, hindi ko na rin gustong makibalita pa. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sakaniya, hindi ko maiwasan na hindi magalit. Kung hindi dahil sa ginawa niya ay hindi sana ako maghihirap dito mabuhay, mag-isa at walang pamilya. Ni hindi ko man lang alam kung kamusta na ba ang pamilya ko, si mom at ang piangbubuntis niya na kapatid ko. Namimiss ko na sila pero wala akong magawa. Kaya ngayon ay ginagawa ko ang lahat para makaipon, gusto kong magpunta sakanila. Hindi ko alam kung kalian pero gusto ko ulit sila makita. 

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon