Chapter 10

35 1 0
                                    

March 2014

Graduation day

Sa harapan ako nakaupo, nakikinig at inaantok. Ang aga kasi ng Moving Up ceremony namin. Pero sa wakas after six years makakaalis na rin ako sa anino ng dad ko. Pakiramdam ko kasi dahil pag mamay-ari niya ang kalahati ng eskwelahan na ito ay lahat ng kilos ko ay bantay niya. Kaya wala akong ibang choice kundi maging isang mabuting anak para hindi masira ang pangalan niya. Ako rin ang Valedictorian ng klase namin at marami ang kumwestiyon noon dahil nga anak ako ni Mister George Castillo. Iniisip ng ilan na I don't deserve any rewards dahil binayaran lang daw ng dad ko ang school para mapunta sa ganitong sitwasiyon. Hell yeah, kung alam lang nila. Ayoko naman lahat ng ito and even without my dad ay kaya kong marating lahat ng gusto ko. Even without his name and power.

Before lunch nang matapos ang aming Moving Up. A month before ay nakareceive ako ng letter from Stanford na nakapasa ako sa exam nila pero wala akong planong umalis ng bansa. Marami namang mga magagandang eskwelahan dito sa 'Pinas e. Besides wala rin naman akong kakilala doon, hindi naman pwedeng umalis ang buong pamilya ko dahil lang sa pag-aaral ko, isa pa buntis si mom ngayon kaya hindi pwede sa kaniya ang magtravel.

"Boss." Biglaang hapit sa akin ni Klark sa aking bewang.

"Saan daw tayo?" Tanong ko sakaniya.

He just shrugged.

Klark and I were now in a relationship, two years na rin kaming magkasama lagi at malapit nang mag-isang taon ang aming relasiyon. Client ng dad ko ang family nila kaya walang problema kay dad kung magkarelasiyon man kami. Siya rin kasi ang madalas kong nakakasama sa school man o hindi.

"Wait lang." Hatak niya sa braso ko nang makapasok na kami sa resto.

"Why? Mukha kang constipated." Pang-aasar ko sabay tawa.

"Wala. Let's go." Bigla niya akong hinalikan at saka ako biglang iniwan at nauna na siyang maglakad. Bastos din minsan ang isang iyon eh.

Magla-lunch kami ngayon sa restaurant namin. My mom already quit teaching kaya nagtayo na lang siya ng restaurant, mula sa isa hanggang sa lagpas lima na ata ngayon. She loves cooking so much at ang sasarap ng luto niya. I'm not saying this kasi mom ko siya, it's an unbiased opinion masarap lang talaga ang mga luto niya. Pero ngayon hindi na siya masiyadong hands on sa kitchen dahil nga buntis siya. Nagtatawanan kami ni Klark ng malapit na kami sa mesa na pinareserve nila mom. Tumigil lamang kami dahil nasa harap na namin ang mga magulang namin. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni mom at sa tabi ko naman ay si Klark. Katabi ng mom ko ang aking dad at sa tapat ni dad ay si tito Anthony na daddy ni Klark at sa tabi nito ay si tita Kaye na mommy naman niya.

"I've heard that you've rejected Standford's invitation. Is it because of Klark?" Mahinhin at makahulugang panimula ni tita Kaye.

"No po tita. Hindi po kasi ata pwedeng mag-travel si mom kaya dito nalang po ako mag-college sa 'Pinas. Besides marami naman pong magagandang Universities dito." Paliwanag ko.

"She's not allowed to live alone outside the country?" Biglaang tanong ni tito Anthony.

Nakita kong uminom muna si dad bago magsalita. "I'll think about that Anthony. I'm also thinking if she can go to Spain instead. It's a better country for her chosen degree."

"That's good. Plano kasi naming pag-aralin rin si Klark sa ibang bansa. Bata pa naman sila, they must think first about their future." Nakangiting saad ni tita Kaye.

"Mom." Biglaang sabi ni Klark na tila tumututol. "We're not kids anymore. We can both study together wherever you want but if you want us to separate, I'll marry her right away."

Nakita kong nagtanguan ang mga magulang namin at nangingiti.

"So, let's plan for their engagement?" Masayang sinabi ni mom.

We were in a middle of conversation when someone came.

"I'm sorry. I'm late." Tikhim niya bago umupo. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ng kaniyang dad which is sa tapat ko. Tinignan niya ako na para bang may ginawa akong pagkakamali.

Naramdaman ko ang paghapit ni Klark sa akin. "Can we plan it now?" Magalang niyang sinabi.

"Plan what?" Agarang tanong ng bagong dating.

"By the way, this is my eldest son, Andrew." Pagpapakilala ni tito Anthon rito. "He's in charge of our whole business now." Dagdag pa nito.

"So, what's the plan all about?" Bored niyang tanong pero hindi pa rin naaalis ang kaniyang tingin sa akin.

"About our engagement party kuya." Klark said and he's emphasizing every word.

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha pero agad rin siyang nakabawi. "Engagement? You're too young for that." Aniya habang natatawa.

Naramdaman ko na mas humigpit ang paghapit sa akin ni Klark ngayon.

"How's your flight son?" Biglaang pag-iiba ni tita Kaye ng usapan.

"It's okay Ma. Akala ko naman kung anong emergency at pinauwi niyo pa ako." Naiiling niyang sinabi.

"Graduation ng kapatid mo anak." Malumanay na sinabi ni tita Kaye.

"You've just graduated and you already wanted to be a husband." Halakhak niya. "You're still young to get serious." Dagdag pa niya.

Nakita ko ang pagtangis ng panga ni Klark at pagyukom na kaniyang kamao. "I'm just not like you kuya. I'm always serious in everything." Tila naghahamon niyang sinabi. "Tita, tito, I know that this is too fast but I'm asking for your formal blessing." Magalang niyang baling sa aking mga magulang.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon