Laking pasalamat ko na natanggap ako sa inapplayan kong part-time job malapit sa campus. Tuwing umaga ang pasok ko bilang estudyante at sa hapon naman ang pasok ko sa trabaho. Buong buhay ko ay wala akong alam gawin kundi ang bahay-eskwela lang na routine. Masasabi ko na ngayon palang talaga magsisimula ang buhay ko. I don't have any choice; I was left here all alone. I am still lucky because after my family left me here, Trixie will be there for me.
Naglalakad ako papunta sa sasakyan ko nang may napansing akong babae patungo sa isang hospital na malapit. Hindi ako pwedeng magkamali, kaya the next thing I knew, I was here already in the hospital.
"Meg?" Gulat niyang tanong nang makita ako.
Tumayo ako at tumunghay. "A, e. Hi." Nahihiya at nag-aalinlangan kong tugon.
"What are you doing here?" Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti.
"I saw you, kaya sinundan kita. Baka gusto mong sumabay pauwi? Napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag.
"Aww. You're so sweet naman. Let's go. I am kinda hungry na." Kayag niya bigla.
Sumakay kami sa sasakayan at habang nagmamaneho ako ay doon niya sinabi na kaya daw siya nasa ospital kanina ay dahil nag-apply din siya ng part-time job. Hindi nga lang daw siya nakuha. Kaya pala mukhang malungkot siya kanina nang makita niya ako.
"Buti nalang at nakita mo ako. Kasi you know ang hirap mag-commute here sa Philippines. Sobrang mahal maningil ng taxi." Reklamo niya.
Dahil nagmamaneho ako ay wala akong ibang magawa kundi ang makinig lamang sakaniya. And besides, never pa kong nag-commute kaya wala akong alam sa sinasabi niya. Kaya nga sa malayo ko nai'park ang sasakyan ko kanina para hindi makita sa inapplayan kong part-time job. Baka kasi hindi ako matanggap 'pag nalaman na may sasakyan ako. Karaniwan kasi ng mga makakasama ko doon ay mga working student, mga bread winner ng pamilya. Hindi ko nga alam kung bakit ang bilis kong natanggap kanina, mukha siguro akong kaawang bata nang sabihin kong mag-isa nalang akong namumuhay rito at nakikituloy lang sa isang kaibigan.
Business Ad ang kinuha kong kurso, iyon kasi ang pinakamura. Sabi ko dati ay gusto kong mag-abogado, pero sa sitwasyon ko ngayon ay mas importante sa'kin ang makatapos; makapagtrabaho at buhayin ang sarili na hindi na aasa pa sa iba. Nursing naman ang kinuha ni Trixie, kaya siguro sa ospital siya sumubok mag-apply kanina. Hindi ko minsan maintindihan sa babaeng iyon, mayaman naman pero tila ayaw manghingi ng pera sa mga magulang niya. May awtomatikong pumapasok na pera sa account niya, pinanggagastos niya sa bahay o kaya ay hinahatian niya ako at ipunin ko daw para sa eskwela. Kaya hanggang ngayon kasi palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya nandito sa Pilipinas. Wala naman siyang ibang maisagot, panay ayaw lang daw niya doon kaya mas pinili niya dito, weird.
Pasukan na sa susunod na buwan, sino bang mag-aakala na ang anak ng may-ari ng isang eskwelahan ay scholar na ngayon at nakikituloy na lamang sa isang kaibigan. Kung hindi ako tinawagan ni Trixie nung araw na iyon ay baka naibenta ko na ang sasakyan ko para lamang may matuluyan at buhayin ang sarili habang nag-aantay ng trabaho. Baka hindi rin sana ako makakapag-enrol ngayong taon kung nagkataon.
Iniisip ko pa rin kung sino ang may matinding galit sa akin para gawin ang ganoong bagay. Sobrang tindi ng galit sa akin ni dad para itakwil ako at iwan dito na mag-isa. Tila hindi niya ako anak sa ginawa niya sa akin. Iyon minsan ang hirap kay dad, isa lang ang rule niya sa buhay, "No lying". Kaya siguro ganoon ang reaksiyon niya nang makita niya ang mga larawan na akala niya ay ako. Pero hindi naman ako iyon, sino naman kaya ang walang pusong gagawa noon sa'kin? Wala naman akong kaaway, kaunti lang ang mga kakilala ko. Wala akong kaibigan kaya alam kong wala rin akong kaaway.
Sa dami nang iniisip ko ay nakatulog ako ng hapong iyon. Nagising lamang ako sa isang tawag mula sa aking cellphone, isa sa mga bagay na naiwan sa'kin mula sa pera ng mga magulang ko. Ayokong magpalit ng numero dahil umaasa pa rin ako na tatawagan ako ni dad at sasabihin sa akin na sumunod ako sakanila sa ibang bansa. Pero kalian kaya? Napabuntong hininga na lamang ako.
"Meg." Umiiyak niyang sambit sa kabilang linya.
"Drew?" I asked after checking the caller ID. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" I was panicking at the moment, kakagising ko lang at boses ng isang lalaking umiiyak ang bumungad sa akin.
"St. Mary's Hospital. Please." Pagmamakaawa niya kaya agad akong tumulak papunta sa sinasabi niyang ospital.
Mahaba ang aking buhok kaya I just put it in a bun dahil dali-dali akong nagmaneho papunta rito. I just checked myself in my car bago tuluyang lumabas ng kotse. Tatawagan ko sana siya nang makakita ako ng mensahe mula sakaniya telling the details kung nasaan siyang parte ng ospital.
Natutulog siya nang makarating ako sa isang kwarto at isang babaeng doktor lamang ang naabutan ko. "Girlfriend?" Agarang tanong niya matapos kong makapasok ng silid.
"A friend." Pag-aalinlangan kong tugon. "Bestfriend." Nahihiya kong sambit.
"Miss?" Tanong ng doktor.
"Castillo po." Magalang kong sagot.
"Can I have a minute with you?" Ngiti niya kaya tumango lang ako at sumunod sakaniya.
Marami siyang sinasabi na hindi ko gaanong maintindihan. So, Drew is sick? Totoong may sakit siya? Pero sabi ng doctor ay may chance naman daw na gumaling pero mas mabuti kung sa ibang bansa daw ito magpapagamot. And dami ko nang iniisip ay dumagdag pa ito, minsan ay tila pinaglalaruan ako ng buhay.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...