Chapter 15

33 2 0
                                    

Kinabukasan ay hindi maipaliwanag ang aking kaba. Pupunta ngayon dito ang mga Lucero para pag-usapan ang mga nangyari. Kung pwede lamang na hindi na ito gawin ay mas pipiliin ko ang bagay na iyon pero tama si Dad hindi ito maaayos kung hindi ko sasabihin sa kanila ang totoo, they also deserve to know the truth.

Nasa isang mahabang lamesa kami dito sa aming kusina at pansin ko ang mga mapanuring mata na nakatingin ngayon sa gawi ko. Hindi ko maiwasang punahin na pati ang babaeng dahilan ng lahat ay nandito ngayon. That Chantal bitch is with the Lucero's at komportableng komportable sa kaniyang upo na nakapwesto sa tabi ni Andrew. Bitch.

Pumwesto ako sa tabi ni Mom at katapat ko ngayon si Klark na halata ng puyat dahil sa nangingitim nitong mga eyebags. Gulo gulo rin ang kaniyang buhok na tila bagong gising lamang. Hindi niya makuhang tumingin sa akin at nakatuon lamang ang kaniyang atensiyon sa platong walang laman sa kaniyang harapan.

"Tutal at nandito na ang lahat ay kumain na muna tayo." Maawtoridad na sambit ng aking ama.

Tahimik lamang ang lahat habang kumakain, tanging mga tunog lang ng mga nagtatamang kubyertos ang maririnig. Dessert na ang aming kinakain nang pasimulan ni Dad ang pag-uusap na magaganap ngayon.

"Alam kong hindi na dapat palakihin ang lahat ng mga nangyari sa pagitan ng mga bata pero tayo ay kanilang mga magulang kaya ako nagpatawag ng dinner meeting ngayon para kahit papano ay mapag-usapan ang mga isyu sa ating pamilya." Seryosong sabi ni Dad.

"So sino ba dapat ang magsimula?" Medyo masungit na sambit ni Tita Kaye habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Nakakapanibago dahil sobrang lambing niya noon. Siguro ganoon talaga dahil sa kanilang paningin ay ako ang may pagkakamali dito.

"I think Meg should start it. Tutal ay siya naman ang tumakbo sa engagement hindi ba?" Sarkastikong sambit ni Chantal.

"Ow? Should I?" Taas kilay kong baling sa kaniya. "Why are you here by the way? Hindi ka naman invited." Mataray ko pang dagdag.

"She is Andrew's girlfriend kaya isinama namin siya. So hija simulan na natin ito nang matapos na." Mataray na tugon ni Tita Kaye.

Ngumiti muna ako bago magsalita at nakita ko ang pagkunot ng noo ng mga tao sa paligid.

"So, paano ko nga ba ito sisimulan. Siguro ay ang binanggit po sa inyo ni Klark ay ang tungkol sa amin ni Andrew." Diretsong tingin ko sa taong nasa harap ko at si Klark na hanggang ngayon ay hindi makatingin ng direksiyon ko. Pero ramdam na ramdam ko sa manaka-naka niyang pagtingin ang lungkot, galit at pagsisisi sa kaniyang mga mata.

"Hindi ko po lilinisin ang pangalan ko. Totoo pong nagkakasama kami ni Andrew nung mga nakaraang linggo matapos niyang bumalik rito sa Pilipinas. Siguro rin po ay alam niyo na ang tungkol sa nakaraan namin ni Andrew, ako po iyong bestfriend niya noon na ipinakilala niya sa inyo nang gumraduate siya sa Senior High."

Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "I also admit that I have feelings for Andrew way back then pero naputol po ang komunikasiyon namin ng magkaroon siya ng girlfriend na kasama niya ngayon, maniwala man kayo sa hindi ay nirespeto ko po iyon. At nang makilala ko po si Klark ay sa kaniya na umikot ang mundo ko. Saksi po kayo sa relasiyon naming dalawa. Simula nang maging magkaibigan kami hanggang sa maging magboyfriend-girlfriend kami. Nakita niyo po ang lahat. Hindi ko po alam kung nakita niyo ang sobrang pagmamahal ko sa anak niyo. Pero isa lang po ang kaya kong sabihin ngayon at patunayan na mahal na mahal ko pa rin po si Klark pero sorry po kasi nasaktan niya ako." Halata ang gulat sa mukha ng kaniyang mga magulang.

"What do you mean na nasaktan ka niya? Hindi ba ikaw nga itong bigla siyang iniwan sa harap ng madaming tao habang nakaluhod?" Hindi maiwasan ni Tita Kaye ang pagtaas ng kaniyang boses.

"Mas pinili ko po na takbuhan siya kesa ikulong ang sarili ko sa isang relasiyon na puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Mas pinili ko po na sa akin kayo magalit kesa sa mismong anak niyo. Hindi ko po alam kung anu-ano ang mga sinabi sa inyo ni Klark pero isa lang po ang sigurado ako, kung wala pong nangyari ay masaya sana kami ngayon ni Klark."

Ang galit sa aking sistema ay nag-uumapaw kaya tumigil ako panandali, pansin ang pagtataka ngayon sa kanilang mga mukha. "Bakit hindi niyo po tanungin si Chantal kung anong kinalaman niya dito. Mga walang galang po pero wala akong pakialam sa kung ano mang mayroon si Andrew at ang babae na iyan. Pero kung kinakati siya ay magpakamot siya sa boyfriend niya at hindi sa boyfriend ko. Sorry for the term po pero I saw Klark and that bitch banging each other in Klark's condo, in our condo."

Sampal ni Chantal ang sumalubong sa akin matapos kong magsalita.

"How dare you!" Sigaw niya kaya biglang napatayo ang lahat.

"What's the meaning of this?!" Maawtoridad na sambit ni Tito Anthony.

"She's telling the truth." Simpleng sambit ni Klark bago muling umupo.

Pero bago pa man siya umupo ay isang suntok mula kay Tito Anthony ang natanggap niya at isang sampal mula kay Tita Kaye.

"We didn't raise you to be like this Klark." Bulyaw rito ni Tita Kaye.

"I am sorry for this trouble attorney." Sambit ni Tito Anthony kay Dad.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon