Epilogue

54 1 0
                                    

"Sorry kuya. I love her."

I can still remember the day that I admitted to myself that I already love her. Sobrang nagalit sa'kin si kuya that time knowing na pinapunta niya lang ako sa Pinas just to see if her girl is doing fine. I never thought na mahuhulog ako ng sobra, sobra na hindi na ako nakaahon pang muli. Meg is not the typical teenage girl nang makilala ko siya, mula sa may kayang pamilya pero nakakapagtaka na hindi siya mahilig makipag-salamuha sa mga tao. She likes being alone and can do just perfectly fine just by her own.

"We just don't like her. Ayaw rin naman niyang makipag-usap sa'min palibhasa anak ng may-ari ng school." Irap sa kawalan ng kaklase namin.

At first, I am just curious about her. Madalas ko kasi siyang makitang mag-isa, tila pumapasok lang kasi kailangan, na para bang nabubuhay lang kasi kailangan. Ginagawa niya lang 'yong mga bagay sa paligid niya kahit parang ayaw niya. Weird? Oo, kasi sino ba namang tao ang kaya na ganoon lang, na lumilipas lang ang bawat araw na paulit-ulit lang. Pero sa bawat araw na nakikita ko siya parang ako 'yong nasasaktan para sa kaniya, kung titignan kasi sobrang lungkot niya, bihira ko siyang makitang ngumiti or should I say na hindi ko pa siya nakita na ngumiti. Ang ganda ng mga mata pero tila walang buhay, sobrang lungkot, sobrang dilim. Kahit anong pilit mong pasok sa buhay niya, siya mismo ang magtataboy sa'yo, sobrang taas ng tinayo niyang mga pader ang hirap tibagin kasi ayaw niya, inilalayo niya ang mga tao sa sarili niya kasi takot siya. Isang makungkot na babae na madaming takot. Kaya simula noon, sinabi ko sa sarili ko na gusto kong magkaroon ng kulay ang madilim niyang mundo, gusto kong bigyan ng ngiti ang magaganda niyang mga labi.

"What happened to you?"

Doon nagsimula ang lahat, doon nagsimulang papasukin niya ako sa mundo niya. Nakakatakot kasi alam ko na... wala na 'tong atrasan pero habang tumatagal hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Delikado pero wala akong pinagsisisihan kasi naging masaya ako kahit tila naging kalaban ko pa ang buong mundo, lalo na ang taong pinakamalapit sa puso ko.

"Naging maayos naman ang usapan natin 'di ba?" Matatalim ang mga tingin sa'kin ni kuya. "Sa lahat ng tao hindi ko akalain na ikaw pa na kapatid ko... Bakit?" Puno ng hinanakit ang boses niya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya, nitong nakakaraan tuwing magkausap kami sa Skype ay hirap na hirap akong tumingin sa kaniya ng diretso. "Sorry kuya. I love her." Wala akong ibang masabi kasi alam ko na mali ako. Pero mali ba ang magmahal at sumugal? Lalo na kung nararamdaman mong masaya ka naman.

"Sorry din Klark dahil 'pag nagkaroon ako ng pagkakataon ay babawiin ko siya sa'yo."

Takot. Kinain ako ng takot ko. Nagpakain ako sa takot ko. Alam kong mahal ako ni Meg pero alam ko ring mas una niyang minahal ang kapatid ko. Nagpadala ako sa takot kaya halos masira ang mundo ko, ang buhay ko.

"Will you marry me?"

"I'm sorry."

Alam kong nasaktan ko siya at gusto kong itama lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kaniya, pero siya na mismo ang sumuko at tumakbo. Iniwan ako ng babaeng mahal ko kasama ang durog kong puso.

"Stop doing this to yourself Klark. Bata ka pa at marami ka pang makilala na iba diyan."

Pang ilang beses na 'yang sinabi sa akin ni mom, hindi ba nila maintindihan na si Meg lang ang gusto ko.

Sa huling pagkakataon ay gusto kong muling sumubok, subukan na maayos kaming muli kasi alam ko aalis na sila, nagpaalam siya sa'kin. Pero nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak habang papasok ng kotse niya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para harapin ang tatay niya.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon