Chapter 16

31 2 0
                                    

Inihatid na namin ang mga Lucero sa pintuan matapos ang pag-uusap. Akmang tatalikod na kami nang hatakin ni Chantal ang buhok ko. Hawak hawak ko si Mom kaya nang ma-out of balance ako ay kasama siya. Shit. Hindi ko na ininda ang masakit kong anit nang makakita ako ng dugo sa hita ng aking ina.

"Ghad! Dad! Dad!" Sigaw ko.

"Mom is bleeding Dad!" Natataranta kong muling sigaw.

"Hinding hindi kita mapapatawad Chantal kapag may masamang nangyari sa kapatid ko." Galit kong tinignan si Chantal bago nagmamadaling tulungan si Dad upang madala si Mom sa ospital.

Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad na itinakbo si Mom sa emergency room nito. Pareho kaming hindi mapakali ni Dad sa isang tabi habang inaantay na lumabas ang doctor na nasa loob ng ER. Pabalik balik ako sa aking pwesto at palakad lakad. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong hindi rin mapalagay si Dad sa kabila ng pananahimik niya at ng kalmado niyang itsura. Nang makalabas ang doctor ay agad itong nilapitan ni Dad upang makausap. Panay ang hiling ko na sana ay okay lang si Mom at ang magiging kapatid ko. Hindi ko kasi mahinuha kung ano ba ang nangyayari at kung anong resulta ng pag-uusap ngayon nila Dad at ng doctor, pareho kasing kalmado ang mga itsura nila.

Kinabukasan ay lumabas na rin kami ng ospital. Ayos naman daw ang kalagayan nila Mom pero mag-ingat daw dahil medyo risky ang kaniyang pagbubuntis.Tahimik lang kami lahat hanggang sa makauwi ng bahay. Nang maihatid na namin si Mom sa kwarto nila upang patuloy na makapagpahinga ay bigla akong tinawag ng aking ama.

Dumiretso kami sa office niya dito sa bahay na katabi lamang ng kanilang kwarto. Ito ang nagsisilbing opisina rito ni Dad kapag nag-uuwi siya ng mga kaso mula sa aming kompanya. My Dad is a famous lawyer in the country. He owns a firm and also owns stocks in different companies. Hindi man sobrang tayog na kompanya ang pag mamay ari ng aking ama ay alam kong hindi kami maghihirap kahit ano pa mang mangyari. Simple lang kasi siya kumpara sa iba kahit pa isa siyang kinikilalang lawyer sa bansa ay hindi siya kagaya ng ibang business man na halos laman ng mga magazines. He wants to keep it simple in his own way. That's why I admire my Dad so much. Kaya kapag nagkolehiyo ako ay kukuha ako ng kursong Political Science bilang pre-law course bago tuluyang kumuha ng abogasiya.

Seryoso ang mukha ni Dad ng makapasok kami sa kaniyang opisina na tila isang library sa dami ng libro sa paligid nito.

"Hija." Basag katahimikang sambit ni Dad.

Tumingin lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.

"Naalala mo pa ba ang plano natin noon na pagpunta sa Amerika matapos mong makatapos sa Senior High School?" Seryosong tanong niya.

Tumango lamang ako bilang tugon.

"Ayos na ang lahat ng mga papeles. Natuloy man noon ang engagement ay tutuloy pa rin tayo roon. Alam namin na medyo hindi maganda ang pagbubuntis ng iyong ina kaya mas mabuti na naroon tayo at doon na maipanganak ang kapatid mo gaya mo."

That's right, I was born in U.S. kaya nga may dual citizenship ako at walang kahirap hirap ang pagpapabalik balik ko roon, mapabakasiyon man o hindi.

"Kailan pa po ito Dad?" Usisa ko.

"Matagal na ito hija, hindi ba't kaya lamang natin ito dinedelay ay dahil sa pagtatapos mo? Ngayong nakatapos ka na ay pwede na tayong magpunta roon kahit ano mang oras o araw. Hindi ko na dapat pa banggitin ito sa iyo ngunit may karapatan kang malaman ito dahil anak kita." Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.

"Muli na namang akong nakakatanggap ng death threats. Ayoko na muling mangyari pa ang nangyari noon kaya habang maaga pa ay umalis na tayo ng bansa. I don't want to risk the life of my family."

Gulantang ako sa mga sinabi ni Dad. Hindi nga masiyadong rumehistro lahat ng mga sinabi niya. Ang tumatak sa utak ko ay ang salitang 'Death Threat'.

Nangangatal ang labi ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Unti-unting bumalik ang mga alaala sa akin na matagal ko ng ibinaon sa limot. Me in a dark room shouting and screaming. Takot na takot ako.

"Hush anak." Alo sa akin ni Dad.

Hindi ko man lang namalayan ang mga luha kong patuloy na dumadaloy mula sa aking mga mata. That experience was so awful. Isang bagay na hindi na dapat pa binabalikan, isang bangungot na nakakakilabot.

Hindi agad ako makatulog ng gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking utak lahat ng memoryang ayaw ko nang balikan pa. Tandang tanda ko pa ang lahat, bawat detalye ng masalimuot na pangyayari na iyon ay tila isang pelikula na nakareplay mode sa aking utak.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon