"I'm sorry."
I said before leaving him, before running away from him. I heard loud murmurs and gasps from the crowd. I also heard my parents shouting for my name. But I don't care, all I want now is to run and to go somewhere basta huwag lang dito. Ang sakit. Sobrang sakit makita na iyong lalaking pinapangarap mong makasama habang buhay ay nagsisinungaling sa harapan mo. Alam kong hindi siya perpekto at hindi niya gugustuhing saktan ako pero nagawa na niya. Iyong tiwalang matagal kong iningatan, iyong tiwalang pinaghirapan niya para makapasok sa mundo ko ay bigla nalang nasira dahil sa isang pagkakamali.
Yes, people made mistake most of the time pero hindi rin kasi madaling magpatawad at kalimutan na lang lahat matapos ng isang sorry, hindi kasi iyon doon natatapos. Kapag nasira na kasi ang tiwala ng tao, may parte sa kaniya na nasisira din. In my case, my heart was also broken after my trust. I really wanted to say yes to him, kasi kahit anong sakit itong nararamdaman ko ngayon ay hindi maikakaila na mahal na mahal ko siya. Kaya nga ako nasasaktan ng sobra ngayon kasi sinira ng taong mahal na mahal ko iyong tiwala ko. Pero kasi hindi ko ikukulong ang sarili ko sa isang bagay na punong puno ng pagdududa. Isang relasiyong may lamat na, isang relasiyong walang tiwala. Trust is more important than love. Kasi kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao kung wala ka namang tiwala sa kaniya ay wala din. Mahirap kasi kapag pinangunahan ka na ng pagdududa, duda na kumakain sa buong sistema mo para kwestyunin ang lahat. Kahit sagutin ko pa siya ng oo ngayon ay paulit ulit lang kaming babalikan ng bangungot na nangyari sa relasiyon namin kung ako mismo sa sarili ko ay hindi pa kayang magpatawad at lumimot.
Honestly speaking, right now I can't face him. Naaalala ko lahat, lahat ng pangyayari sa utak ko ay parang isang pelikula na panay ang replay, paulit-ulit.
It's been three days bago ako harapin ng parents ko. Panay lang kasi ang stay ko sa kwarto at hinayaan lang nila ako. I know that they wanted to talk to me pero kasi hindi pa ako ready. Hindi ko rin alam kung kalian ako magiging ready kaso ngayon ay hindi na nila siguro matiis kasi bigla na lamang nila akong kinatok dito sa kwarto ko. Nung mga nakaraang araw kasi ay panay si Manang lang ang nagdadala ng pagkain ko but today is different dahil si Mom na mismo ang may kapit ng tray na may lamang pagkain para sa akin habang nasa likod niya si Dad.
Ngumiti lamang ng tipid si Mom bago niya ilapag ang tray na may lamang pagkain sa isang maliit na lamesa sa aking kwarto. Pagkatapos ay umupo siya sa aking tabi habang si Dad naman ay kumuha ng isang upuan at doon umupo sa aming harapan. Hinahaplos haplos ng aking ina ang aking buhok bago ko marinig na magsalita si Dad.
"Now tell us what happened young lady." Diretsong usisa ng aking ama habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Lawyer nga pala siya kaya dapat ay mag expect na ako ng mga straightforward na pangungusap na tila nasa isang court room.
"I'm sorry Dad and I'm also sorry Mom." Panimula bago at bumaling saglit kay Mom para sa aking paghingi ng sorry. "Hindi ko po alam kung paano sisimulan." Pag-amin ko.
"Don't worry hija makikinig kami." Malambing na sambit ni Mom habang patuloy na hinahaplos ang aking buhok, nakakarelax ang ginagawa niya. Medyo kumakalma ang aking kinakabahang sistema.
At doon ko sinimulang sabihin ang lahat. Simula sa paghahanda ko para sa anniversary namin ni Klark hanggang sa makita ko siya mismo ilang araw bago ang aming engagement. Hindi ko rin nakalimutang banggitin ang pagsama ko kay Andrew ng mga nakakaraang araw dahil sa naguguluhan kong utak. Lahat ng detalyeng naaalala ko ay sinabi ko sa kanila, besides they are my parents. Sila ang higit na makakaintindi sa akin.
"I'm sorry po. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa inyo na hindi na dapat matuloy ang engagement. Ilang beses ko pong sinubukan pero lagi akong pinangungunahan ng takot at hiya. Sorry po kasi kahit ganoon ang ginawa sa akin ni Klark ay iniisip ko pa rin po ang iisipin niyo tungkol sa kaniya kaya mas minabuti ko na lamang pong takbuhan siya para isipin ng tao na ako ang may mali at hindi siya. Sorry Mom and Dad. I love him pero hindi pa po kayang burahin ng pagmamahal ko sa kaniya ang ginawa niyang panloloko sa akin. Masiyado pong masakit. Sorry po." Naiiyak kong sabi habang nakayuko.
"It's okay hija." Malambing na sabi sa akin ni Mom at inakap ako ng patagilid.
"What's your plan now?" Tanong ni Dad kaya bigla akong napatunghay.
"You can't hide here the whole time. I know that you're hurting pero hindi namin kayang ipaliwanag sa mga Lucero ang totoong nangyari kung hindi ikaw mismo ang magsasabi lalo na at ang pinapaniwalaan nilang dahilan ay may lihim kayong relasiyon ng kanilang panganay. Dahil siya ang palaging sinisisi ni Klark sa mga nangyari. Alam kong sa pagitan niyo lamang itong dalawa pero hindi maiiwasan na madamay kami kasi mga magulang niyo kami. Alam kong kaya mo itong ayusin hija. May sarili ka ng desisiyon at susuportahan ka namin sa kung ano man. Hindi ka namin pipilitin sa isang bagay na masasaktan ka, we're your parents. We're just here at your back to support you, always." Hinalikan ni Dad ang tuktok ng akong ulo bago sila lumabas ni Mom sa aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...