Chapter 35

29 1 0
                                    

Ako na ngayon ang namamahala ng mga negosyo namin. Tinanong ako ni dad kung gusto ko pa rin daw bang mag-abugasya, sumagot lang ako ng hindi. Dahil ayaw ko man noon ng kurso ko ay siguro para rito talaga ako. Masaya kasi ako sa ginagawa ko at nag-eenjoy ako.

"Kumusta naman ang Boss ko diyan?" Tanong ni Klark habang nasa kabilang linya.

Umupo muna ako bago sumagot. "Ayos naman kanina bago ka tumawag."

"Anong ibig mong sabihin? Ngayon ay hindi na ayos kasi tumawag ako?" Na-iimagine ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Oo eh." Iniiwasan ko na mahalata niya ang pagtawa ko.

"Ahh. Gano'n ba? Ibaba mo na lang ang tawag." Pagtatampo niya.

"Sobrang seryoso naman, hindi mabiro... Ikaw ba kumusta ka diyan?" Narinig ko ang pagsara ng pinto, tipong sobrang lapit.

"Lingon ka nga... Ugali mo na 'yang uupo ka tas tatalikod ka sa pintuan mo."

Napatayo ako sa gulat at sinalubong siya ng yakap. "Miss mo ko?" Ngisi niyang tanong.

Umirap muna ako bago sumagot. "Hindi a. Feeling ka."

"Hindi? Kaya pala bigla mo kong niyakap. Kasi hindi mo ko miss." Tumawa siya ng malakas.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko.

"Binibisita 'yong mahal ko. Bawal ba?" Paglalambing niya.

Umiwas ako ng tingin. "Kinikilig ka ba?" Pang-aasar niya.

"Ewan ko sa'yo." Irap ko.

Bumalik ako sa upuan ko at umupo naman siya sa upuan sa harap ng mesa ko. "May gustong makipagkita sa'yo." Aniya sa seryosong tono.

"Sino?" Simpleng tanong ko sa kaniya.

"Malalaman mo mamaya."

Mula ng umalis si Klark ay kanina ko pa iniisip kung sino ba ang sinasabi niya na gustong makipagkita sa akin. Si Trixie ba? Kung sabagay ay dalawang taon ko na ata siyang hindi nakikita. Isang buwan kasi matapos ang graduation ko ay sumabay siya kina dad papuntang Amerika, kasi magdodoktor daw siya. At sa loob ng dalawang taon na iyon ay patuloy akong namuhay mag-isa, ay hindi pala dahil kasama ko si Klark sa condo. Nagulat na lang din ako nang mapapayag niya sina dad na doon ako tumira, si dad pa kasi mismo ang nagbilin sa akin na mas mapapanatag daw siya kung may kasama ako sa bahay. Hindi ba niya alam na mas delikado kasama si Klark sa bahay, halos araw araw doble ang pagod ko. Bigla tuloy akong natawa sa naisip ko.

Hinayaan ako dito nila dad dahil mukhang kaya ko naman daw. Nung nag-aral daw kasi ako ay nakayanan ko kaya malaki ang naging tiwala nila sa akin para patakbuhin ang mga naiwan na negosyo dito. Restaurant business namin ang karaniwang inaasikaso ko, 'yong Law Firm naman ay pinupuntahan ko paminsan minsan at mostly finances lang ang kinukumusta ko. Naging maayos naman ang negosyo sa pamamalakad ko. May plano akong magtayo ng isang branch sa susunod na taon, medyo mahaba ang preparation at ilang taon ko na ding piang-aaralan dahil tinitignan ko kung magiging feasible ba ito at hindi ako malulugi.

Halos tuwing gabi ko naman nakakausap ang pamilya ko. Video call at karaniwan ang makulit kong kapatid na parating madaming tanong ang nakakakwentuhan ko. Mom is busy doing her online business particulary in baking, hindi niya pa rin maiwan ang pagluluto and Dad became a Law professor in the U.S. Kaya noong sinabi nila sa akin na maiiwan ako dito ay hindi ako nagalit. Nandito na kasi ang buhay ko at naiintidihan ko na nagkaroon na rin sila ng buhay doon. Bumibisita naman ako tuwing Pasko at Bagong Taon. Kami ni Klark, we spend our holidays sa U.S. kasi nandoon din naman ang pamilya niya.

Kaya si Klark lang ang madalas kong kasama, pero busy din kasi siya sa company nila. Sa isang bahay lang kami natutulog at araw araw nagkikita. Kumpara noon, mas masaya na ang buhay ko ngayon, masasabi kong kuntento ako sa kung anong mayroon ako. Tahimik lang na buhay, busy madalas pero hindi magulo. Kahit halos paulit-ulit lang ang ginagawa sa araw araw ay ayos naman.

Tinext ko lang si Klark na papunta na ako bago ako umalis ng opisina. Pinapauna kong umuwi ang mga tao ko bago ako umalis. Maayos naman ang negosyo kaya hindi kailangang magpagod ng sobra. At saka may buhay rin sila after ng office hours, kailangan nila 'yong enjoyin dahil hindi lang naman sa trabaho dapat umiikot ang kanilang buhay.

Akala ko ay kung saan kami magkikita, dito lang pala sa isa sa mga branch namin.

"Good evening Ma'am." Matamis na ngiti sa akin ng isa sa mga server dito. Iginiya niya ako papunta sa exclusive room na pinareserve ni Klark. Gugulatin ko sana siya pero ako ata ang mas nagulat.

"Meg." Sambit ng taong kaharap ko ngayon.

Matalim kong tinignan si Klark na nakatayo sa tabi nito at pinaparating ng mga mata ko na mag-uusap kami mamaya.

Sabay sabay kaming umupo at lumipat sa tabi ko si Klark kaya kaharap ko ngayon ang taong gustong makipag-usap sa akin.

"So... kain muna tayo." Tinawag ni Klark ang server at ipinihanda na ang pagkain.

Tahimik lang ako at seryosong kumakain. Hindi ko tinatapunan ng tingin si Klark at ang kaharap ko. Kanina ko pa nararamdaman ang palitan nila ng mga tingin. Gusto kong saksakin ng tinidor ang katabi ko. Hindi ako natutuwa sa nangyayari ngayon at inis na inis talaga ako.

"Meg." Tawag ng kaharap ko.

Walang emosiyon akong tumunghay at tinignan siya. "Buhay ka pa pala." Padarang kong ibinaba ang kubyertos na kapit ko. Hindi ko napigilan ang galit na namumuo sa sistema ko.

"Boss." Alarmang tawag ni Klark.

Bumaling ako sa kaniya. "Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Matalim akong nakatingin kay Klark nang biglang magsalita ang lalaking nakaupo sa tapat ko. "Meg... Sorry. Alam kong hindi mo ako mapapatawad pero gusto ko pa ring humingi ng tawad."

"Bakit? Malapit ka na bang mamatay?" Ramdam na ramdam ko ang pait sa sarili kong boses.

"Gusto ko lang magpaliwanag para sa nangyari noon." Sinalubong ko siya ng tingin. "Bakit? Para saan pa?"

"Para saan pa Drew!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon