"Buntis ako?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Kaya simula noon ay todo bantay na sa akin si Klark. Opening ngayon ng resto kasabay ng kasal namin sa huwes kaya masayang masaya ang mga tao lalo na ang pamilya namin. Successful din kasi ang naging opening, swerte daw kasi ang buntis.
"Parang dati lang engagement ang pinaplano natin." Mahinhin na tumawa si mom.
Makahulugang tumikhim si tita Kaye. "Ewan ko ba sa dalawang 'yan, ang dami pang pasikot-sikot... sila rin pala sa dulo."
"Kaya nga pinikot na ko mom. Para daw walang kawala." Malakas na tawa ni Klark kaya napatawa na lang din kami lahat.
Plano nila ay ikasal kami sa simbahan sa susunod na taon, ayoko kasing ikasal na malaki na ang tiyan ko. Tinatawanan pa ako ni Klark pero sa huli ay wala rin naman siyang nagawa. Masiyado niya akong mahal para tumutol sa gusto ko lalo na ngayon na buntis ako.
"Gusto ko ng ice cream." Ginising ko siya sa kalagitnaan ng gabi.
"Check the fridge. Mayroon doon." Halatang antok na antok pa siya.
"Ikaw na kumuha." Kinalabit ko siya at nagpaawa na parang bata.
Pumalatak siya at tumayo patungo sa kusina. Kaya naiinis siya ngayong umaga dahil matapos daw niyang kumuha ng ice cream ay naabutan niyang nakatulog na ako ulit at himbing na himbing. Samantalang siya ay nahirapan na ulit makagawa ng tulog, kaya mainit ang ulo niya ngayon at mabilis mainis.
"Bakit ka ba kasi nagagalit?" Nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko. "Hindi ko naman sinasadya na makatulog ulit."
"Hindi ako galit. 'Wag ka ng umiyak." Pag-alo niya.
"Promise?" Kumurap kurap ako sa harap niya.
Napakamot siya ng kaniyang ulo. "Oo. Promise."
Ganoon ang naging eksena kahit nung mga sumunod na buwan. Sobrang tindi ng paglilihi ko at mood swings. Ang dami kong gustong pagkain na pinapabili kay Klark pero karaniwan ay inaamoy ko lang tapos sa huli ay siya lang ang kumakain. Hindi rin ako nakakatulog ng hindi siya katabi kaya kahit anong antok ko ay lagi ko siyang inaantay mula sa trabaho.
Si mom at dad muna ang namamahala ngayon ng mga negosyo namin, hindi naman maselan ang pagbubuntis ko pero dahil nakunan na ako noon ay naging mas maingat kami ni Klark. Limang buwan na ngayon ang tiyan ko at may check-up kami sa doctor. Buwan buwan akong nagpapa'check-up para masigurado na maayos ang lagay ng bata sa sinapupunan ko. Busy si Klark sa opisina at ang alam niya ay bukas pa kami aalis kaya sosorpresahin ko siya ngayon. Alam kong magagalit siya kung dadalhin ko ang kotse ko kaya nag-taxi na lang ako papunta sa opisina niya.
"Good morning Ma'am." Matamis na ngiti ng kaniyang sekretarya.
"Pasok na 'ko ha?" Balik ngiti ko dito. Napansin ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
Binalewala ko nalang at dumiretso sa kwarto kung nasaan ang opisina ni Klark. Kilala naman ako dito na asawa niya, isang buwan kasi matapos naming ikasal sa huwes ay dinala niya ako dito para lang ipakilala sa lahat na ako ang asawa niya. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako lalo na ng magpalagay siya ng picture namin sa dingding ng kaniyang opisina.
"Boss." Agad siyang napatayo nang makita ako.
Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa babaeng komportableng nakaupo sa upuan sa harap ng mesa ni Klark. Tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Hi Meg."
"Anong ginagawa niyan dito?" Baling ko kay Klark.
Nilapitan niya ako at akmang hahawakan pero umiwas ako at umupo sa katapat na upuan ng babae. "Sagot!" Matalim ang tingin na ipinupukol ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
Itinaas niya ang kaniyang kamay na para bang pinipigilan si Klark na magsalita. "I am here to invite Klark, and you his wife for my wedding." Iniabot niya sa akin ang invitation. "Here."
Tinaasan ko lang siya ng kilay at tila hindi kumbinsido sa mga sinabi niya. "Look. I don't have any plans on ruining someone's life now... Besides, we're grown ups already."
Tumingin siya ng diresto sa mga mata ko. "Maybe it's too late for this... but please allow me to say this. Hmm... I am sorry Meg for what happened before. But believe me I am not the old Chantal that you used to know." Naramdaman ko ang sinseridad sa boses niya. "Wala akong plano na sirain ang pamilya niyo or else hindi mo ako kukunin na ninang ng batang dinadala mo." Humalakhak siya pero hindi ako natawa sa sinabi niya. "Just kidding. So pa'no? I'll expect you both in my wedding ha?" Tumayo na siya at umalis.
Tahimik kaming naiwan dito ni Klark. Nakasimagot pa din ako. "Bakit hindi mo sinabi na pupunta siya dito?" May pagtatampo sa boses ko.
Umupo siya sa inuupuan ni Chantal kanina at iniusog ito para mas mapaliit ang espayo sa harap namin. "Hindi ko rin kasi alam. Halos kakadating lang din niya bago ka dumating." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Wala naman akong inililihim sa'yo at wala akong planong maglihim ng kahit ano sa'yo."
"Promise?" Malungkot akong tumingin sa kaniya.
"Promise. Sobrang mahal kita para maisip na saktan ka. Hinding hindi ko 'yon magagawa sa'yo." Itinayo niya ako at niyakap. "So, bakit nandito ang napakaganda kong asawa?"
"Ngayon natin malalaman ang gender ni baby." Mahina kong sambit.
"Akala ko ba bukas pa?" Nagtataka niyang tanong.
"Gusto ko kasing sorpresahin ka. Kaso may bisita ka kanina." Malungkot ang boses ko.
"Napaka-swerte ko talaga sa asawa ko." Inamoy amoy niya ang buhok ko. "Don't be upset na ha?" Tumango lang ako. "Let's go. Excited na akong makita na lalaki ang magiging anak natin."
Tuwang tuwa si Klark matapos naming manggaling sa check-up. Dumiretso kami agad dito sa mall at namili ng mga gamit ni baby. "Sabi ko sa'yo. Galing ko 'di ba?" Kindat niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinimangutan. "Bawal sumimangot. 'Pag si baby tila pinaglihi sa sama ng loob yari ka sa'kin. Ilang buwan lang buntis ka na ulit." Pagbabanta niya.
Tumahimik na lang ako dahil may kung ano 'yang dila ni Klark. Halos lahat ng sinasabi nagkakatotoo.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...