Chapter 2

65 5 0
                                    

Bad dreams. Iyan ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kailan kaya matatapos ang mga masasamang panaginip na iyon? Tch. Madilim pa sa labas pero hindi na muli ako makatulog pa. Wala pa rin ako sa sistema para mag-ehersisyo. Kung tutuusin hindi naman malungkot ang buhay ko. Una, kasi buhay pa ako. Pangalawa, kasi kumakain ako ng tatlong beses sa loob ng isang araw. Maswerte pa kung minsan, kasi sobra pa sa tatlong beses. Pangatlo, may tinutuluyan akong bahay, maayos at mahimbing ang mga nagiging tulog ko at nagkakaron ng sapat na pahinga. Pero, I'm still in the middle of yes or no, the maybe. 'Yung okay lang. Tipong pwede na. 'Yung keri na yan. Tipong sabay lang sa agos.

"Will you marry me?"

"I'm sorry."

Luha. Luha na pumatak na naman mula sa aking mga mata. Sino nga ba ako? Sino nga ba si Megan Castillo? Poot. Poot na nararamdaman ko para sa sarili ko. Kung pwede lang baguhin ang pangalan ko ay ginawa ko na. Kung pwede lang ibaon ang sarili sa limot. Na pati sarili mong identity ay makakalimutan mo. Kung pwede lang. Kung pwede lang ibalik ang kahapon. Ang kahapong nagdaan na. Pero hindi. Kaya ngayon nakakulong pa din ako sa pait ng kahapon. Pait na nanunuot sa bawat kalamnan ng aking sistema. Pait na hindi ko lang nalalasahan. Pait na kasama ko na sa buhay. Yes, I am really bitter. Bitter with everything that happened to me. Bitterness and hatred. Pain and sorrow.

Thought that I'd be better off
If I were on my own
I tried to put my finger
On the moment we were wrong

But the taste turned bitter
So I pulled the trigger
Not so easy to move on
I guess I should have known

Ice cold, I freeze up when I see ya
Left you just to find out that I need ya
So far, I wanna pull you closer
I wish we could start the whole thing over

Ever since I left you
I've been trying to get you back
And it keeps getting worse
I'm burning on the inside
And the truth is that I didn't know how good you were

Until you were gone
Until you were gone
Until you were gone
Until you were gone

I was always told that only time would heal the pain
And even though it's been so long, it still hurts just the same
Yeah you know I'm finding that the break was binding
I take back everything I said, ooh, won't you just come home?

Ice cold, I freeze up when I see ya
Left you just to find out that I need ya
So far, I wanna pull you closer
I wish we could start the whole thing over

Ever since I left you out
I've been trying to get you back
And it keeps getting worse
I'm burning on the inside
And the truth is that I didn't know how good you were

Until you were gone
Until you were gone
Until you were gone
Until you were gone

Sweat, teardrops and the cold breeze outside. Napaka-emo naman ng araw ko. Hanggang kailan kaya ako iiyak dahil sa mga consequences ng actions ko? Until when will I cry for the same reasons?

12:15 pm

"Hello Ms. Meg, ang aga natin a!" Masayang pagbati sa akin ni Kuya Raul, ang gwardiya sa pinapasukan kong fastfood chain.

Nginitian ko lamang siya bilang tugon. Wala naman akong gagawin sa bahay. Isa pa wala rin naman akong kasama doon. Kaya mas pipiliin ko na lang magstay sa mataong lugar kaysa lugmukin ang sarili ko sa lungkot. Mamayang hapon pa naman ang shift ko. Kaya umupo muna ako dito sa isang bakanteng upuan para magpalipas ng oras, ayaw kasi ng branch manager namin na magtrabaho agad lalo na kung hindi pa takdang oras, depende na lamang kung maraming tao.

"Castillo." Isang nakakakilabot na bulong ang naramdaman ko sa likod ko.

Nilingon ko siya at inirapan.

"I'll sit here, okay." Aniya sabay upo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Napansin niyang wala akong planong umimik kaya muli siyang nagsalita.

"Hanggang kailan tayo ganito Meg?" Tanong niya.

Magaling talaga siya sa mga ganitong bagay. Kilalang kilala na niya talaga ako.

"Until I die." Matipid kong sagot habang nakatingin sa kawalan.

Ngunit hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom ng kaniyang kamao at pagtangis ng kaniyang panga.

"Aantayin mo pang mamatay ka bago mo ako mapatawad? Ganun ba ha?" Halata ang hinanakit sa kalmado niyang boses.

"No. Until this Meg die. Until I forgive myself. I need to forgive myself first bago ko mapatawad ang ibang tao." Makahulugan kong sinabi.

"Pag ready ka na, alam mo kung saan ako pupuntahan." Aniya bago umalis.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon