Chapter 19

34 1 0
                                    

"Lumayas ka ngayon sa pamamahay ko! Wala akong anak na sinungaling! Huwag ka ng umasa na isasama ka pa namin sa Amerika! Dahil simula ngayon ay wala na akong anak!"

Shit. Paulit-ulit ang mga salitang binitawan ni Dad na dumagundong sa buo kong pagkatao. Wala akong dala kahit anong gamit bukod sa suot-soot kong damit, wallet, cellphone at aking sasakyan. Iiwanan ko sana ang sasakyan ko kaso takot naman akong mag-commute. Hindi ko alam ngayon kung saan ako pupulutin. Panay ang drive ko na walang patutunguhan. Isang long drive na walang destinasiyon.

Binabaybay ko ang kahabaan ng Alabang nang may tumawag sa akin. Isang unknown number at agad ko itong nai-connect sa speaker ng aking sasakyan.

"Hey there." Boses ng babae sa kabilang linya.

"Is this Meg? As in Megan Castillo?" Matinis ngunit malambing ang kaniyang boses.

"Who's this?" Naguguluhan kong tanong.

"Ghad! Meeeeegggggg! This is me. Your pretty kinakapatid." Tili niya sa kabilang linya.

"Come again?"

"This is Trixie. Ikaw ha. Hindi mo na ko tanda. I'm here na in the Pinas. Ayaw ko na sa States. Hindi na ko babalik doon. I'm such a loner. Please live with me." Maarteng litanya niya.

"What?!" Gulat kong sambit.

"McKinley Hill Village Megan babe. Come here. Pretty please."

Blessing in disguise. Thank God. I'm just within the area kaya agad akong nagdrive papunta roon. Thank God talaga. Hindi nagtagal ay nakarating agad ako sa village na sinasabi niya. Hiningian ako ng ID bago ako tuluyang makapasok roon. Hindi ko naman alam kung saan siya pupuntahan dito. Naka-tatlong ikot na ata ako bago ko mamataan ang isang maputing babae na namamaypayan sa isang parke. Agad kong itinigil ang aking kotse sa isang gilid malapit sa kaniya.

"Meeeeeeeegggggg." Tili niya sabay biglang akap sa akin.

"Ghad. You're so tagal. Like iitim na ako there under the sun. What took you so long." Inarte niya.

"Hindi mo naman kasi sinabi kung saan kita mismo pupuntahan. Pasensiya na." Nahihiya kong sambit.

Tumawa siya dahil sa sagot ko. "Ghad. It's okay lang Meg. Tara na dali. It's so hot here. I'm starving na pati. Let's go to the house na. I'm so excited." Tumatalon talon pa siya bago sumakay ng aking sasakyan.

Tinuro lang siya sa akin ang direksiyon ng bahay nila rito. Bahay raw ito ng lolo niya na ipinamana sa kaniya. Kagagaling lang daw niya sa U.S. at ayaw na raw niyang bumalik roon. Hindi naman niya sinabi ang dahilan. Marami siyang kwento at doon ko nalaman na mas matanda pala ako ng isang taon kesa sakaniya. Sinabi rin niya na ilang beses pa lamang daw kami nagkita, hindi pa lalagpas sa lima at pareho kaming loner at walang mga kaibigan kaya naisip daw niya na tawagan ako. Hindi ko na inusisa kung paano niya nalaman ang numero ko. Muka naman siyang mabuting tao. Besides wala rin naman akong pupuntahan kaya mainam na sa kaniya ako sumama kesa sa iba.

"Don't worry Meg. I'll be a good housemate. Hati tayo sa mga gawain here. Hindi naman mahirap right kasi pareho naman tayong girl." She giddly said.

"Uhm... wait. How about your family nga pala? Sorry. I forgot." Natigilan niyang sinabi.

"I'm homeless Trix. Mag-isa nalang rin ako kagaya mo. Walang maghahanap sa akin kahit dito pa ako tumira." Hindi ko na napigilan sa pagtulo ang mga luha ko.

She hugged me while tapping my back. Parang nakahanap ako ng kakampi sakaniya. My family left me here all alone, kaya laking pasalamat ko pa rin na mayroong tao na dumating na tila sinalo ako sa lahat ng problema ko. Trixie is not even my relative, not even a friend; isang tao na iilang beses ko pa lamang nakita pero ngayon siya lamang ang mayroon ako. Sobrang blessing in disguise ng pag-uwi niya dito sa Pilipinas.

Natulog lang kami ng gabing iyon. Hindi pa maayos ang bahay pero malinis naman. Kaya sa sobrang pagod at emosyon ay nakatulog din kami agad pareho. Kinabukasan ay sabay kaming nag-enrol sa isang University. Late na kami sa enrolment period pero maswerte na tinanggap pa rin kami pareho. Isang taon ang tanda ko kay Trixie pero since galing siyang U.S. at mas advance doon ay pareho lang kami na nasa first year college na ngayong taon.

"Akala ko ay susungitan pa tayo nung girl sa Registrar." Tawa niya habang papalabas na kami ng campus.

"She got scared siguro nang mabasa niya name ng parents natin sa Registration Form. Ayaw pa niya tayong pansinin nung una and I thought she won't grant the scholarship kahit we got high grades sa exam." Dagdag pa niya.

Ngumiti lamang ako ng tipid.

"Anyway, where do you want to eat ba? I am so famished and let's go to supermarket later... let's buy stocks for our food." Tumingin siya saglit sa akin na tila nag-iisip. "You can cook right?" Tumango lang ako. "I don't want processed food kasi. Thank God you can cook."

That day went well. We bought stuffs from supermarket, anything na pwedeng stock sa bahay. Bumili rin kami ng mga ilang gamit gaya ng rice cooker at mga ilang panluto. Nahihiya man ako kasi si Trixie lahat ang nagbayad ay wala naman akong magawa. Bukas ko pa plano mag-aaply sa kahit anong pwedeng pasukan na tumatanggap ng part-timer. Buti na lang at pumayag siya na hati kami sa mga nagastos niya at babayaran ko din siya kapag nagkapera na ako.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon