Chapter 39

36 1 0
                                    

"Sabi ngang hindi. Bakit ba paulit-ulit ka?" Naiinis na sumalampak si Klark sa sofa.

Nagsisimula na namang magtubig ang mga mata ko. "Totoo naman kasi. Tignan mo." Turo ko sa sarili ko.

Napahilamos si Klark sa mukha. "Hindi nga. Kanina pa natin 'yan pinagtatalunan. Lika nga dito... ugh hirap mag-alaga ng buntis." Bulong niya sa mga huling salita.

Hindi ako lumapit sa kaniya kaya bigla siyang tumayo. "Hindi ka nga mataba, may lamang bata 'yang tiyan mo kaya malaki. 'Wag ka ng umiyak." Pag-alo niya sa akin.

Bigla akong napahikbi. "Ang pangit pangit ko na."

Hinawakan niya ako sa balikat. "Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin. Buntis ka lang pero hindi nagbago ang pagtingin ko sa'yo."

Ngumuso ako habang tumitingin sa kaniya. "Talaga? Kahit ang taba taba ko na tapos ang itim pa ng batok ko saka kili kili." Muli akong napahikbi.

"Oo. Kahit pa ang kulit kulit mo at nakakainis na 'yang pagiging paulit-ulit mo. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Tahan na ha. Malapit ka ng manganak pero ang tindi pa din ng mood swings mo."

Sinamaan ko siya bigla ng tingin. "Mood swings ha?" Hinampas ko siya sa braso. "Lumayo ka nga sa'kin. Naiirita na naman ako sa mukha mo."

Napabuntong hininga siya at napakapit sa kaniyang magkabilang pisngi. "Hayyy."

Kabuwanan ko na. Ayon sa sabi ng doctor ay sa susunod na linggo na ako manganganak at excited na ako na may halong kaba. Ang hirap kumilos 'pag buntis kahit simpleng pagyuko hindi ko magawa lalo pa at ang laki laki na ng tiyan ko. Napakatakaw kumain ni baby simula noong unang buwan hanggang ngayon para akong laging gutom kahit kakatapos ko lang kumain.

"Big sister when will the baby come out from your tummy?" Kuryosong tanong ng kapatid ko habang nakaupo kami dito sa may sofa, hinihimas himas niya ang aking tiyan.

Iniwan siya dito ni mom kasama ang nanny niya dahil sobrang kulit kulit na ng bata na 'to. Takbo daw ng takbo sa opisina at lahat ng tao ay kinakausap kahit oras ng trabaho. Nahihirapan daw ang ilan dahil bukod sa Ingles ang nakasanayan na wika ng kapatid ko ay may follow-up question pa daw parati at tila hindi nauubusan ng itatanong.

Isinubo ko muna ang piraso ng mansanas na nasa kamay ko. "Maybe next week. Tapos 'pag big boy na si baby, you'll play together."

Kinapitan niya ang kaniyang baba na tila nag-iisip. "But... he will be like this pa right 'di ba? Like this little." Pinagtapat niya ang kaniyang mga kamay na tila nagsusukat.

Tumango lang ako at ngumiti bigla kasi akong nakaramdam ng kung ano. "Baby... come out na from big sister's tummy so we can play na. I don't have any playmates here."

As if on a cue ay bigla na lang akong napasigaw. "Klarkkkkkkk. Manganganak na ata ako."

Humahangos si Klark galing sa kwarto. Nang malaman niyang kabuwanan ko na ay hindi na muna siya pumapasok sa opisina. Mahirap daw kasi na wala akong kasama dito sa bahay. May kinuha naman siyang katulong pero karaniwan ay taga luto lang at taga linis dahil nga hirap na akong kumilos.

"Kukunin ko lang ang bag at ang susi ng kotse. Hinga ka lang ng malalim Boss. Kalma lang ha." Dali dali niyang sinabi bago bumalik sa kwarto.

Takang taka ang kapatid ko sa nangyayari kaya agad siyang kinuha ng kaniyang nanny. "The baby will come out na?" Nang marealize niya na manganganak na ako ay bigla siyang napa'palakpak. "The baby will come out na! I will call mom. 'Nay Ester call mom po."

"Klarkkkkk." Sumigaw akong muli dahil biglang namilipit muli sa sakit ang tiyan ko.

Dali dali kaming nagpunta sa parking at maya't maya ang pag-uusap ko kay Klark. "Bilisan mo. Napasakit na ng tiyan ko." Singhal ko sa kaniya. "Ghad. Klark ano na. Drive faster." Nang makita kong pumutok na ang panubigan ko. Tahimik lang siya at patuloy na nagmaneho.

Agad akong dinala sa emergency room nang makarating kami sa ospital. "Klarkkkk. Humanda ka sa'kin pagkatapos nito." 'Yan ang huli kong naalala bago ako mawalan ng malay.

"Napaka-cute na baby."

"Mata lang ata ang nakuha sa'yo anak."

"Mom."

"Look dad. I'll have a playmate na."

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid. "Oh! Gising na pala si Meg." Sambit ni tita Kaye na ngayon ay kasalukuyang katabi ni Klark.

Nakita kong buhat buhat ni mom ang anak ko at sa tabi niya ay si dad na kandong kandong si Maven. "Hija. Mukhang gutom na ang baby." Ini'abot niya sa akin si baby.

Tumayo si Klark at lumapit sa akin. "Kaleb ang ipinangalan ko sa anak natin." Ngumiti siya, 'yong ngiting halata na masayang masaya siya. "Naalala ko kasi na 'yon ang gusto mong pangalan. Ginawa ko lang na K instead of C. Para naman kahit papano ay may makuha sa'kin." Kumunot ang noo ko. "Kamukhang kamukha mo si baby, halatang mahal na mahal kita habang ginagawa natin siya."

Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Tumigil ka nga. Nandiyan sila mom oh." Paalala ko dito.

"Nahihiya pa rin 'yong Misis ko. Cute mo." Pinisil niya ang aking pisngi. "Salamat ha, for this and for everything. Sobrang saya ko Meg. Sobra." Hindi nakatakas sa akin ang pagtutubig ng kaniyang mga mata. "Seeing you with our child makes my heart so contented and so happy." Hinawakan niya ang mga kamay ko, dahil pinapadede ko si baby ay tila buhat buhat din niya ito. "Alam kong medyo huli na ako para dito." Napakamot siya ng ulo at tumingin sa mga tao sa paligid namin.

"Tita Margarette, Tito George, Maven at Mom. Gusto ko pong marinig niyo ang magiging pangako ko sa mag-ina ko." Nagulat ako sa biglaang pagluhod ni Klark. "Meg and baby Kaleb, pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa inyong dalawa. Kayo ang magsisilbing lakas ko mula ngayon sa lahat ng gagawin ko sa buhay. Mamahalin ko kayo at aalagaan habang buhay." Tumigil siya sandal at may dinukot sa kaniyang bulsa dahilan kung kaya't nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko. "Boss... Sa lahat ng pinagdaanan natin, maraming salamat at muli mo akong tinanggap sa buhay mo. Bihira ko mang marinig sa'yo ang mga salitang Mahal Kita o I Love You, alam ko at ramdam ko ang pagmamahal mo. Kaya ngayon... Will you allow me to be with you forever, through thick and thin; through sickness and in health? Will you marry me again Misis Ko?"

Hindi ko na napagilan ang pag-iyak. "Of course. Yes Klark." Isinuot niya sa akin ang singsing, hinalikan niya sa ibabaw ng ulo ang anak namin bago ako dinampian ng halik sa labi. "I Love You Meg, always."

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon