Chapter 37

32 1 0
                                    

Ni hindi man lang kami nakakain dahil bigla kaming dumiretso dito sa kwarto. "Hubad." Utos niya matapos naming makapasok dito sa kwarto.

"Anong sinasabi mo?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Humakbang siya papalapit sa'kin. "Ang sabi ko hubad." Bulong niya sa tainga ko dahilan upang kilabutan ako at magtayuan lahat ng balahibo sa katawan ko. "Gusto mo ba ako pa maghubad sa'yo?"

Umatras ako nang umatras hanggang sa wala na kong maatrasan. "Nababaliw ka na ba Klark?" Singhal ko sa kaniya.

"Baliw na baliw... Sa'yo." Sinunggaban niya ako ng halik.

Gusto ko siyang itulak pero hindi ko maitatanggi na na-miss ko siya. "Ugh. Namiss kita." He said in between his kisses while his hands are busy undressing me. The next thing I knew, nagising na naman ako na masakit ang buong katawan ko habang nakangisi at tila tuwang tuwa ang katabi ko.

"Ang plano ko mag-uusap." Irap ko sakaniya habang sumasandal ako sa headboard ng kama.

Niyakap niya ako sa baywang at inilapat niya ang kaniyang ulo sa aking tiyan. "Nag-usap naman tayo... body language." Natatawa niyang sinabi. "Buti nga at hindi ako pabebe gaya mo."

Hinampas ko siya sa braso. "Patay na patay ka kasi sa'kin."

"Hindi ko naman tinatanggi." Umayos siya at sumandal din sa headboard gaya ko. "Kaya nga nung sinabi ni kuya na tapos na kayong mag-usap at plano mo akong puntahan... naligo ako agad. Tinagalan ko pa pagligo pero nauna pa din ako sa'yo sa parking."

Tumingin siya sa direksyon ko. "Siguro kabang kaba ka kasi hindi ka naman sanay mag-sorry. Kaya naisip ko, magpapabebe pa ba ako? Hindi mo pa naman ugaling maghabol. Baka mamaya niyan bigla ka na namang mawala." Hinawakan niya ang kaniyang baba na tila nag-iisip. "Tantsa ko mga isang buwan buntis ka na. Sasabihin ko na lang kina mom na pinikot mo 'ko." Bigla siyang natawa.

"Hoy! Anong pinikot!" Alma ko.

"Hindi ka naman tumanggi kagabi... nag-enjoy ka pa nga. Gusto mo ulitin natin?" Pilyo niyang sinabi kaya pakiramdam ko ay bigla akong namula, nag-init kasi ang buo kong mukha.

"Kunwari ka pa... kagabi nga panay sigaw mo ng Klark please..." Dagdag pa niya.

"Magluluto muna ako. Kainis ka." Tumayo na ako at nagtungo sa kusina.

Kasalukuyan kong inaayos ang mesa nang magpunta dito ang bagong ligo na si Klark. "Bakit ayaw mong naliligo sa banyo sa kwarto 'pag nandoon ako?" Takang tanong niya bago umupo.

"Baka kasi hindi ako makaligo ng ayos gaya noong nakaraan. Bigla bigla kang pumapasok." Inirapan ko siya.

Uminom siya ng tubig at tumawa. "That's the real plan." Sabay na tumaas ang kilay niya habang nakangisi.

"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na diyan, kung anu-ano na naman naiisip mo." Suway ko sa kaniya.

Isang buwan na lang at magbubukas na ang isang branch ng resto namin. Ang tagal ko ding pinag-aralan ang lahat. Uuwi ang pamilya ko sa mismong opening kaya mas tensyonado ako ngayon dahil ito ang unang branch na magbubukas under my management. Mas ginagabi ako ng uwi ngayon kumpara noon dahil sinsigurado kong magiging maayos lahat at hindi magkakaroon ng anumang aberya.

"Hija, kumusta?" Bungad ni mom ng sagutin ko ang tawag niya. "Pumapayat ka ata." Puna pa niya.

"Medyo pagod lang siguro mom. Kayo po kumusta diyan?" Umupo ako at hinagod ang ulo ko.

"Ayos lang kami dito. Ikaw? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Opo mom. Pagod lang po."

Kada araw ay mas nararamdaman ko ang pagod. Hindi naman ako mabilis mapagod pero nitong mga nakaraan ay tila antok na antok ako palagi at pagod na pagod.

"Boss. Don't overwork." Ani Klark nang minsang sunduin niya ako at naabutang tulog sa opisina.

"After ng opening magpapahinga ako promise." Hinalikan niya ang gilid ng noo ko.

"Sabi mo 'yan ha." Aniya habang papalabas na kami ng opisina.

Isang linggo na lang at opening na kaya kahit masama man ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ding bumangon at dali daling nagpunta sa banyo upang maligo. Nararamdaman ko din kasi ang pagbaligtad ng sikmura ko.

"Boss... ayos ka lang?" Nag-aalalang katok ni Klark.

Hindi ako nakasagot dahil naramdaman ko na naman ang sikmura ko kaya agad akong naduwal.

"Ayos ka lang ba?" Naramdaman ko na lang ang paghagod niya sa likod ko.

Tumingin lang ako sa kaniya bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Nag-aalalang mukha ni Klark ang sumalubong sa akin nang magising ako.

"Hindi ka muna papasok." Seryoso niyang sinabi.

"Hindi pwede. Next week na ang opening." Protesta ko. Masakit ang ulo ko kaya hindi muna ako bumangon.

"Ako na muna ang bahala sa lahat." May kung ano sa mga tingin niya. Takot at pangamba?

"Ayokong mangyari ulit ang nangyari noon. Kaya please lang Meg magpahinga ka na lang muna." Pakiusap niya.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Tumawag ako sa mom ko at uuwi sila sa susunod na araw kasama ang pamilya mo." Pansin ko na tila hindi siya mapakali dahil pabalik balik siya ng lakad. "Galing dito ang doctor na kaibigan ni mom." Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Tapos? Ituloy mo Klark. Ang dami mong paliguy-ligoy." Naiinis kong singhal sa kaniya.

"Ipa'plano na ang kasal natin kasi... pinikot mo ako. Ang bata ko pa Meg." Halata naman na nagdadrama lang siya dahil hawak hawak pa niya ang dibdib niya at may pag-alog pa ng balikat siyang nalalaman. "Paano na ang mga pangarap ko." Dagdag pa niya.

Umirap lang ako sa kawalan. "Hindi bagay sa'yo, mukha kang bakla."

Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya, sobrang lapit mga tipong isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. "Sinong bakla ha??"

"Ikaw." Kibit balikat ko at hindi nagpa-apekto sa kaniya.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumampa sa kama at akmang dadaganan ako. "Bakla ba Meg? Gusto mo bang gawin kong kambal 'yang laman ng tiyan mo?" Nakangisi niyang tanong habang umaayos ng higa sa tabi ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa tiyan ko. "Magiging isang pamilya na tayo Meg. Ikaw, ako at ang magiging anak natin."

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon