Chapter 22

30 1 0
                                    

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Drew sa kaniyang condo. Nakauwi na ito kaninang umaga mula sa ospital. Pagkagising ko kasi kanina ay agad kong nabasa ang kaniyang mensahe na nakauwi na siya at sa kaniyang condo na lamang kami magkita. Dahil maaga naman ako laging nagigising ay nag-asikaso muna ako sa bahay, naligo bago tuluyang umalis.

Mag-a'alas dose na nang makarating ako sa building kung saan naroon ang kanyang unit. Kilala naman ako ng gwardiya dito kaya hindi ako nahirapang makapasok.  Nai-text ko si Drew na nandito na ako para naman hindi siya mabigla sa aking pagdating. Nakaka-dalawang katok pa lang ako ay nabuksan na niya ang pintuan ng kaniyang unit. Amoy na amoy ko mula rito ang niluluto niyang pagkain.

"I know that you love to eat pasta. Let's go." Nakangiti niyang pag-aya sa akin papunta sa kaniyang kusina.

Kung titignan si Drew ay tila wala itong sakit dahil sa pagngiti niya at pagkilos na tila walang iniinda. Pero kapansin-pansin din ang kaniyang pagpayat. Fitted ang suot niyang shirt ngayon kaya halatang halata na pumayat nga siya. Kitang-kita rin ang paglamlam ng kaniyang mga mata at ang pagkakaroon ng eyebags hindi dahil sa puyat kundi dahil sa stress at malamang dahil ito sa sakit niya.

Tahimik kaming kumain. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kaya mas pinili ko na lang din na tumahimik. Wala rin naman kasi kaming pag-uusapan. Noong nakaraang buwan ay tinapos ko na ang kahit anong ugnayan ko dito pero ngayon ay nandito ako sa harapan niya at kasabay pa itong kumain na tila walang nangyari. Gusto ko mang burahin sa buhay ko si Drew ngayon ay hindi pwede, alam kong kailangan niya ako at aaminin ko siya pa rin ang naging matalik kong kaibigan noon. Pero sigurado ako na wala na akong nararamdaman para rito, kaya nagdalawang-isip man ay nandito pa rin ako handa siyang tulungan sa abot ng aking makakaya.

"Masarap ba?" Nakangiti niyang tanong nang mapansin niyang tapos na akong kumain. Tango lamang ang naisagot ko.

"Sorry ha? For dragging you into this." Suminghap siya at tila nahihirapan na ituloy ang pagsasalita kaya nginitian ko siya at kinuha ang kaniyang kamay.

"Huwag mo nang isipin iyon." Kinakabahan man ay hinaplos ko ang kaniyang mga kamay. "Sino pa ba ang magtutulungan 'di ba? Kundi ang magkakaibigan." Muli akong ngumiti. "Alam ko namang kung may choice ka ay hindi ako ang tatawagan mo." Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Ikaw 'yong tao na hindi mahilig humingi ng tulong sa iba. Kaya 'wag mo nang isipin masiyado ha? Wala naman akong ibang maitutulong kundi 'yong ganito, kumbaga moral support lang." Tumawa ako para hindi mahalata ang kaba.

Nagulat ako nang tumayo siya at bigla akong niyakap. "Thank you, Meg, and sorry for everything." Tila naiiyak siya nang sinasabi niya iyon, hindi ko makumpirma dahil lumuhod siya sa harap ko habang nakasiksik sa leeg ko kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.

Tila tuod ako sa aking pwesto at hindi alam ang gagawin dahil sa gulat. Nag-aalinlangan kong tinapik tapik ang kaniyang likod. "Don't worry about it." Simple kong sambit.

"Please don't leave me. Ikaw na lang ang mayroon ako." Hindi man niya kita ay tumango na lamang ako. Nakumpirma ko na umiiyak nga ito dahil medyo gumagalaw na ang kaniyang balikat. Tila isang bata na umiiyak sa'kin si Drew. Wala akong magawa kundi ang haplusin ang kaniyang likod at hayaan lang siyang umiyak.

"Hindi ko alam kung gagaling pa ako. Natatakot ako Meg." Tila batang pagsusumbong niya.

"Gagaling ka Drew. I am here to help you okay?" Iniharap ko siya sa akin at pinunasan ko ang kaniyang mga luha. "Trust me gagaling ka ha?" Tumango siya pero hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha kaya bawat patak ng luha niya ay siya namang punas ko dito.

"Stop crying na. Tignan mo pumapangit ka na kakaiyak." Biro ko kaya bigla lang niya akong sinamaan ng tingin.

"You're so mean talaga kahit kailan." Irap niya bago muling umupo.

Natatawa ako habang umiiling saka siya inabutan ng tubig. "Here. Inumin mo muna. Ang dami mong iniyak." Tawa ko.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at muling umirap. "Isang irap mo pa Drew sasabihan na kita ng bakla." Muling tawa ko.

Naalarma ako nang bigla itong tumayo at hinila ako papunta sa kaniyang sala. "What did you say?" May pagbabanta sa boses niya nang bahagya niya akong itulak sa kaniyang sofa. Panay lang ang usog ko kasi tila ito isang toro na handang manungod, nakasimangot at nakakunot ang noo habang patuloy na umuusog sa gawi ko. "Ano ulit sabi mo Meg?" Ulit niya.

"Wala naman akong sinasabi. Ano mag-ayos ka na ganun kasi magpupunta pa tayo sa doctor." Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. "Tama, mag-ayos ka na para makapunta na tayo sa doc...tor." Siniglahan ko ang boses ko pero halata ang aking kaba dahil nautal ako bigla.

Panay pa rin ang usog niya sa gawi ko at nang magkaharap na kami at magkalapit ay bigla na lang akong napapikit. Hindi ko rin alam pero bigla na lang talaga akong napapikit dahil sa nararamdamang kaba ngayon. "Sorry." Aniya matapos tumama ng labi niya sa aking pisngi dahil bigla akong umiwas ng direksiyon.

Halatang halata ang gulat ko dahil bigla akong napamulat. Sobrang nakakalunod ang nakikita kong emosyon ngayon sa mga mata ni Drew, hindi ko maipaliwanag. Hindi pa man ako nakaka-recover sa ginawa niya ay akmang muli niya akong susubukan na halikan. "Please tell me to stop Meg." He said.

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon