Once upon a time, in not so distant past, in a far away land, there live a boy and a girl. ... chos!
Eniweys, eto na po ang unang pagsilip sa ating mga bida. Where? Sa St Andrews Field National High School somewhere over there in Metro Manila.
Opo, tama ang basa n'yo sa Mataas na Paaralan ng San Andres Bukid.
Isang maaliwalas na umaga ng Marso....
Sumenyas si Mrs. Flores.
Sshhhh.... (A/N: complete with sound effect)
Biglang tumahimik ang klase na kanina ay hindi magkamayaw sa sigawan at palakpakan.
Oras na para sa announcement ng top two honors. Salutatorian and Valedictorian.
Parang sa mga contest lang sa TV na dalawang candidates na lang natitira. Alam mo na kung sino ang valedictorian kapag na-announce ang salutatorian. Gano'n kahigpit ang laban na walang tulak-kabigin.
Kahit sino puwede. Weather-weather lang. Palitan lang sila ng first honor mula 1st year High School.
Kaya lang sa TV, magkahawak-kamay ang top 2 candidates. Dito sa Science section ng 4th year class ng San Andres Bukid National High School, uhm, hindi puwede.
Doon ka, dito ako ang peg. Nasa magkabilang dulo sila ng classroom.
A/N: Haler, siyempre! Alphabetical order ang ayos ng upuan. At disclaimer, wala pa pong K+12 nito. Okay, huwag nang masyado sa pa-effect otor. I-announce na ang dapat i-announce.
"Ready na kayo, class?"
Class, altogether now. "YES, MA'M!!!"
"Masyadong mahigpit ang naging labanan. Nagkatalo lang sa finals. With an average grade of 98.1...."
Katahimikan.
"Pinapaalala ko lang class, important ang decimal point sa school year na 'to. Gano'n ka-close ang laban."
Silence. Yes, english pls. Sasabihin mo ba ma'm o sasabihin mo?
"..... O eto na, our Salutatorian for the school year 2002-2003 is...... "
Drum roll please.......
"Nicomaine C. Mendoza"
Hindi napigilang bumagsak ang balikat ni Menggay nang very very slight, medyo hindi niya naramdaman ang tapik sa balikat ng mga kabarkada. It hurts, you know. Slight lang
Dahil tuluyan nang lumipad na palabas ng bintana ang kanyang full college scholarship, kasama ang kanyang pangarap na kurso. Ayun o, nagbabay pa!
Hindi umubra ang dami ng extra-curricular activities niya kumpara sa pagbabad ng karibal niya sa library. Mukhang tama nga ang bali-balita na halos na-perfect ng mokong ang mga final exams sa lahat ng subjectssss.
Wait!!! Si Mendoza, susuko? Nungka! Okay, mga ilang segundo lang naman, siyempre bangon agad-agad!At bakit ako maaawa sa sarili ko?
Projection lang yan. Taas ang noo, shoulders straight, stomach in, chest out. Keri yan, Mendoza. Magagawan ng paraan ang kurso at scholarship.
So just like the trooper that she is, tumayo si Meng, ngumiti, kumaway-kaway sa mga fans at nag-bow. Sa graduation na ang speech, yun e kung hindi overtime ang speech ng valedictorian.
Sa kabilang parte ng classroom, tahimik lang na napangiti si RJ.
Sa wakas ay nagpakita ang biloy (dimple) habang automatic na itinaas ng mga katabi ang dalawang kamay bilang simbulo ng tagumpay. Halos hindi na marinig ang final grade niyang 98.6 sa malakas na sigawan ng buong klase.
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.