A/N: Nagtingin po ako ng comments ng kab. 38 at aba tinamaan ng magaling! Hindi ko akalain na Feb. 2019 po pala ang huli kong update! 1 taon at 4 na buwan. Record-breaking sa tagal. Pasensiya po talaga.
At dahil nga po dito, susubukan ko pong maglabas kahit mailing update - sana, sana, minsan sa isang linggo. Yan po ang excuse letter ko sa sabaw na kabanatang ito. May tutumbukin po tayong anggulo ng istorya, abang-abang lang. Tandaan, pag may tiyaga, may kabanata. (imbentong salawikain)
-------------------
Sa bahay ni Kapitan na iniisipan pa ni otor ng pangalan
(A/N: Otor, magsabi ka ng totoo, bakit parati kang may problema sa pagpangalan ng mga kontrabida sa istorya mo? walang kapalya-palya! Kapitan A-Ba-Ka na lang kaya? Nagets n'yo?)
Sandaling iniwan ni Kapitan at ng dakilang maybahay nito ang mga dayong bisita sa sala nang dumating ang kanyang mga tanod.
Nagkatinginan ang apat na bisita ni Kapitan, walang nagkikibuan. Mahigpit ang hawak sa kanya-kanyang backpack at ilang kahong dala-dala.
Ilang sandali pa ay muling pumasok si Kapitan, minus Kapitana, pero kasunod ang isang tauhan.
Tiningnan niyang isa-isa ang mga dayo. Tatlong babae at isang lalaki. Lalaki nga ba ire? "Saan ga naputol ang usapan natin? Ano na nga ang sadya n'yo? Mga boluntaryong guro nga ba kayo? Bakit wala naman yata kaming natanggap na pasabi galing sa munisipyo?"
Tumayo ang mukhang lider ng grupo. "Ayun na nga po, Kapitan. Uulitin po namin ang kuwento. Magpapakilala po kami isa-isa. Ako po si Maria Nikita Hatid-Dumapit, titser Marikit for short. Meron po kasing programa ang Department of Education ng pagtuturo ng pagbabasa sa mga adulto. Dapat po ay sa kabilang baryo lang ang tungo namin pero sumobra po ang nag-volunteer na teachers kaya nagbakasali po kami na tumuloy dito para huwag masayang ang biyahe. Yun ay kung tatanggapin n'yo po kami."
"Wala namang kaso binibining Marikit, dangan nga lang at sabi nga ng mga dayuhan ay rong tayming kayo."
Nagsalita ang isang kasama ni titser Marikit. "Ha? Bakit po wrong timing? May problema po ba? Naku huwag n'yo naman po sana kaming pauwiin agad, Kapitan at masakit pa po mga katawan namin sa paglalakad ng ilang oras mula kahapon. Kahit po abakada lang maituro namin, okay na po. Diba mga kasama?"
Sinenyasan siya ni Titser Marikit. "Magpakilala ka."
"Ako po pala si titser Edgar Allan Poe, hindi po kamag-anak ni Fernando Poe Jr. pero puwede na rin poe."
"Ako naman po si Gabriela Sumilang, titser Gabby po ang palayaw ko. Maituloy ko lang po ang sinasabi ng mga kasama ko, Kapitan. Hindi n'yo po naitatanong, alas-kuwatro pa lang po ng madaling-araw nang umalis kami sa kabilang baryo. Hindi pa po tumitilaok ang manok na naka-morning shift. Kaya po pagbigyan n'yo na kami. Unang beses lang po ba may mag-volunteer teaching dito? Kung hindi po handa ang mga matatanda, baka po puwedeng makausap na lang namin ang mga titser sa eskuwelahan dito para po mailatag lang ang plano."
Biglang napatayo si Kapitan. "Iisa lang ang guro namin dito. Teka, bakit hindi n'yo alam 'yon? At bakit mga matatanda ang gusto n'yong turuan? Ano ang nabalitaan n'yo? Sino talaga kayo! Siguro mga espiya kayo na padala ng munisipyo!" Bumaling si Kapitan sa kanyang tauhan. "Halughugin ang mga gamit nila!"
Oooops...
Sa wakas ay nagsalita ang kanina pa nanahimik na miyembro ng grupo. "Mawalang-galang na po, Kapitan. Aaminin po namin hindi namin alam kung ilan ang teachers dito sa baryo Canaway. Hindi po namin naitanong sa DepEd."
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.