A/N: Ang pag-ibig, minsan parang Diesel. Mabagal sa umpisa pero meron ding arangkada. Pero madalas din bago ang arangkada, may pabebe muna. Oo, pag-uuntugin na natin sila, malapit na malapit na.
==================
Kamay sa dibdib, huminga nang malalim si Menggay at sinamyo ang ihip ng sariwang hangin.
Isa sa paborito kong gawin kung may tsansa ay maglakad sa tabing dagat.
Katulad ngayon, naglalakad nang nakapaa habang ineenjoy ang buhangin sa baybayin ng General Nakar kaharap ang Pacific Ocean.
Bihira lang 'tong mangyari.
Yung may matanggap kang mysterious invitation na pumunta dito sa beach para sa isang surprise. 'Please honor me with your presence'. Pamilyar ang sulat-kamay, pero hindi niya lang ma-pinpoint.
Sabi nga ni teacher Poleng, 29 na ko. Wala namang mawawala kung paunlakan bago ako mawala sa kalendaryo. Bawal na ang pabebe. Malay mo, si Mr. Right na.
Ang sarap sa pakiramdam ng tubig-dagat sa paa, ang marahang paghampas ng alon sa dalampasigan. Manaka-nakang nakakabasa sa laylayan ng suot kong dilaw na sundress na lampas tuhod, samantalang hinahampas din ng hangin ang nakalugay kong buhok. Maiba naman sa karaniwan kong get-up bilang teacher.
At dahil ang beach na 'to ay nasa silangan, hindi kita ang paglubog ng haring araw sa kabila ng mga kabundukan pero tagos ang mapulang kulay sa kalangitan. Perfect.
Ilang minuto na rin akong naglalakad nang sa di kalayuan ay may narinig akong music, string quartet kung hindi ako nagkakamali. Kung uulinigan ko, may violin, isang flute at classical guitar. Hmmm....
Ang bongga naman! Eto na kaya 'yung surprise? Pero pa'no nalaman ng mysterious na nag-invte na dream kong makarinig ng string quartet?
Teka, tama ba ang dinig ko sa tinutugtog? hmmm... mmm.... Ano 'to? Awit ng Barkada ng Apo Hiking Society? Naku! E huli ko yatang narinig 'to nung High School Closing Party namin a!
Kailan naman naging romantic ang Awit ng Barkada? Kanino kayang playlist 'yan? Sayang, sana man lang ginawang love song ang tugtog, mga tipong Perfect ni Ed Sheeran, gano'n!
But wait, there's more.
Wow! Ano 'tong natatanaw ko? May parang nababakurang space tapos may arko na nababalutan ng iba't-ibang kulay ng roses, nakikipag-agawan ng kulay sa malarosas na langit. May kulay red, pink, peach, white at yellow. Tapos, may setup ng isang round dinner table for two sa gitna. Pati yung pagkain na nakahain, kumpleto kasama ang champagne with wine glasses.
Ay ang sosyal!
Kung sino ka mang mystery man ka, ang dami mo ng pogi points. Natumbok mo ang dream date ko ... Sunset Dinner by the seashore lighted by the light of a candle .... este teka, ano yang nasa gitna ng mesa? Rechargeable lamp? At kailan pa naging romantic ang Rechargeable lamp? Energizer ba battery niyan? Bakit hindi man lang ginawang kandila para naman mas dreamy ang dating?
O well, nag-balance out lang. Overall, romantic pa rin ang setup.
Yung ka-date na lang talaga ang kulang.
Lord, bilang binigay mo na ang dream date ambiance, puwede bang si Mr. Right Ideal Man na rin ibigay mong mysterious man na nag-invite? Oo, Mr. Right na, Ideal Man pa. Baka lang naman.
Tumango ang mga tumutugtog sa kanya na pawang mga naka-barong.
Ano ba, uupo na ba 'ko, sasayaw ba 'kong mag-isa sa saliw ng musika, iikot-ikot dito? Ako lang bang mag-isa? Dalawa naman ang upuan. Ano? Meron bang do's and don'ts?
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.