1 - Pasakalye

2.4K 232 45
                                    

A/N: Patawarin po muli ako ng mga kaklase at kamag-anak kong kinuhanan ko ng pangalan.

Eto na nga, pasencia po at nakatulugan ko kagabi. Ituloy muna natin ang pasakalye habang binubuo pa ang cast of characters. Kulang pa po ako ng mga pangalan, baka may gusto kayong i-volunteer. Huwag lang yung mga tipong cordafia.

Ituloy po muna natin ang ating pasakalye.

Ang nakaraan.....

"Pa'no kung ang sagot ko Oo, doktor ako?"

Saglit na natigilan si Menggay. Beri beri slight lang pero nakarecover din. Tingnan ka ba naman nang gano'ng ka-intense. "E di wow! Ikaw na ang pinagpalang magka-PhD!"

Kaya lang hangin na lang pala ang kausap niya, dahil yung isang hakbang ng mama e isa't kalahati para sa kanya. Yung takbo pa kaya?

"Huy teka! Ano'ng klaseng doktor ka?!?! Estudiyante ko yannn!!!"

Likod na lang ni Faulkerson ang nakita niya, sinusundan ang tumatakbong si Maricel papunta kay Baby Amy.

Hindi naman kalayuan ang pinatayo nilang CR sa likod ng school pero may 100 metro din ang layo. At medyo pataas dahil nasa burol nga sila.

(A/N: Opo, burol sa tabi ng bundok Tralala pa rin. Naghahanap pa po ako ng probinsya na paglalagyan ng ating rural school. Yung makatotohanan dahil serbisyong totoo lang.)

Medyo hinihingal pa si Menggay nang madatnan ang mestisong hilaw na 'doktor' daw na ini-eksamin na ang naglalatang si Baby Amy na ngayon ay nakasandal sa may puno at nakaupo sa damuhan. (A/N: Otor, hiningal ako sa pagbasa ng sentence na 'to. Sino ba ang filipino composition teacher mo nung high school?)

Oo, mestisong hilaw dahil hindi yata nasisikatan ng araw. Mamaya na i-evaluate ang histura, si Baby Amy Pot muna.

Lumuhod siya sa tabi ng pasyente at tinabig nang kaunti ang katunggali. "Tumabi ka diyan! Hindi mo nalalaman ang ginagawa mo. Carlo! Ang first aid kit. Bilis!"

"Ma'm eto po." Sabay abot sa isang maliit na bag, kumiskislap ang estrelya sa mga mata habang tinitingnan ang titser.

"Nanay! Nanay ko! Ang sakit ng tiyan ko!" Awang-awa si Meng sa palahaw at iyak ng 8-taong gulang na bata. Pinatawag na rin niya ang nanay pero malamang matagalan dahil alam niyang may patanim sa bukid ngayon.

Hindi makapaniwala si Ricardo na naitulak siya.

Oo, tulak yon. Nalimutan niyang athletic nga pala 'to nung high school. Hindi naman siya tumilapon, pero muntik siyang tumama sa puno.

"Bebe Pot, ano'ng nararamdaman mo? Alin ang masakit sa 'yo? Tiyan ba? Papahiran ni teacher ng manzanilla ointment ha, mawawala na yan. YUNG PINAKULONG TUBIG NASA'N NA?"

Ano kayang decibel, yon? Natanggal yata tutuli niya. Time to put his foot down. "What are you doing?" Dahan-dahan niyang hinila ang mabilog na braso ng bata papunta sa kanya. "I was examining her nang dumating ka. It should be done the proper way!"

Aba at inglisero na ang mokong! Kaya mo rin yan Menggay. Kinuha niya ang isang braso ni Baby Amy. "As you can see, I'm trying to apply first aid here. Which is what the child needs." Kung may ilalaki pa ang mga mata niya, ginawa na niya. Yes, just to prove a point. Take that!

Sasagot pa sana si Tisoy nang biglang ......

"PRRRRRRTTTTTT!!! TIME-OUT!!!"

(A/N: Opo, pito na gamit ang dalawang daliri at ilalagay sa bibig. Kaya n'yo yon? Ako, hindi)

Isang humahangos na Ana et.al ang namaewang at humarap sa kanila.

Isang tingin lang sa eksena at alam na niya ang nangyayari. Walang kupas ang dalawa. "DIYOS KO, puwede ba magsitigil nga kayong dalawa? Ano kayo, High School?!? At excuse me, hindi manika yang hawak n'yo. Bata yan, batang namimilipit sa sakit ng tiyan!"

"Mag-iiscore na ba kami? Sino na leading?" Si Felipe na hanggang ngayon parang sa ilong pa rin lumalabas ang salita. Pero huwag ka, dentista na ang loko, kaya kung maka-smile, wagas!

Nahiya naman ang dalawang contestants, nagkatinginan. Sabay napayuko nang ma-realize na panoorin na pala sila ng kanilang dabarkads. Madlang people sana, but you know, No na lang.

"Walang mag-iiscore! Ano ba? Hindi 'to contest. Graduate na tayo ng High School. Me mga asawa't anak na nga kami o! Hindi ba kayo nahihiya sa mga bata dito?" Na-career yata ni madam Ana ang pagsermon.

Mukhang tumalab naman. Binitiwan ni Menggay ang braso ni Baby Amy saka pilit inaabot sa katabi niya ang bote ng Aceite de Manzanilla.

(A/N: Sa tagal gamit ng nanay ko, ngayon ko lang nalaman na ang Aceite de Manzanilla pala ay oil of chamomile pala. Salamat, Google. Taas ang kamay ng meron sa bahay nito.)

Taas noong naunang nagsalita si Titser Menggay. "Hindi ko alam kung doktor ka talaga. Pero I'll give you the benefit of the doubt. Sige, ikaw na tumingin kay Baby Amy. Ingatan mo lang." Complete with smile. Aber, tingnan natin ang galing mo, Faulkerson.

Hindi ba lumabas sa ilong yon? I can see through you, Mendoza. Gusto mo lang ako mapahiya. Itinaas niya ang dalawang kamay. "No, I realized that this is not a matter of life and death, yet. I shouldn't have over-reacted. Wala naman siyang lagnat. Home remedy can be applied. Ikaw na bahala. Be my guest."

Talagang guest ka lang dito. "Hindi, ikaw na talaga."

Binalik ni Ricardo ang manzanila ointment. "No, I insist." Nag-smile na rin siya. Yung litaw lahat ng ngipin sa harap, pero hindi abot sa mata.

Napa-facepalm si madam Ana. "Ngayon, nagtuturuan naman kayo! Ano ba talaga, kuya? Ano Geraldine, pag-uuntugin ko na ba 'tong dalawang 'to?"

"Maghunos-dili ka, madam Ana. Jack-en-poy na lang kaya sila? Best of three. Diba, bright idea? Very pinoy."

The choice was taken out of them when the girl winced in pain at nagmay-I-go-out again to the comfort room. Kahit gusto pa sanang manood ng ping-pong match, sinenyasan ni Meng na sundan ni Maricel ang bata.

(A/N: Ano, otor? English-Tagalog, Panchito-Dolphy lang? O itaas ang kamay ng may hindi kilala si Panchito. Assignment n'yo yan.)

Tahimik na tumayo si Carlo at kinuha ang timba para sumalok ng tubig galing sa balon.

Pagkaraan ng ilang minutong katahimikan ...... lumabas si Baby Amy na pinapawisan ng malamig, hawak pa rin ang tiyan pero nagiginhawahan na.

Walang kibo na nilapitan ni Ricardo ang bata at binuhat sa matitipunong bisig niya. "Dalhin natin siya sa classroom. Pakisunod ang pinakulong tubig."

Tiningnan niya si Menggay, seryoso na ang mga mata. "Meron ba kayo ditong asin at asukal?"

"Meron. Teka, kukunin ko."

Isa pang malalim na buntong-hininga mula kay madam Ana. Haaay, puwede naman palang magtulungan.

Sinenyasan ang mga ka-tropa.

Sugod sa classroom mga kapatid.

The next battle ground.

A/N: Sorry for the short update. Pabitin po muna. Promise, hindi masyadong magtatagal for the next update. Mga 24 days, lang. Joke lang po!

At bilang back to the barrio po tayo, baka may gusto po kayong eksenang isama, i-comment lang po natin at susubukan ko po sa abot ng makakaya.

Hindi ko po alam kung ilang chapter aabutin 'to. Habang may maiisip po tayo na extra-challenge para sa dalawang magkatunggali, este mga bida, why not, coconut?

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon