4 - Paalam, Doc

1.9K 241 40
                                    

A/N: Pasensiya na po kung pagsasalitin ko ang gamit ng barrio at barangay. Ayon kay Kapitan Google, ang mga dating barrio sa probinsya ang naging barangay. Mas rustic kasi ang dating ng baryo

Sinalat ulit ni Ricardo ang noo ni Amy. Wala pa ring lagnat o sinat. Tiningnan niya ang ilalim ng mata saka pinisil ang dulo ng mga daliri. Hindi pa nagset ang dehydration.

Hinarap niya si Nanay Ruby. "Ituloy n'yo na lang po Nay ang pagpapainom sa kanya ng tinimpla nating solution para po hindi siya madehydrate. Tumigil naman na po ang pagsusuka niya. I-monitor na lang po natin kung tubig pa rin ang dumi at ang dalas ng pag-ihi niya sa susunod na walong oras."

"May bawal po ba na pagkain?"

"Iwas muna po sa mamantika saka sa mahirap tunawin."

"Gamot Dok, may irereseta ka ba para maipautos ko sa bayan bukas ng umaga?"

"Wala po bang botika dito?"

"Dok naman, kung health center nga wala, botika pa? Alam mo, matagal ko nang nirerequest yan nung Kapitana pa 'ko kaso walang nangyari. Merong mga tindahan na nakakabili ng gamot pag naluluwas sila sa bayan, pero walang botika dahil sabi sa amin wala daw kasing ano ba tawag do'n?"

"Pharmacist po?"

"Hindi, iba. Ah..... parmasiyotiko!"

"Iisa lang po yata yun."

"Oo nga, pero mas mahirap sabihin yung sinabi mo. Jowk lang ulit, mahal ba ang ngiti mo Dok?"

Imbis na mangiti, mas nalungkot siya sa narinig. Marami pa talagang lugar katulad ng Bgy. Pinagpala na walang access sa medisina. Kaya lang wala siyang magagawa, hindi siya Diyos para mag-magic na biglang magkaroon ng health center at botika ang mga remote areas na katulad nito.

Bukas pauwi na sila. Magiging history na lang ang pagdalaw nila dito. Saka lang siya luminga-linga sa maliit pero cute na kuwarto. Bakit may pictures ni Mendoza dito? Class pictures, kasama mga students niya. Yung iba naman co-teachers niya. Ang dami ring books.

Sinundan ni Ruby ang tingin niya. "Ay alam ko yang tanong mo! Dito nakatira si teacher Meng at hindi naman halatang kuwarto niya 'to. Madalas dito natutulog si Amy dahil ayaw humiwalay sa kanya. Kaya kahit grade 2 pa lang, saling-cat na madalas sa klase niya."

As if on cue, pumasok ang may-ari ng kuwarto.  "Kain na po tayo, Nay Ruby. Sayang ang mga pinaluto n'yo. Ako na po ang magbabantay kay Amy."

"Bakit ba kanina ka pa iwas nang iwas sa bisita mo? Samahan mo na lang siya para kumain, at lilinisan ko lang itong si Amy Pot para tuloy-tuloy na ang tulog."

A/N: Menggay, aminin mo kanina ka pa nakikinig sa labas. Itaga mo pa sa chocnut, this is too much of a coincidence! Pero sagutin mo ang tanong ni Kapitana!

Walang magawa at utos ng dating Kapitana, sinamahan ni Menggay si Ricardo papunta sa sa labas lang ng bakuran kung saan hinanda ng mga taga-baryo ang isang piging.

Malakas na tawanan ang nabungaran nila. Ilang mesa ang pinagdugtong-dugtong para kung saan nakahain ang mga masaganang hapunan. Nakauwi na ang karamihan ng mga tao. Kahit si Kapitan na dumaan lang para magpasalamat.

Saka gabi na rin... mga 8:30 pm. O gabi na yun sa remote areas ha!

Kasi nga, hindi kering magpuyat dahil madaling-araw pa ang simula ng trabaho sa taniman. Halos ang magka-klase na lang ang natira kasama ang mangilan-ngilan na natokahang samahan sila.

Hindi muna lumapit and dalawa at tumigil lang sa may tarangkahan ng bakuran ng bahay ni Nanay Ruby kung saan nakikitira si Menggay.

A/N: Ang ating Tagalog word for the day: tarangkahan.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon