10 - Aritmetik

2K 242 46
                                    

A/N: Isang maulang Sabado mga ka-Maichard. Dahil sa maghapong pag-ulan, napahaba po yata ang update. Maraming salamat po ulit sa matiyagang pagsubaybay. Pakilista na lang po sa tubig-ulan.

"Mendoza, intay!" Hinabol ni Ricardo ang nagmamadaling lumabas na ex.

A/N: Ex-classmate, that is. Kayo naman, hindi pa tapos. Wala pong pasabog.

"Bakit Doc, nalimutan ko bang magpasalamat dito sa mga baterya? Mula sa kaibuturan ng aking puso, salamat! Safe trip na lang pabalik ng bayan, babay!"

Mabilis siyang tumalikod pero mas mabilis ang kamay ni Ricardo nang pigilan ang braso niya.

"Sandali! Alam mo may napansin na 'ko nung medical mission pa lang."

Marahang tinanggal ni Meng ang kamay sa braso niya for dramatic effect. "Sabi nga ni Jose Rizal, Noli me Tangere. Huwag mo akong salingin! In english, 'Touch me Not!'"

"Tapatin mo 'ko, may problema ba tayo, Mendoza?"

Muntik siyang mabilaukan sa sarili niyang laway. Straight as an arrow, ika nga. "Tayo, may problema? Parang wala naman!"

Hindi niya hinintay ang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Alam niyang hindi ito ang good manners and right conduct na tinuturo niya sa klase, pero wala naman siya sa loob ng classroom.

Kaya lang, wala siyang magawa dahil mas maliit ang mga hakbang niya.

Inabutan at nasabayan pa rin siya.

"Ikaw na nga lang ang kilala ko dito, pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo pa 'ko? Huwag mong i-deny, Mendoza! Aalis ka dapat kanina sa pila nung makita mo 'ko. I saw you."

May third eye ka, e binuko lang naman ako ng sarili kong estudyante? Sa wakas ay huminto siya at hinarap ang kausap. Ang nagsasabi daw ng tapat, nagsasama nang maluwat.

"Okay, ganito yon Faulkerson. Listen carefully. Maliit lang 'tong baryo namin, katunayan 990+ butal lang ang populasyon. Kaya dito, mas mabilis ang pakpak ng balita, mas matalas ang tenga ng lupa."

"So, what does it got to do with me? Or you?"

"Hindi pa ko tapos. Alam nilang magkaklase tayo nung high school. Which is fine, dahil once a year naman bumibisita ang mga classmates natin dito. Pero ikaw, pangatlong beses na nagawi sa bayan namin sa loob ng dalawang linggo. Wala namang masama. Kaya lang, magagaling sa aritmetik ang mga tao dito, kahit walang ipa-plus o ima-minus. Naintindihan mo?"

"Hindi, diak maawatan! O baka slow lang ako kaya hindi ko maintindihan?" Lumipas ang ilang segundo saka nagliwanag ang mga mata ni Ricardo.

Ting! "Ah! Ibig mong sabihin, baka i-tsismis nila 'ko sa 'yo? Hindi naman kaya sobrang assumptions na yan, Mendoza? 1+1 equals 100 agad-agad?"

"They're essentially good people pero sabik sila sa kahit anong balita. Ako ang dayo dito. Wait, let me finish. Tahimik ang buhay ko sa baryo Pinagpala bilang isang public school teacher for the past 5 years. Ayoko lang matsismis na walang katotohanan. This is the last thing I need. Yun lang Faulkerson, ganon kasimple."

Napakamot ng ulo si Ricardo. Nuances of a small town is what it is. People will not care in the city. "Hindi ba puwedeng nagkataon lang na nagkita tayo? Accidental meeting of former classmates after 15 years? Coincidence!"

"Simple lang silang mag-isip. Parang ganito: Once is chance, twice is coincidence, thrice is already a pattern."

"I get it. Maybe I can explain to them that I'm doing this as a favor to the mayor, who is the aunt of my best friend. There is a natural disaster and I happened to be available to help. What's wrong with that? Jeez! I just brought the relief goods, what more if I apply as a doctor to the barrio?"

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon