12 - Patrick

1.9K 244 42
                                    

video credit: GMA I-Witness

A/N: Sabi nga ni kagawad Enteng, a pramis is a pramis. Eto po ang karugtong ng ating arc kahapon.

At bakit Patrick ang pamagat? Hindi po siya ang driver ni boss madam na nakilala ni Menggaynita Nunal. Kung napanood n'yo na po ang I-Witness na documentary ni Ms. Kara David sa mga guro ng Malining, General Nakar na binanggit natin sa chapter 3, maalala n'yo po si Patrick. Ang mag-aaral na na-interview sa episode, at pang-4 sa 15 magkakapatid.

S'ya ang hugot natin sa arc na 'to.

----------------

"You tell me Nicomaine. Yung mga tipong boyfriendna iniwanan ng girlfriend sa altar sa araw ng kasal?"

May patay-malisya nang konti siyempre, huling baraha na baka sakaling mailusot pa. "ANO? Iniwanan lang sa altar, magpapakamatay na agad? Sino naman 'yan?"

"Ang nakapagtataka, yung ang akala ni kagawad Enteng na yun ang gagawin ko kanina. Ang magpakamatay complete with suicide note."

"Sinabi niya 'yon? Sobra naman sila! Dapat pinabayaan ka lang manahimik."

Nilagay ni Ricardo ang dalawang kamay sa bulsa ng maong na suot saka diretsong tiningnan sa mata ang dalaga. "So, sa 'yo nga galing 'yung kwento?"

Hinawi ni Meng ang buhok niya at nilagay sa likod ng tenga. Buying time. "Actually, ginawa ko lang mas creative yung kuwento mo."

"Which means, you deflected it away from you. Nawala yung pangalan mo e."

"A better version. Mysterious yung girl."

"Pa'no kung sabihin ko sa kanilang ikaw yung nobyang na nang-iwan sa 'kin sa harap ng altar? How does that twist sound? We'll be back to the original story, right?"

"Huwag naman, classmate! Kailangan ko silang harapin araw-araw. At least ikaw uuwi na bukas. Malabo na kayong magkita ng barrio Pinagpala. No permanent harm done. Alam mo, mabuti pa tara na. Doon pa bahay nila Patrick Ventura."

"Wait! What, no remorse? Not even a single sorry?"

Madali naman siyang kausap. "Sorry na."

"I didn't hear you, Nicomaine."

Dinagdagan niya ang decibel level. "SORRY NA PO!"

"Kanino ka nagsosorry? Sa anino kong walang pangalan?"

"Bakit ang sungit mo? SORRY NA PO, Doc Tisoy! Hindi na uulit. Gusto mo pa magsulat ako sa Grade 6 pad paper ng 100 times na 'Sorry na po, hindi na uulit'? Gagawin ko."

"Pangbata lang 'yon. Apologies accepted. But there's a punishment."

"HA? Bakit may punishment?"

"Pag-iisipan ko pa. After you."

"Anong After You? Yung pelikula ba yan?"

"Hehe nakakatawa, Nicomaine. After you, susundan na kita papunta sa kung sino mang Patrick Ventura yan. Saka natin isusunod ang punishment. Nagmamadali ka diba?"

Lumitaw ang kasungitan. Pinapatawa lang e. Ano kaya parusa ko? Baka paaakyatin ako dito sa punong Akasya? O kaya patutulayin ako sa pilapil nang pakandirit? Haay, you asked for this Menggay.

A/N: hahaha, wala akong maisip na A/N. Naunahan na 'ko ng hirit ni Nicomaine.

-----------------

Parang nagbara ang lalamunan ni Meng sa nadatnan nilang eksena sa bakuran ng pamilyang Ventura.

Si Patrick na isang hamak na grade 4, may hawak na palakol na mas malaki pa sa kanya. Tagaktak ang pawis sa pagsisibak ng kahoy. At sa salansan ng nasibak na kahoy sa tabi, mukhang kanina pa siya.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon