2 - Maligayang Pagdating

2.2K 221 25
                                    

A/N: Bago po ang lahat (opo, hindi luma), gusto kong mag-thank you sa patuloy na sumusuporta sa mga stories ni otor. Nakita ko po ulit sa rankings ng ang ibang stories, kaya muli, tenkyu po sa mga bagong readers at sa umuulit magbasa.

Thank you po talaga. Di n'yo po alam kung pa'no n'yo napapasaya ang mga katulad naming sumusubok magsulat. Sulit po lahat.

Okay, otor. Tama na drama at may magkukuwento pa.

---------------

Narration ni Menggay (Happy, happy 3rd showbiz anniversary! Ganda mo, promise!):

Sabi nila rural area daw ang classification ng barangay Pinagpala.

Ako pa ba tatanggi na rural area 'to e ramdam na ramdam ko?

Isa siyang maliit na barrio sa isang libis sa gitna ng bulubunduking parte ng lalawigan ng Quezon. Kung sino ang maglalakas-loob pumunta dito, babagtasin mo ang mahabang zigzag road at tatawid ka ng isa't kalahating ilong. Isa't kalahating ilog dahil halos nagiging sapa lang ang isa kung tag-araw.

Kung pa'no ako napadpad dito, saka na ang kuwento.

Ayon sa aming butihing barangay captain, humigit'kumulang 999 ang kasalukuyang populasyon ng aming barangay. Isang libo sana kaso namatay si Ingkong Pedring noong nakaraang taon at hindi pa pinapanganak ang pinagbubuntis ni Ate Zenaida.

At komo rural area, Iisa lang ang school dito at elementary school lang. Yung mga magha-highschool kailangan nang dumayo sa bayan. Yes, ang zigzag at dalawang ilog. Mas madali-dali puntahan itong school namin, 2 km lang lalakarin at isang ilog lang ang tatawirin mula sa mga kabahayan tapos konting akyat ng burol, ayun na ang Mababang Paaralan ng Pinagpala. Mababa pero mataas, gets?

Sa school year na 'to, nasa 85 lang ang enrollees namin, tatlong classroom at 3 teachers. What!!! Wait, huwag muna kayo umalma! Ipapaliwanag ko.

Ganito 'yon, magkahalo ang dalawang grade sa isang klase, magkasama ang Grades 1&2, 3&4 at 5&6. Halos 20-25 sa isang klase puwera sa grades 1&2 class na merong 40 ang students. Multi-grade system pala ang tawag dito. Copy? Copy.

Isa lang ang ibig sabihin nito kung ikaw ang teacher. Dahil magkasama sa iisang classroom ang dalawang grades, dalawang lesson plans, dalawang set ng activities. Puwedeng nagpapa-quiz ka sa kalahati habang recitation o reading assignment ang kalahati. Magkaibang instruction materials, magkaibang projects, magkaibang quiz, magkaibang set ng grades ang kailangang gawin ng nag-iisang magandang teacher.

Siyempre, kinaganda namin 'yon. Namin, dahil isa ako sa 3 pinagpalang maging public school teacher ng Pinagpala Elementary School. Kasama ko si Titser Poleng na matiyagang nagtuturo sa grade 1&2, si Titser Marinel Amor ng Grade 5&6 - terno ang ganda at pangalan, parang Marimar lang.

At siyempre, ang inyong lingkod na may hawak ng Grades 3&4. Multi-grade system. Si Titser Poleng ay may-asawa na at 3 anak samantalang si Titser Nhel ay lumampas na sa kalendaryo 8 taon na ang nakakaraan sa kakahintay sa kanyang nausyaming unang pag-ibig.

Kami ang Pinagpala's Angels! Pak! Ganon!

Eto ang kuwento ko, namin, nating lahat.... tinginingining... pasok!

A/N: Intiyendes class, o from the top? Okay, get 1/4 sheet of paper. May quiz tayo, pagbaybay sa ingles. Pero early disclaimer at baka hanapin n'yo po sa Google mapa. Ang barangay Pinagpala ay isa pong malaking imbento. I, thank you.

----------------------------

Matapos ang ilang minutong pag-eksamin nang walang nakakabit na stethoscope sa tenga, at Q&A portion sa pasyenteng inihiga pansamantala sa ibabaw ng mesa ng teacher, nagsimula nang magsulat sa grade 4 pad paper ang poging si Dr. Ricardo F.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon