A/N: Buzzer beater!
Awkward.
Yun lang ang nababagay na description sa nangyari sa school nang ipakilala ni Doc Tisoy ang mga kasama niya sa team at ang pakay nila.
Well, awkward in so far as one of the teachers present is concerned.
Ramdam niya at siguro mas kilala na nga niya si Meng. Ngumiti man ito at nakipagkamay, hindi naman abot sa mata lalo nang malaman kung saan galing si Chris at si Doc Stacy. Kahit dumistansiya na siya sa doktora at wala nang nakahawak sa braso niya.
Naging tipid din ang mga sagot nito sa mga tanong nila. Mas si teacher Poleng pa at teacher Nhel ang nagsalita.
Maliban sa isang komento na may konting hirit na alam ni Ricardong patama sa kanya.
"Bakit hindi naman kayo nagpasabi? Di sana nag-arkila kami ng banda para i-welcome kayo."
Nagulat si teacher Poleng. "May banda na tayo dito sa Pinagpala, teacher Meng? Kelan pa? Saka hindi mo ba narinig? Emergency case ang pinunta nila. Tama ang tsismis, puwedeng may kumakalat na epidemya."
"O sige, teacher Poleng. E di ikaw na!" Sabay hawi ng mahabang buhok at talikod.
Walang nagawa si Doc Tisoy kundi ituloy ang orientation sa mga nadatnan nila at sa mga nagdadatingan pa. Kailangan niyang pakalmahin ang mga taga-baryo na hindi pa conclusive ang epidemya sa Gen. Nakar at ibalita ang nangyayari sa kabilang bayan. Kailangan din nila ang kooperasyon ng lahat.
Tahimik at walang kibong nakikinig lang si Meng sa gilid. Nanibago siya dahil hindi man lang ito nagtanong tungkol sa planong nilatag niya.
Hihintayin ang mga magulang para matiyak kung sino ang walang bakuna sa tigdas. Bilang isang pedia, si Doc Stacy ang mag-aadminister ng vaccine samantalang pupuntahan nila ni Doc Chris ang mairereport na may sintomas na ng tigdas para i-checkup.
Isang araw lang ang schedule nila sa baryo Pinagpala kaya kailangan nilang matapos lahat ng gagawin dito sa loob ng maghapon.
Sa ibang barangay sila pupunta bukas pero sa Pinagpala din ang uwi sa kinahapunan bilang base camp nila.
Kahit maraming kailangang asikasuhin, sinamantala ni Ricardo ang pagkakataon na makausap si Meng nang sarilinan nang mapansin niyang pumasok ito sa classroom para ayusin ang magiging pansamantalang clinic nila.
Hindi niya napansin na sinundan sila ng tingin ni Doc Chris at Doc Stacy.
Nakatalikod ang dalaga nang pumasok siya pero nakaramdam agad ito na may ibang tao.
"Teacher Poleng, nakita mo ba yung mantel na puti na puwedeng itakip dito sa ... " Napatigil ito bigla nang makita siya. "Anything I can do for you, Doc?"
"Ganyan ka ba pag naiinis, napapa-english ka? May problema ba tayo, Nicomaine? Sorry kung hindi ako nagtext na papunta kami dito. It was unanimously decided that we will not create panic in the barangays by sending advanced notice."
Translation: Ibig sabihin, wala kang tiwala sa 'kin. Fine!
"Excuse me, Doc! Ako, may problema sa 'yo? Wala! (Pabulong: Problema ko ba na yung naturingang mga taga-Baguio e madali palang mapagod at hindi kayang umakyat ng burol nang mag-isa? May pahawak-hawak pa? Hindi naman diba?)"
"May sinasabi ka? Lakasan mo boses mo, tayo lang naman ang magkausap dito."
Ngumisi ang guro, labas ang mapuputing ngipin. "Ang sabi ko, baka kailangan ka na ng team mo sa labas. Kaya na namin dito. Puwede na kayong pumasok pagkaraan ng trenta minutos at handa na ang clinic n'yo. Maliwanag? O kailangan mong ulitin ko?"
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.