A/N: Pasencia biscuits po ulit at kinukulang ang bente-quatro oras (plugging, hehe) sa realidad.
Salamat po sa mga nagbigay ng tagalog ng Next Time subalit matapos ang masusing pagsasaliksik at pakikipagtalakayan sa may-akda (otor), minabuti po ni otor gamitin ang 'Sa Susunod'.
Pero hindi pa sa kabanatang ito. Ngayon, bigyang pugay muna natin ang mahal nating mga guro.
---------------------
Wala pa ring sagot sa text n'yang Happy Teacher's Day. Kasi naman, Ricardo. Why did you let a week passed before you texted her? Yung totoo, natakot ka na nagalit siya dahil hinawakan mo kamay n'ya?
Pilit na binalik ni Ricardo ang atensyon sa binabasang makapal na medical book. Kahit nagkakandahalo-halo ang mga letra.
"Huy!"
"Huy ka din!" Hindi lumingon si Ricardo. Kilala niya ang boses na 'yon. Si kutong-lupa na hindi pa niya kilala. Ngayon na lang ulit lumitaw.
Siya pa lang ang tao sa harap ng Rural Health Center dahil ala-sais pa lang ng umaga.
Wala pa si Nurse Betong na siyang may dala ng susi. Ayaw na niyang mapagalitan dahil late siya tulad nang nangyari kahapon, kaya sinigurado niyang mauuna siya. Valid naman ang reason dahil halos tatlong oras lang ang tulog niya galing sa emergency na tawag. Pero mahirap na lang mangatwiran. Mukhang may S kahapon ang resident doctor.
Lumapit ang kutong-lupa at nakisilip sa binasabasa niya. "Ano'ng gawa mo?"
Tuloy lang siya sa pagbabasa, tapos pasimpleng silip din sa cellphone. Wala pa ring reply. Pramis, hindi siya naghihintay ng sagot.
"Nagbabasa. Bakit andito ka na naman? Hindi ka ba nag-aaral?"
Umupo ang bata sa tabi niya. "Aral? Ano yun? Nakakaen ba 'yon? Andito 'ko, kase di mo pa binibigay yung sampung piso ko. Parati kang wala pag bumabalik ako!"
Hinarap niya saglit ang bata. Malinis naman ang damit nito puting kamiseta at khaki na short, medyo halatang sinubok na ng panahon at zonrox sa dami ng kusot na dinaanan - yung tipong nababanat na ang tela sa kakalaba. Halatang luma at pudpod na rin ang tsinelas na suot.
Nagmaang-maangan siya. "Ano'ng sampung piso sinasabi mo?"
"Madaya ka! Sabe mo, bibigyan mo ko ng sampung piso pag tinuro ko sa 'yo kung saan si Dok Aga nung bagong dating ka dito."
"Ah 'yon? Eh umalis ka. Wala na 'yon!" Nakita n'ya ang pagbagsak ng balikat ng bata.
"Gano'n? E kase kelangan na 'ko ng lola ko. Bigay mo na, pandagdag din 'yon sa pambili namen ng pagkaen."
Para naman siyang nakunsensya do'n. Kumuha s'ya sa bulsa sa gilid ng backpack n'ya. Bente pesos. Pero may tanong muna s'ya. Hinarap n'ya sa bata ang malaking medical book na binabasa n'ya. Complete Guide to Symptoms, Illness & Surgery.
"Basahin mo muna 'to."
Tumayo ang bata at lumapit sa kanya saka tinitigan ang libro. Umiling.
Hindi siya nakakabasa ng English. Tinuro n'ya ang letter C. Pangatlong letra lang sa alphabet, kung alam niya ang ABC. "Sige, wag na 'yon. Ano'ng letra na lang 'to?"
Tinitigan ulit ng bata ang tinuturo n'ya. Ibubuka na sana ang bibig at may bibigkasin pero nagbago ang isip. Nagulat si Ricardo nang biglang tumawa nang malakas ang kutong-lupa. "Hahahaha! Nagpapatawa ka? Hindi ka marunong bumasa 'no? Hahahaha!"
"Ako pa? Ako pa ang hindi marunong bumasa?"
"E bakit nitatanong mo 'ko kung marunong kang magbasa?" natatawa pa ring sagot ng bata.
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
Fiksi PenggemarPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.