A/N: Sa wakas po, maitutuloy rin ang kuwento pagkatapos ng "24 na taong" pamamahinga este ilang buwan pala. Hindi ko po alam kung may magbabasa pa pero ang pangako ay pangako. Tatapusin natin ang kuwento ni Doc Tisoy at Titser Meng.
Siguro po mga lima hanggang walong kabanata pa ang tatakbuhin ng ating kuwento para isara ang lahat ng mga storyarc (ano nga ba tagalog nito - sanga-sangang kuwento?) na binuksan ni otor. Kung saan makakarating, tingnan na lang po natin.
O siya... sapat na ang pasakalye. Saan ba tayo nabitin? Saang baryo ba natin iniwan si Doc Tisoy? Hindi naman natin sila pina-freeze 'no?
-------------------------------
"Doc, maghunos-dili ka! Hindi pa natin alam ang buong istorya!"
Napatigil si Doc Tisoy sa pagsugod kay Kapitan. Hindi niya napansing sinundan pala siya ni Nurse Betong. "Ano'ng pinagsasabi mong maghunos-dili? Kakausapi ko lang naman siya."
"Kakausapin lang? Kakausapin lang? Medyo kilala na kita, Doc. Yang tenga mo e hindi lang namumula pag naiisip mo si Titser Meng, napula din yan pag nagpipigil ka ng inis at galit lalo na kay Doc Aga! Saka nakita ko yung paghilamos mo sa mukha nang walang tubig! At yang mga kamao mo e para gang si Pacquaio na walang gloves! Ano'ng mangyayari kung masuntok mo si Kapitan? Ano, hulihun ka ng mga tanod niya? Tapos ikukulong ka? Ano'ng gagawin ko dito sa mga pasyenteng 'to? Pa'no kung sugurin ako ng mga magulang nito? Pa'no kung may dumating na bagong case? Pa'no kung ako ang mahawa? Aber? Sagutin mo nga ako!"
(Ang guwapo mo talaga, Betong, you nailed it! Pinakamahabang linyahan ko na yata 'to! Amazing! Magbakasyon ka pa, otor)
"Nurse Betong?"
Parang walang narinig na tumalikod at hawak-hawak ang noo na pumikit lang si nurse Betong. "... Alam kong kasing-pogi n'yo ko ni Doc Aga, pero hindi ko carry maging doktor. Lalo na sa ganitong sitwasyon. Poging nurse lang ako..."
"Betong!"
".... It's amazing, but true. Yes, Doc? May sinasabi ka?"
"Isa pa lang linya ko, nakasampu ka na. Sino ba bida dito? Wala akong balak sayangin ang panahon ko sa mga corrupt na government officials. Lalo na sa isang kapitang walang pakialam sa mga kababaryo niya. Ilang beses mo ba siyang nakitang sumilip dito mula nang dumating tayo?"
"E bakit ka nga susugod kung wala naman siyang pakialam?"
"Gusto ko lang malaman kung bakit walang dumadating na tulong nang makagawa tayo ng ibang paraan! Kung wala siyang malasakit sa baryo niya, puwes ako meron at walang corrupt corrupt sa akin! "
"Sino gang kurap at ano gang tulong ang pinagsasabi n'yo?"
Pareho silang napalingon sa narinig na boses galing sa likuran nila.
Lo and behod. "O Captain, my captain!"
--------------------
Okay crew, sa kabilang eksena tayo. Opo, huwebes pa rin after ng Miyerkules. Balik sa bayan. Teleport now!
Maaga pa nang dumating si Titser Meng sa bakuran ng DepEd District Office sa bayan. Mag-aalasiyete pa lang nang umaga. At kahit kating-kati ang mga paa niyang dumaan sa munisipyo, pinigilan niya ang sarili.
Dahil wala naman siyang napansing kakaiba nang bumaba s'ya sa terminal. Ni hindi niya narinig na pinag-uusapan ang baryo Canaway sa jeep na sinakyan niya. May emergency ba talaga? O paranoid lang talaga 'ko?
Pero may karapatan naman siguro siyang kabahan at maging paranoid kung hindi niya ma-contact ang nobyo nang ilang araw na. Napatingin na naman siya sa cellphone ... sa messages na puro sent ... Kung walang emergency, bakit wala pa ring reply? At bakit ... puro subscriber cannot be reached ang sagot sa tawag niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/153051056-288-k933731.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanficPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.