27 - Ikalawang Linggo: Pagbasa at Pagsulat

2.2K 254 53
                                    

A/N: Mga dabarkads, di ko po alam kung natanong ko na sa past stories pero makikisuyo po si otor por sayans.

Sa mga nagkaroon po ng serious relationships (opo, hindi counted ang flings at MUs) or may-asawa na, ga'no katagal kayo niligawan/nanligaw at ano nagtrigger na sagutin n'yo na o sinagot kayo? Malabo ba ang tanong, lammonayun!

Nakakalito.

Nakakalitong nakakakaba.

Haaay, Menggay. Sige, mag-overthink ka pa. E kung yung lesson kaya ng mga bata ang i-overthink mo? Pero gusto mo 'yan, brains and beauty ka naman, GO! Over analyze pa more!

A/N: Ayan, may disclaimer si mayora, hayaan n'yo munang mag-super duper analyze. Brought to you by Eye Berry.

Hindi naman sa hindi siya pinatulog, slight lang. Dahil, sapagkat, hindi yata't malinaw ang usapan nilang dalawa.

Pretend ligaw ng isang buwan para iwas tsismis, then basted. Period. Exclamation point.

Pero bakit may mga commas at question marks ngayon? Fine! Puwedeng diskarte lang talaga niya ang deal sa mga tindera ng pagpakyaw ng tinda nila pag sinagot siya.

Full point siya do'n dahil nagawa niya ang challenge. Pero para ano?

Ano itong 'not going down without a fight' na declaration? May civil war ba? May contest ba kami na hindi ko alam? Bakit may gano'ng statement? Bakit parang kina-career niya?

At KUNG, for the sake of discussion e seryoso siya, parang may kulang yata na declaration? Hindi naman sa assuming ako. Pero hindi ba ang nanliligaw ay nagtatapat?

O medyo kinakalawang lang ba siya sa mga ganitong klase ng ligawan? Dahil ba karamihan ng nagtangka ay nagtapat ng pag-ibig kahit pa mamilipit sila sa hiya?

May millenial version na ba na hindi siya nalalaman o nasanay lang siya dito sa Pinagpala? Para na bang korean telenovela na magsabi lang ng 'I like you, do you like me too? O can you be my girlfriend' e kayo na? Yun na 'yon?

Wala na bang bisa si Balagtas ngayon sa mga taga-Maynila o taga-Baguio at ang kanyang 'O pag-ibig na makapangyarihan, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang'?

Hindi ba tama lang naman na mga-expect ako ng hindi lang like, dahil pangmatagalan ang goal ko? Never mind na hinahabol ko ang kabog ng dibdib ko pag malapit siya. Never mind tumataas ang palo ng kuryente pag may skinship kami. Never mind na humuhulas ang lahat ng pawis sa mukha ko pag nakatitig siya. Given na yung attraction. Doon tayo sa feelings.

Haay, binigyan pa siya ng palaisipan. Sino ba nagsabing mahilig siya sa puzzle?

Sa text kaya siya magtanong? Mag-explain kaya? Hindi ba nakakahiya o masyado siyang assuming? Aaargh! Ang tagal ng weekend!

Well, at least okay na sila. Nagtampong-pururot lang naman siya. Naipaliwanag na niya ang side niya. Hello, totoo kaya ang concern niya! Parang dalandan juice lang. Real na real.

At hindi dahil nakita niya ang matipunong dibdib ng kababata na puno ng rashes at pantal. Not counted 'yon.

Pero in fairness, napakalayo sa patpatin niyang katawan 'nung High School na nerdy-nerdy ang dating. Naglevel-up si kuya.

Okay, Menggay. Enough! Kung saan saan na napupunta isip mo, bumababa na. Balik tayo sa mukha, balik tayo sa dimple.

Naku! Mabuti na lang talaga at medyo nag-pickup ang activities sa school. Kailangan niya ng distraction. Lalo na at panahon na naman ng periodical tests bago mag-semestral break ang mga bata.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon