9 - Habagat

1.7K 256 64
                                    

A/N: Banggitin ko lang po ang mga na-suggest na pangalan para sa 3 tsismosa ng baryo. Natatawa pa rin ako sa taba ng mga utak ng ating readers : Maya, Tiririt atPipit from @cattleyamarie; Susan, Susay at Susie para iba-ibang level ngkatsismosahan from @tametsky; eto hindi ko agad na-gets: Myrna, Sheila, Vickyor Cristy, Lolit at Salve from @dragonmomma18 😂😂😂

Daanin ba natin sa botohan? Baka mapamahal ang TF nila. O siya, next episode pa naman appearance nila.

------------

"Bro, seryoso ka? Puwede pang mag-backout. Ako kakausap sa Tita ko. Diba hinuhulugan n'yo pa itong sasakyan mo? Pa'no kung masira sa baha?"

"Para ke pa naging four-wheel drive 'to at pang-rugged terrain kung hindi naman susulitin? Sabi mo lang yan, kasi wala kang kasabay pauwi ng Baguio!"

"Hindi 'yon bro, kargo kita sa mommy mo! Ano isasagot ko pag hinanap ka sa 'kin?"

Believe me, matutuwa pa 'yon pag nalaman niya kung saan ako pupunta. "Ikaw na rin ang nagsabi Chris, in between jobs ako ngayon. Kailangan nila ng volunteer na sasakyan at poging driver. Problem solved. Don't worry, I'll be fine. Baka bukas lang, paakyat na rin ako ng Baguio. Saka ayaw mo no'n, makakapag-soul searching ako dito?"

"Soul searching, soul searching ka diyan! Baka ibang soul mahanap mo. Sama na lang kaya ako sa 'yo? Saan ba nagtuturo yung classmate mong maganda?"

"Alam mo, andito na tayo. Sumakay ka na ng bus para hindi sayang paghatid ko sa 'yo. Ingat ka na lang. Balik na 'ko at baka mas lalong lumaki ang tubig sa ilog."

Mabilis pa sa alas-kwatro ang patakbo niya pagbaba ni Chris. Mahirap na baka magbago pa ng isip.

A/N: Pengeng Crayola otor, magreready lang ako magkulay.
---------------------
Samantala sa baryo Pinagpala....

Naabutan ni Meng na parang nakatulala si Nanay Ruby sa may gulod. Tinitingnan ang binabahang pananim na palay.

Kagagaling lang niya sa kulungan ng mga bagong panganak na mga piglets para siguraduhin na ligtas sila.

Kahit may isang oras ng tumila ang ulan, hindi pa rin nagliliwanag ang langit. Makulimlim pa rin. Siguradong bubuhos na naman maya-maya.

Hindi tanaw sa kanila, pero ang narinig niyang balita, kaninang umaga pa tumaas ang tubig sa ilog. Matataas na sasakyan na lang ang nakakatawid. Isolated na naman sila ng ilang araw puwera na lang kung may maglalakas ang loob bumiyahe patungo dito.

Dahan-dahan niyang nilapitan si Nay Ruby at tumayo sa likuran nito.  Nakitanaw na lang dahil malinaw pa rin sa isip niya ang mga eksena mula kaninang umaga.

Halos ala-sais pa lang at kasagsagan nun ulan nung maglibot kami ni teacher Nhel sa mga bahay ng estudyante para sabihing walang klase. Parehong-parehong eksena ang nakita namin. Mga binahang palayan o gulayan. Yung mga taniman lang na nasa matataas na lugar ang nakaligtas.

Nakakapanlumong panoorin yung mga pamilyang pilit sinasalba ang puwedeng anihin sa taniman, o di kaya hinahanapan ng silungan ang mga alagang hayop sa kalakasan ng ulan. Gusto mo mang tulungan, hanggang cheering squad na lang kami.

Hindi bago yung ganitong eksena.

Halos taon-taon, parang may replay. Yung isang bagay na kailangan mo para mabuhay ang siya ring sisira sa pinagpaguran mo. Parang tubig-ulan lang.

Pero bawal sumuko. Isa sa mga lesson na natutunan niya sa limang taon niya dito.

Habang may hininga, may pag-asa. Pag hindi ka na makahinga, patay ka na.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon