11 - Hatid-Dumapit

1.8K 222 38
                                        


A/N: Pakiwari ko, pag sinusulat ko ang sari-sariling POV ng dalawa, parang may  silent line na 'Iyo ang Comedy, Akin ang Drama' eme tapos minsan nababaligtad ang peg pag magkasama sila. Ano ba talaga ateng?

At kung hindi n'yo po napapansin, pero pansinin n'yo na rin, medyo gumagamit po tayo minsan sa kuwentong 'to ng mga pang-uuyam o satire sa ingles para itawid ang ilang mensahe ng kuwento. Yes, yes, yo! Tanungin natin si teacher Google kung ano 'to.

------------------

mmmm.... masarap talaga! Natikman na naman ni Ricardo ang kakanin na hinain sa kanilang magkaklase almost two weeks ago. Parang ang bilis ng araw, two weeks na pala 'yon.

Grabe! papatabain ba nila ko dito bago katayin? Bakit dating nang dating ang mga pagkain na hindi ko naman mahindian? Masarap e! Kaya lang yung ngiti nila bakit gano'n? Parang iba pag bumabati? Parang ngiting may awa? May pagtapik pa sa balikat yung iba.

"Kain pa, Dok Tisoy. Kakayanin mo yan. Lahat ng problema ay may solusyon. Habang buhay ay may pag-asa." Sabay tango sa kanya ng isang mag-asawa.

Teka. "Ano pong kakayanin ko?"

May pagkurot sa tagiliran ang asawa. "Ah e, hane! Ang ibig ko bagang sabihin Dok, kakayanin mong matulungan lahat ng tao dito. Kahanga-hanga ang iyong ginagawa. Maraming salamat."

Napakamot na lang siya ng ulo. "Wala pong anuman. Ingat po pag-uwi."

Tinapos niya ang pagkain at sinimulang tumulong magligpit ng mga gamit na pinahiram ni Kapitan.

Halos wala nang tao sa maliit na barangay hall.

Conducive sa pagmumuni-muni na kagabi pa niya sinimulan dahil wala ng kuryente pagdating ng alas-nueve ng gabi. Ayaw naman niyang magbilang ng kalabaw para makatulog.

Mula nang matanggap siya sa medical school, he dreamt of becoming a successful doctor. Who wouldn't? May ready siyang sagot sa tanong na 'how do you see yourself 5-10 years from now?'

Get the necessary residency experience in a government hospital then join the bigwigs in one of the bigger private hospitals in Baguio or Manila at maging well-known Consultant physician sa larangan ng Surgery. Neurosurgery pa nga sana kung papalarin.

Everything was planned and lined up. Even for his private life.

Sure, nagkaroon siya ng one or two relationships before pero mga hindi tumagal. Narealize niyang mahirap pagsabayin if he really wants to excel in his chosen field. Study and residency first. Then when everything is settled, get into a relationship with possibly one of his equally promising colleagues. Get engaged. Settle down and have a family.

In that order. He even has a growing list of potential candidates. That is, kung makakahintay sila.

Na-derail lang with what happened.

Pero kung may nagsabi sa kanya even a month ago, na maeenjoy niyang mag-volunteer sa rural area? Siguro tinawanan lang niya at nasabihan niya ng 'baliw'. As he has always mentioned, not his cup of coffee or tea.

Hindi na ngayon.

Mahirap baguhin ang long-term plans n'ya, let alone his opinion sa isang bagay if he has set his mind to it.

Pero ano kaya lasa na kinakain ko na ang sarili kong salita?

Kung meron man akong natutuhan sa nakaraang dalawang linggo? Marami pa 'kong hindi alam.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon