17 - Walang Nagbago

1.9K 279 64
                                    

A/N: Patatawarin po at maikli lang at light ang update ngayong umaga. Pang-sara lang po ng nakaraang chapter. Bago natin simulan ang susunod na yugto ng kwento.

Linggo ng umaga. (A/N: Oo, lunes na naman bukas.)

Kahit medyo mabigat ang ulo, pinilit pa ring bumangon ni Meng gaya nang nakagawian. Oo, mabigat ang ulo dahil halos 3 oras lang ang tulog. Pero dapat parang walang nagbago.

Diretso s'ya sa banyo at nagwisik-wisik lang muna. Para siyang nakalutang tuwing yuyuko. Ito yung tipo ng umaga na parang gusto n'yang bumalik ulit sa higaan ang ingudngod ang mukha n'ya sa unan.

Pero hindi tama, dapat parang walang nagbago.

"Tinanghali ka yata ng gising? Tara, sabay na tayong mag-almusal." Sinumulang tanggalin ni Nanay Ruby ang takip ng mga pinggan na nakahain sa mesa.

"Ako po, Nay Ruby? Tinanghali ng gising? Ang aga ko kaya...." sabay napabalikwas siya nang makita ang oras. "Alas-siyete na? ALAS-SIYETE NA! Bakit di n'yo ako pinagising?"

"Kanina ka pa ginigising ni Amy, ayun nauna na kasama ng kuya niya. Hindi ka ba tatawag sa mga Nanay mo? Linggo ngayon."

"Natawagan ko na po sila habang naghihintay ako sa sakayan kahapon." Iniisip pa rin niya kung ano ba kailangan n'yang gawin ngayong araw na 'to.

"Hindi ka ba pupunta sa talipapa, market day ngayon?"

Oo nga pala market day! Kaso tanghali na, malamang naubusan na siya.

"Baka po hindi muna. Dito muna ko sa bahay." Sumalampak siya sa bangko at saka nangalumbaba sa mesa.

"Huy! Huwag kang mangalumbaba sa hapag kainan! Teka, maysakit ka ba?" Sinalat ni Nanay Ruby ang noo n'ya.

"Wala po, diba Nay Ruby, bawal ang magkasakit? Kulang lang po siguro ko ng tulog."

"May tinapos kang lesson plan?"

"Wala po."

"Ah, may tinapos kang project ng mga bata! Nakita ko yung solar system na gawa sa mga pinatuyong prutas, ang galing!"

"Nung Biyernes pa tapos 'yon ng mga bata. Inuwi ko lang po."

"O e bakit ka napuyat? Sabi nga ni Amy pot, biling ka raw ng biling sa katre."

"Kape Nay Ruby. Kape ang salarin. Hindi po dapat ako nagkape ako bago mahiga."

"Sigurado ka? Sige, ako na lang ang pupunta sa talipapa at kukuha ng inorder kong tapa kay Nanang Pacita. Kumusta pala yung lakad mo sa bayan kahapon? Akala ko sa aga ng alis mo, tanghali pa lang nakabalik ka na."

"Sabi ko nga Nay Ruby, ako na kukuha ng order kay Nanang Pacita. Maliligo lang po ako."

Kailangan na niyang umalis at papunta na sa reporter ang peg ni Nanay Ruby.

Hindi pa siya handang magkuwento.

At dapat mag-stick sa nakagawian.

Parang walang pagbabago.

----------------------

Mukhang kailangan lang n'ya maarawan at mahanginan. Medyo magaang na ang pakiramdam n'ya.

Gaya ng dati, maganda pa rin ang sikat ng araw ngayong umaga. Kulay asul pa rin ang kalangitan. Katamtaman din lang ang init habang binabagtas niya ang daan papunta sa talipapa. Pareho pa rin ng dati.

Walang nagbago.

Gustong-gusto pa rin niyang magdaan sa daan na'to dahil parang nagkakamay sa gitna ang mga puno ng firetree sa magkabilang parte ng daan. Berde at mayayabong pa rin ang mga dahon ng mga puno ng mga fire tree.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon