A/N: Sabi nila, 'Pag mahal mo ang isang tao, Ipaglaban mo habang maaga pa. Kasi pag gabi na, baka tulog na siya.' Napulot ko lang po sa internet. Kung sino ka man, ctto.
Mamaya ko na po i-correct ang spelling at typos.
---------
Ang tanong, pag-ibig na nga ba? Paano ba matitiyak na iba na ang nararamdaman mo para sa isang tao?
Titser Menggay? Ano ang sagot?
Hindi namalayan ni titser Menggay na paakyat na siya sa tuktok ng burol papunta sa eskuwelahan.
Parang ang gaang ng mga hakbang niya. Parang ang bilis lang.
Bakit ba, e naaliw siya sa matitingkad na kulay ng mga bulaklak sa parang. Sa mga luntiang dahon sa mga puno na may mangilan-ngilang nag-iibang kulay sabay pa ng nag-aagawang huni ng mga iba't-ibang klase ng ibon na nakadapo sa mga sanga nila. Sa mapipintog na mga uhay ng palay sa kabukiran.
Sa kulay puting mga uniform at kamiseta ng mga estudiyanteng nakakaksabay niya na halatang hindi lang na-zonrox kundi nakula at naalmirol pa sa pagkakatayo ng mga kuwelyo ng uniporme.
Ang ganda ng umaga at lalong ang sarap ng tulog niya.
Lalo at tumawag si Ricardo nang magawi siya sa tabing-ilog nung bandang hapon kasama si Baby Amy at si Diana bilang pagtupad sa pangako niya.
Sinagot lang naman niya ang text ni Tisoy matapos nilang mag-video call sa mommy ni Diana. Aba at bigla na lang napatawag.
Ayun inabot sila ng 15 mins din yata. Wala lang, kuwentuhan lang ng nangyari sa buong araw. Kung hindi pa pinagtulungang hilahin ng dalawang bata ang kamay niya, baka mas mahaba pa naging usapan nila.
Maliit na bagay para gumanda ang Lunes at sana pati ang Martes. Pakisama na ang Miyerkules at Huwebes. Lubus-lubusin na rin ng Biyernes nang magmadali ang pagdating ng Sabado.
But wait a minute, kapeng mainit. Ano itong eksena sa school ground?
Kaya pala mabibilang sa daliri ang mga estudiyanteng nakasabay niya, e nandito na lahat at abala sa paglilinis.
Sama-sama together lahat ng grades.
Pati ang dalawang co-teachers niya, naunahan din siya at mukhang abalang-abala sa pagmamando sa kung ano ang aayusin at lilinisin.
"Anyare teacher Poleng? Ano'ng nakain n'yo? Biyernes lang ako nawala, nag-transform na ang lahat?"
"Grabe ka naman sa 'min, hindi ba puwedeng masipag lang talaga kami? Ikaw nga 'tong paakyat ka pa lang, halatang lutang na ang mga hakbang. Para kang nasa shampoo commercial, ang gaang ng feeling. Mukhang tagumpay ang weekend kasama si Dok. Bakit, nag-I love you na ba?"
Hindi siya papa-distract. Hindi puwedeng wala lang e kumikinang ang kaputian ng suot ng mga bata. Iisa lang naiisip niyang dahilan. "Ano muna, meron? Sino'ng dadating na bisita?"
Ang praktikal na si teacher Nhel ang sumagot. "Hindi mo natanggap ang memo? Dadalaw si Principal Agnes."
"May bisita nga?" Saka nagsink-in ang sinabi ni teacher Poleng. "Principal Agnes? The principal Agnes, the terror? Bibisita after 24 years?"
"Sabi na nga magkasama kayo ni Dok Tisoy e, nag-eenglish ka na rin! Huwag kang ganyan kay Principal Agnes, siya na lang ang kakampi natin."
Inagaw ni teacher Nhel ang salansan ng libro na wala sa loob na binabalasa niya. "Saka hanggang ngayon ba yang hugot mo, teacher Meng? Tumulong ka na lang, punasan mo yan at huwang mong paglaruan."
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanficPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.