3 - Titser Menggay

2K 230 24
                                    

A/N: Yes, buzzer beater na update bago po bumalik sa realidad. Blame it on otor na lurking mode sa #MainelandiaFair2018 kaya di maka-derecho ng sulat.

By the way, hats-off sa tatlong public school teachers na pinalabas ni Ms. Kara David sa I-Witness kagabi, July 7, 2018 - Ang mga Guro ng Malining sa Quezon.

Kung may superlative degree ng dedication sa pagtuturo at superlative ng rural area, sila na po yon. Panoorin n'yo at tingnan n'yo kung hindi maglelevel-up ang meaning ng pordalab.

Hindi pa po available ang replay sa you tube kaya pansamantala, video ni Titser Annie muna. We'll feature docu videos relevant to the story from time to time, for science.

Isa pa po palang disclaimer: Sa lalawigan po ng Quezon natin nilagay ang fictional na barrio/barangay Pinagpala pero hindi na po natin, gagayahin ang punto. Ako'y uupo, tapos na po.

------------------

16...17...18... 19... 20... 21... 23... 24... bilang 'to ng segundo na tahimik si Aling Ruby. Mukhang hiningal talaga sa pagbaba ng burol at di agad naituloy ang kwento.

(Hingal) "Pasensiya na iho, hinihingal talaga 'ko. Haay, kaya madalang akong umakyat dyan sa eskuwelahan. Ay naku! Nagrereklamo ang bilbil ko. Saka ang bigat nitong si Amy Pot."

Oo nga naman, Tisoy. Ano ka ba? "Ako na lang po magkakarga kay Baby Amy." Kinuha niya ang medyo nanghihina pang bata at pinangko sa balikat.

"Naku! Salamat, isa ka pang hulog ng langit. Ayan, asa'n na nga ba ko?"

Ehem... salamat at naalala sa wakas. "Naputol po tayo sa ganito yon....limang taon na ang nakakaraan..."

"Ah tama, limang taon na ang nakakaraan nung mamatay ang kabiyak ng puso ko. Si Mamerto, ang tangi kong pag-ibig, ay minsan lamang...." (A/N: maestro, music please - kundiman tayo)

"Hindi po yata, yung limang taon ang nakakaraan e kung pa'no po napunta si Teacher Nicomaine dito. Nicomaine Mendoza po." Hindi naman sa excited ako. Curious lang talaga. Ibang Nicomaine kasi ang natatandaan ko nung HS.

"Oo nga! Tama naman simula ng istorya ko. Teka sino ba nagkukuwento?"

"Sorry po. Kayo po."

"Jowk lang, masyado ka kasing seryoso! Di uubra yan dine sa baryo Pinagpala. Mabuti pa e maupo muna tayo at damahin natin ang sariwang simoy ng hangin. Wala nito sa Maynila."

Halos nakakalahati na nila ang pababa sa burol pero tanaw pa rin ang palayan at bahayan sa ibaba at parang kulay pilak na ilog na kumikinang at pasikot-sikot hanggang mawala sa kabundukan ng Sierra Madre sa di kalayuan.

A/N: Nanay Ruby, ramdam ko yung inip ng kausap mo. Lalanding ba tayo o lalanding ba tayo?

At ikaw naman Tisoy, curious lang? Sige puwede na. Tutal may kasabihan tayo,  'curiosity is the uncle of invention'. Wag kayong ano, bago 'to. Kapatid siya ni Necessity. Ang di maka-gets, magsusulat ng 100x sa blackboard gamit ang pudpod na chalk.


"Eto na nga. Kamamatay lang ng asawa ko nang una kong makita si Menggay. Co-teacher siya ng hipag ko sa Maynila. Sumama siya sa lamay hanggang libing. Hindi mo naitatanong, teacher din ang nasira kong asawa. Pamilya sila ng mga guro. Dito siya nakakuha ng item kaya kami nagkita, nagka-ibigan, at yun, nakasal at nagkapamilya. Pasensiya na, hindi pala buhay ko ang tinatanong mo. Tatlong araw si Menggay dito kaya nakapasyal siya sa eskuwelahan. Nag-obserba pa yata siya sa isang klase kung hindi ako nagkakamali. Tapos... teka..."

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon