36 -Ikaapat na Linggo: Dalandan

2.4K 238 93
                                    

A/N: Dahil po sa pinapainit pa ang nabakasyong isip, puso, baga, lapay at balun-balunan, magaang na update lang po ang ihahain natin. As useless, pasencia biscuit sa matagal na pag-update. Sumabay lang po ng bakasyon si otor.


Akalain mong sa ikaapat na Linggo, sila na!

Kinurot ni Dok Tisoy ang sarili para siguraduhing hindi siya nanaginip.

Dumating siya sa Pinagpala na lululugo-lugo ng araw ng Linggo, bumalik siya ng Lunes ng umaga sa bayan na parang tangang hindi maalis ang ngiti na pakiramdam ay nakalutang sa ere.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.

Parang kailan lang. Nagflashback sa kanya nang bumaba siya sa Manila galing Baguio para umattend ng high school reunion. Ang goal ay malibang pagkatapos na mangyari ang trahedya sa ospital. Sira na noon ang lahat ng plano at windang ang direksyon sa buhay.

Ngayon, mas malinaw pa sa papasikat nang araw, hindi ang magiging kinabukasan, kundi kung sino ang makakasama niya sa paggawa ng bagong direksyong tatahakin ang mahalaga. It seems that he was given a new lease on life. A new lease on happiness.

New set of possibilities suddenly opening. May not be financially rewarding but nonetheless fulfilling. Now with the woman he loves.

All because of her, all because of Nicomaine. Hindi na niya mahintay na magsimulang mangarap kasama ni Meng.

Yung nag-umpisa sa one-month challenge na ligawan para huwag silang ma-tsismis, naging totohanan na. Sinagot na talaga siya.

Anupamang tawag 'yan,  girlfriend,"nobya", "GF", "kasintahan". Kahit syota tatatanggapin niya. Basta hindi lang sila MU o fling. Wala rin sa haba ng ligawan, kundi sa itatagal ng relasyon ang labanan.

Hindi lang I like you kundi sinuklian ang 'mahal kita' na ipinagtapat niya.

Hindi maipaliwanag ni Ricardo ang sayang nararamdaman sa kasalukuyan. Higit pa nung nag-graduate siya as valedictorian o nung pumasa siya sa board.

Kaya ayun, kulang na lang kamayan niya lahat ng masalubong niya pabalik sa bayan.

Akala niya, marami pa siyang bigas na kakainin, ilog at bundok na tatawirin. Pero hindi na siya pinahirapan. Girlfriend na niya si Nicomaine. Kailangan niyang ulit-ulitin para magsink-in.

Ang katibayan? Ang lockscreen ng cellphone niya na selfie habang hinahalikan siya ng nobya sa pisngi nang magpaalaman at maghiwalay sila sa may puno ng acacia.

Lalong lumapad ang ngiti ni Ricardo nang maalala ang mga halik na pinagsaluhan nila kagabi. Sweet but intense at the same time.

Akala tuloy ng babaeng katapat niya sa jeep e siya ang nginitian kaya siguro bigla itong napahawi ng maikling buhok at binigyan siya ng makahulugang ngiti.

Inilabas ng doktor ang kanyang cellphone, nilagay ang passcode. Tinapik ang katabing lola at ipinakita ang wallpaper na solo picture ni Meng. "Nang, girlfriend ko po. Kakasagot lang sa 'kin kahapon. Magaling na teacher po siya, ang ganda po niya, diba?"

Napaismid ang babae sa harapan at ibinaling na lang ang pansin sa tanawin sa labas ng jeep.

Ano ang sagot ng matandang babaeng bigla niyang kinausap? Napatungo lang ng ulo, sabay lungayngay ng balikat.

Tulog pala si lola.

A/N: Dok, sabi ko na nga ba, tamang-tama ang sabi ni Balagtas sa Florante at Laura: O pagsintang labis na makapangyarihan, kakausapin ang tulog, mabakuran ka lamang. (bagong version 'to, uy!)

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon