26 - Pahabol sa Unang Linggo

2K 267 54
                                    


A/N: Magaang at medyo ampaw po ang update ngayon. Wala po yatang laman ang utak ko at naiwan sa tuktok ng bundok.

Pero, subali't , datapuwa't, ang totoo, masaya pa ring alalahanin ang lumang paraan ng panliligaw.

------------------

Palpak ang unang operation dalaw niya. Why is it that when it comes to Nicomaine, nothing goes according to my plan?

Sa unang tingin lang siya nakapuntos, pero ang totoo umuwi siyang talunan. Ni hindi niya nasabi ang nirehearse na mga linya.

Oo talunan, dahil hindi na muling lumabas si Nicomaine nang umakyat sa kanyang kuwarto. Hinayaan nang si Aling Ruby ang humarap at mag-asikaso sa kanya.

Kaya siya na rin ang nagpunas ng malamig na gatas ng kalabaw sa mga rashes niya sa katawan habang pinanonood ni Amy at Totoy.

At dahil hindi na niya natiis and hapdi at medyo nagsisikip na naman ang hininga niya, uminon na rin siya ng anti-histamine na laging nasa wallet niya para sa mga ganitong pagkakataon. Hindi lang niya nainom agad sa tindahan, hindi niya akalain na gano'ng kalakas agad ang tama at epekto ng lambanog.

Sumilip lang at nagpakita ulit si Nicomaine pero kalahating mukha lang nang magpaalam na siya para tumuloy sa bahay ni Kapitan kung saan siya makikitulog.

Pero hindi nakangiti.

A/N: Bago po magkalimutan, ang lambanog ay isa sa ipinagmamalaking produkto ng Quezon.

Linggo ng umaga, kukunin sana ni Ricardo ang unang biyahe pabalik ng bayan. Pero hindi siya makaalis hanggang hindi baon ang ngiti ni Nicomaine.

Hindi siya puwedeng umalis nang hindi nagpapaliwanag. Masyadong matagal ang isang linggo para palipasin.

Dumaan siya sa kanila pero nakaalis na daw ang dalaga at nasa munting kapilya na sa baryo kasama si Totoy at Baby Amy. Ayaw naman niyang sundan doon at baka magkaroon pa ng eksena.

Bagsak ang mga balikat, aalis na sana siya pero naawa si Aling Ruby at sinabi na karaniwang tumutuloy sa talipapa si teacher Meng pag ganitong araw. Itinuro ang daan pero winarningan siyang hindi pa rin ngumingiti si Nicomaine nang umalis ng bahay kanina.

A/N: Dok, ano ba tawag pag sumama loob ng nililigawan mo? LQ? Ligaw Quarrel? Waley? Sabi ko nga.

--------------

Pinauna na ni Meng ang dalawang bata pauwi at mag-isang naglakad patungo sa talipapa dala-dala ang bayong.

Market Day ngayon. Isa sa paborito niyang araw at stress reliever niya ang pamimili pero bakit hindi siya masaya ngayon?

Kahit tanaw na niya ang paboritong Daang Marhalika na napapagitnaan ng mayayabong na puno, hindi pa rin niya magawang ngumiti.

Hindi pa rin maalis ang isip niya ang lumalalim na nararamdaman niya sa kababata.

Yun e kung susukatin ang nerbiyos at pag-aalala niya kahapon sa puwedeng nangyari sa doktor. Lalo na nang makita niya ang nakalungayngay na hitsura ni Ricardo habang nakasandal sa tindahan. Kulang na lang pagalitan niya si Kapitan at ang mga kasama nito sa pagpapainom ng lambanog.

Bakit siya nagkakaganito? Naglevel-up na nga ba ang crush at physical attraction?

Muntik siyang mapasigaw nang may biglang sumabay at kumuha ng bayong na bitbit niya.

"Samahan na kita."

Hindi niya makuhang umirap sa gulat at kabog ng dibdib nang makita kung sino ang naglakas-loob na gawin ito. Tiningnan lang niya nang pailalim ang doktor, hinablot ang bayong at walang kibo na patuloy na naglakad.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon