28 - Ikalawang Linggo: Tipanan

1.7K 224 37
                                    

A/N: Opo, sabado kahapon. Bakit Linggo lumitaw ang update? Sa ngalan ng Magnolia Ice Cream na natunaw, mag-explain ka otor. Hindi puwede ang sagot ni Baste na no explanations.

Salamat po pala sa pagshare ng kuwentong ligawan n'yo. Nabasa ko po, hindi lang po nakasagot agad. Hindi gumagana ang reply button. Chos! Sisikapin ko pong maka-reply.

------------

One more time with feelings para sa dalawang nagkagulatan.

"SUSMARYOSEP! Ano'ng ginagawa mo dito?"

Hindi alam ni Meng kung tatalikod o magtatakip ng mata samantalang nauna namang nakarecover sa pagkagulat si Ricardo. Sinuot agad-agad ang mamasa-masang pang t-shirt bago pa ma-iskandalo ang dual citizen na si manang Teodora.

Pero bago pa siya makapagsalita, nag-about face na si Nicomaine at sinimulang bumaba ng hagdan. "Nagbago na po ang isip ko, madam. Hahanap na lang po ako ng ibang matutuluyan."

Natampal ni manang Teodora ang noo niya. "Ay siya, pera na naging bato pa! Teka Dok, tama ba ang wari ko na kayo'y magkakilala? O sadyang nagulat lang siya? Kundangan naman kasi, Bakit wala kang saplot na bata ka?"

Inakbayan ni Ricardo ang matanda. "Mahabang kuwento manang. Pigilan n'yo po siya, please! Susunod ako sa baba."

Mabilis siyang nagpalit siya ng ibang collared t-shirt, kinuha ang backpack at saka mabilis na lumabas ng kuwarto. Di bale nang mamemohan ni Officer Doctor dahil late at hindi naka-uniform. Siya na muna ang maging doktor, nasa pangalan naman niya.

Dahil kahit ano pa ang purpose kung bakit nasa bayan si teacher Meng, dapat niyang samantalahin ang pagkakataon.

Priorities.

Mabibigyan niya si manang ng tip sa nadatnan niyang eksena sa reception ng guest house. Nakatalikod si Nicomaine sa kanya kaya hindi siya agad nito nakita. Sinenyasan niya si manang na huwag pahalata at ituloy lang ang pakikipag-usap.

"Pasensya na, miss. Hindi po puwedeng ibalik ang deposito. Sabi mo nga, titser ka. Kaya alam mo ang ganitong patakaran. No return, no exchange. "

"Hindi ko po maintindihan, ma'm. Kina-cancel ko na nga po ang transaksyon ng pagtuloy dito sa guest house n'yo. Wala pang 30 minutes nang nagdeposit ako. Sige na po, ibalik 'nyo na at mahuhuli na ko sa seminar kung maghahanap pa ko ng ibang tutuluyan."

"Madali lang namang intindihin, miss. Hindi puwedeng mag-cancel."

"Bakit nga po?"

Mukhang surrender na ang matanda kaya ngumuso na lang sa kanyang likuran.

Lumingon si Meng. Lo and behold, ang lalaking walang suot na t-shirt kanina.

Tumaas ang kilay niya. Sabi ko na nga ba. "Ano'ng kinalaman mo dito?"

Nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib, lumapit si Ricardo. Seryoso ang expression ng mukha pero kumikislap ang mga mata.

"Narinig mo yung sinabi ni manang Teodora. Nasa policy nila na di puwedeng magcancel kung ayaw mong ma-forfeit ang deposit mo. 'Yan kasi ang napapala ng mga naglilihim na pupunta pala sa bayan dahil may seminar. Wala man lang pasabi."

"Humirit ka pa. Isa pa, bibingo ka na." Hinarap niya ulit ang kasera. "Hindi po puwede yang sinasabi n'yo. Puwede ko po kayong ireklamo sa DTI."

Some things never change, palaban na rin siya nung High School. It's good seeing this side again. "Ganito lang 'yan Nicomaine. Gusto mo bang mas ma-late ka pa sa seminar mo? O mas ma-late tayong dalawa? What is wrong with being in the same guest house with me? Unless umiiwas ka at wala ka talagang balak magpakita sa 'kin."

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon